46: School Event (Part 3)

12.3K 632 131
                                    

| SCHOOL EVENT PART 3 |

GAVIN'S P. O. V

NASA harap ko si Rance na umiiyak na. Kakatapos lang namin mag-usap ni Aira. Ilang beses kong isiniksik sa utak niya na hindi na kami magbabalikan. Matagal ko ng alam na ginamit niya si Rance para mapalapit sa akin. Sobra lang talaga ang galit ko sa kaniya no'n kaya hindi ko nagawang itapon ang relationship namin ni Aira. Nang unti-unti ko siyang matanggap, nahulog na rin ako kay Aira kaya hindi na pumasok sa isip ko na hiwalayan siya despite of what she did to Rance.

"R-Rance..." Tawag ko sa kaniya. Nanghihinang napaupo at napasandal sa puno. Sinapo niya ang mukha niya at iniangat ang kamay sa ulo niya. "Kuya please. Just please this time, hayaan mo muna akong umiyak. Iwan mo muna ako."

This is the first time na nakita ko ulit siyang umiiyak. Ang huling beses ko siyang nakita ay noong libing ni Gigi.

"A-Akala ko tinuring niya akong kaibigan. T-tinulungan ko siyang mapalapit sa'yo at bukal 'yon sa loob ko dahil kaibigan—kaibigan ko siya. Hindi tayo okay no'n pero sinusubukan kong lapitan ka dahil gusto k-kong magkalapit kayong dalawa. N-Ni hindi ko inisip na ginagamit niya ako nung mga panahong 'yon. I cared for her. I love her genuinely." Nababasag na ang boses niya at ramdam ko na naman ang pagkadurog ng puso niya na huli kong naramdaman nung unti-unting ibinababa ang kabaong ni Gigi sa ilalim ng lupa.

Ito ang dahilan kung bakit pilit ko siyang pinalalayo kay Aira kahit hiwalay na kami nito. Ang nasa isip ni Rance kaya ko siya pinalalayo kay Aira ay dahil sa tingin niyang nagseselos ako sa kanila. Ang hindi niya alam ay ayaw kong maging malapit siya sa taong ginamit lang siya. Ayaw kong dumating sa punto na sisihin niya na naman ang sarili niya. Ayaw kong humantong sa ganito.

Ang totoo, hindi naman niya talaga ako sinisisi sa pagkawala ni Gigi. Ilang beses ko siyang narinig sa kwarto niya noon na kinakausap ang litrato ni Gigi. He's blaming himself dahil hindi niya natulungan si Gigi na mapalapit sa akin. He took all the blame secretly.

This man is so energetic or hyper to be described and a happy-go-lucky person pero siya rin ang tipong mabilis madurog ang puso.

Kaya pinilit kong saktan na lang siya. Pisikal man o sa mga salita tutal matagal ko naman ng ginagawa sa kaniya 'yon, sakanila ni Gigi, kaysa dumikit siya sa taong gaya ni Aira. Aira may be a good girlfriend with me, but not good friend with Rance. That was my thought before but hindi niya rin pala kayang maging mabuting girlfriend because she cheated on me.

Nang maging dark student ako, nahirapan kami sa communication. Pero kahit ganito, nagpatuloy ang relationship namin kahit walang maayos na usap at 'di nagkausap ng ilang months dahil sa ayaw niyang bumitaw. Last year, bago i-confiscate ang mga phone namin, nakipaghiwalay na ako sa kaniya pero nang magbakasyon kami, nagulat ako nang malaman kong hinihintay niya pala ang pagbabalik ko. Nangako siya na iintindihin niya ang kalagayan ko bilang dark student at dahil mahal ko pa rin siya, nagkabalikan kami. Hinayaan kong magpatuloy ang relationship naming dalawa.

Sinabihan ko rin si Aira tungkol sa ginawa niya na panatilihing lihim nalang pero mukhang hindi yata talaga mapipigilan ang mga dapat mangyari.

Nag-angat siya ng tingin habang nakahawak na ang kanang kamay niya sa dibdib niya kung nasaan ang puso niya. Tuloy-tuloy na rin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya. "Kuya, h-hindi ba ako karapat-dapat mahalin? H-Hindi ko ba deserve na sumaya? M-Mabait naman ako, ha? Kahit palagi akong nang-aasar, hindi naman ako nakakasakit, hindi ba? O b-baka nakakasakit na ako at h-hindi ko lang namamalayan kaya d-doble ngayon ang sakit na nararamdaman ko?"

Lumapit ako sa kaniya saka ko iniluhod ang kanang tuhod ko. "You're not hurting anyone, Rance. You are just too naive for this kind of world. Your heart is pure just like Steven and Gab. You easily love and attach to someone na kahit may mali ng nakikita ang iba, hindi mo maisipan ng mali."

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon