51: Abducted

12.5K 604 422
                                    

| Abducted |

LUNA'S P. O. V

Nasa condo kami na pagmamay-ari ni Xenor at nasa loob ng kwarto si Denver. Pinagbihis lang siya pero kalahating oras na siyang nasa loob.

Kinumusta siya ni Luci pero gusto muna raw nito makapag-isa kaya hinayaan na lang namin. Kanina pa nga namin inaawat si Zairus dahil nag-o-overact na naman.

Tanging kami na lang nina Deth, Luci, Zai, Chaos, Leo, Gavin, Rance, Steven, Wolf, at Xenor ang nandito dahil sina Gab, River, Storm, at Sander ay dumiretso ng umuwi nang malaman nilang nahanap na namin si Denver. May mga kailangan pa raw kasi silang gawin.

"Paano kung maglaslas 'yan? Ayoko pang umattend ng burol ng kai-" Natigil si Zai nang tumayo si Deth. "Paano kung burol mo ang pupuntahan namin? Ayaw mo?"

Mahinang natawa sina Rance at Tev na nakahiga sa sahig.

"Joke lang, Deth. Hindi ka talaga mabiro, e 'no?" nanginginig na boses na tanong ni Zai.

Narinig namin ang pagsara ng pinto. Napatingin kaming lahat sa pinanggalingan ng ingay. It was Denver na magulo ang buhok at bakas sa mga mata ang matinding pag-iyak.

"Ayos ka na, Denver?" tanong ko.

Nakangiting tiningnan niya kaming lahat. "I am... thank you, pero bakit? Hindi naman ako close sa inyo. Hindi naman kailangan na..." unti-unting humina ang boses niya hanggang magbaba siya ng tingin. "Umabot sa ganitong pagtulong."

"Ano ka ba? Normal lang naman 'yan. Sina River at Warren nga minsan lang din maki-join, wala naman kaming problema sa kanila. Siyempre, gano'n din sa'yo. Siguro naman everyone respects the personal space ng bawat isa, right?" Natatawang tanong ni Tev saka naupo. "Kaya ayos lang. No biggie, pero sana subukan mong lumapit-lapit sa amin. Hindi naman kami nangangagat."

"Hindi mo sure," nakangusong sabi ni Rance habang nakatingin kay Zai.

"Lahat naman tayo minamalas, pero may mga bagay do'n na hindi natin ginustong mangyari o mapipigilan," seryosong sabi ni Rance saka naupo na rin. "At 'yun ang hindi natin kasalanan."

"Denver we had conversation about you staying here. Gusto sana namin na samahan mo muna si Xenor dito. Mas mapapanatag kami kung may kasama ka saka para na rin nakakakain ng totoong pagkain ang lalaking 'to."  Pangunguna ko saka saglit na tiningnan si Xenor bago ibinalik kay Denver ang tingin ko. Ito ang pinag-usapan namin sa tagal ni Denver na nasa loob ng kwarto.

Mula sa gilid ng mga mata ko, kita ko agad ang pagtutol sa mukha ni Xenor. Nakataas ang isang kilay niya habang magkakrus ang mga braso at binti niya. "Ano'ng tingin mo sa mga kinakain ko? Fake? For your information, I know how to cook, babae. I'm just—"

"Lazy." I cut him off then looked at him with smirked in my lips, which made him shut up. I'm telling the truth naman din kasi talaga.

Bakas ang pagtataka sa mukha ni Denver, tila naguguluhan sa mga nangyayari.

"What do you think, Denver?" Pagkuha ni Deth sa atensyon ni Denver. Agad naman siyang binalingan nito. Nakangiti siyang umiling. "I'm fine. Ayos naman na ako sa tinitirahan ko. Kung ako lang inaalala niyo, ayo—"

"Alam namin na kaya mong mag-isa at gusto mong mapag-isa, pero gusto lang sana naming sabihin sa'yo na walang masama kung minsan kailanganin mo ng kasama at... meron kang kami kaya walang dahilan para mapag-isa ka."

Napabaling ako kay Deth with my lips parted. This is the first time I heard something na nakakatouch mula sa bibig niya. Palagi kasing kagaguhan ang bukambibig, eh.

Nakapamulsang tumayo si Xenor saka nagpunta ng kusina at nagsalin ng tubig. "Tsaka, tama si Luna, tamad ako kumilos kaya kakailanganin ko ng kasama rito. Kakalipat ko lang at alam niyo namang lahat kung nasaan ang magulang ko kaya..." Uminom siya ng tubig.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon