41: Date

14.5K 727 281
                                    

DATE

LUNA'S P. O. V

NASA kwarto namin ako ngayon at nagpapahinga sa kama. Bumalik si Deth kanina matapos akong inisin at nagawa pa akong subuan ng pagkain dahil hindi ko raw kayang humawak ng kutsara at tinidor. Hinayaan ko kasi no choice na naman ako. Pagtapos no'n ay pinainom niya rin ako ng gamot saka umalis.

Hindi ako nakapagpigil at tumayo na ako para sana puntahan si Panot. Sinubukan kong pihitin ang doorknob. Kahit na hirap na hirap dahil sa benda sa mga kamay ko, gumuhit ang ngiti sa labi ko nang mabuksan ko ang pinto. Hindi ini-lock ni Kamatayan. 

Kailangan ko pang harapin si panot para sa lashes ko. Excited lang maparusahan, Luna?

Bigla kong naalala ang phone ko kaya isinara ko muna ang pinto at kinuha ang phone ko sa ilalim ng kama. Dali-dali kong inilapag ang phone ko sa kama at naupo. Gamit ang mga nakalabas kong daliri, binuksan ko ang isang message mula sa unknown sender ko. 

'You showed them that you have a lot of weakness, Luna. You shouldn't let them become your weakness because they are liars.'

Tiningnan ko ang contacts ng phone. May apat na nakasave. May mga pangalan ang mga 'to. Sina Wave, Hawk, Titan, at Kuya. Kumunot ang noo ko nang makita ang 'Kuya'. Si Kuya Kaiser. Posible kayang siya rin itong unknown sender ko? Pero ano namang gusto niyang iparating sa mga message niyang 'to? 

Tsaka anong liars? Sino?

Bigla na lang sumakit ang ulo ko kaya tingiilan ko na ang ginagawa sa phone at ibinulsa ito saka nahiga. Sa sobrang pag-iisip, hindi ko namalayang nakatulog na ako at nagising na lang nang bigla akong makarinig ng mga yabag sa labas. Tumayo ako at lumapit sa pinto. Idinikit ko ang tainga ko sa pinto.

"Naka-lock pala." Boses ni Storm.

"Malamang si Deth ang may gawa para hindi 'to makalabas at hindi rin makuha ni Mr. Sarmiento. What do you think? Is he alright?" Boses ni Wolf.

"May tao bang ayos pagkatapos latiguhin ng twenty times?" may pait sa boses na sagot ni Storm.

Sinong nilatigo? 'Di ba dapat ako?

"Is this a part of the plan?" natatawang tanong ni Wolf. Lumalayo na ang boses niya pero naririnig ko pa naman. 

"Mind your words."

Matagal bago muling narinig ko ang boses ni Wolf, mahina na ito. "Why? I'm just asking, Storm. I'm harmless."

"Chaos told me that we should shut our mouths about it."

"Bakit ayaw niyang ipaalam kay Luna? He can use—Tatahimik na."

Matapos no'n ay wala na akong narinig pa dahil mukhang nakalabas na sila ng kwarto namin pero hindi ko alam kung bakit may nararamdaman pa akong presensya sa labas. Hirap na hirap kong pinihit ang doorknob pero hindi gaya kanina, hindi ko na magawang mabuksan dahil naka-lock na ito mula sa labas.

"Tev, are you there? Can you open up this door?"

Walang sumagot. Napalunok ako at nanghihinang napaupo sa harap ng pinto nang matauhan ako kung nasaan ang taong tinatawag ko.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon