43: Mission Accomplished

12.9K 591 154
                                    

| Mission Accomplished |

LUNA'S P. O.V

NAKATAGO kaming lahat sa pader habang si Deth ay kausap si Warren sa kabilang linya para malaman ang sitwasyon sa loob. Kapag nakapasok na raw kami saka lang din papasok ang apat na tauhan ni Mr. PPP para obserbahan kami.

Sumenyas si Deth ng isa at tatlo. Ibigsabihin may thirteen na tao ang kailangan naming itumba nang tahimik para maunahan ang mga nasa loob at hindi lumala ang sitwasyon. 

Tinuro ni Deth ang sarili niya pati sina Wolf at Storm saka itinuro ang loob. Ibigsabihin lang ay mauuna silang papasok bago kami. Sila kasi ang magtatanim ng c4 explosive bombs kaya kailangang maitanim agad nila ito para matulungan din kami.

Hinihintay lang namin ang go signal mula kina Warren at River na humahanap ng tyempo para hindi agad makita sina Deth na mauunang pumasok.

Lumapit sa akin si Deth habang nakatingin sa relo niya. "Luna."

"Oh?"

"Everyone." Tawag niya rin sa iba. Kami naman pa lang lahat, bakit kailangan pa tawagin ang pangalan ko.

Tiningnan niya kami isa-isa. "A little change of plans. Kapag nakarinig kayo ng putok mula sa loob, kahit wala pa kayo sa loob ng warehouse, gamitin niyo na agad ang mga baril niyo. Pero p'wede niyo rin naman gamitin dito sa pagpasok pa lang dahil naka-silencer naman 'yang mga baril niyo. Kayo na ang bahala. Kung anong tingin niyong mas makakabuti sa sitwasyon, gawin niyo. Basta as much as possible, panatilihin niyo muna ang maingat at tahimik na galaw para hindi agad ma-alarma ang mga kalaban at makakilos kami nang malaya sa loob. Bilang lang ang iprinovide ni Tanda sa atin na earpiece kaya huwag na huwag din kayong maghihiwalay dahil dalawa lang ang may suot sa inyong earpiece."

Tumango naman ako. "Copy."

Tumango rin ang iba.

"Mag-ingat ka."

"Paano naman kami Deth?" Singit ni Gab kaya mahina akong natawa. Marahas na bumuntong-hininga si Deth saka tiningnan ang iba na nasa likod ko. "Mag-ingat kayong lahat. Wala sa planong mamatay."

"Deth, it's time," sabi ni Storm na nakahawak sa earpiece niya.

Inayos ni Deth ang pagkakasukbit ng bag niya. Isinandal ni Storm ang likod niya sa pader. Inapakan naman ni Deth ang binti ni Storm para makaakyat. Sumunod naman si Wolf kay Deth. Isinandal naman ni Sander ang likod niya sa pader para tulungang makaakyat si Storm.

Ilang minuto ang nakalipas nang biglang nagsalita si Vincent na may suot na earpiece. Silang dalawa ni Knoxx ang may suot sa amin.

"Seven were down. They're are about to enter the warehouse. Pumasok na raw tayo sabi ni Deth," sabi ni Vincent kasabay ng bahagyang pagbukas ng gate.

Marahas akong bumuntong-hininga saka pinaikot sa kamay ko ang dagger. Naunang pumasok si Denver. Nanlaki ang mga mata namin nang bumungad sa amin ang lalaking nakatalikod at armado. Hinila ako ni Knoxx palabas kaya ngayon ay nagtatago ulit kaming lahat sa likod ng gate maliban na lang kay Denver na cool lang sa paglalakad papalapit sa lalaki. Humihikab pa siya.

"Pssst." Tawag niya ng pansin sa lalaki at nang humarap ito sa kaniya, agad niyang sinuntok ang mukha nito. Ang result? Tulog! Hinila niya ito at itinago sa puno saka siya umakyat dito at tiningnan kami. Sumenyas siya ng lima.

"See? Marunong magpatulog 'yan si Denver kaya kapag nagkaanak kayo, sa kaniya niyo ipaalaga," natatawang sabi ni Sander.

"Huwag na lang," naiinis na sabi ni Stella.

Nailing na lang ako saka nauna nang pumasok. Madali kong itinago ang dagger ko sa likod ko at itinali ang buhok ko. Napaka tagal nila.

Narinig ko ang pagtawag nila sa pangalan ko pero hindi ko inintindi dahil may limang lalaki na ang papalapit sa akin at may mga baril na hawak na nakatutok sa ulo ko.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon