49: Uninvited

12K 593 262
                                    

| UNINVITED |

WARREN'S P. O. V.

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong katabi ko itong si Luna o hindi pero bahala na. Mapilit itong taong 'to at baka kapag hindi ko pa sinabi sa kaniya ay maisipan niyang magpatulong kina Deth. Ayokong mangyari 'yon.

"Nahinga ka pa ba, Warren?" Kuha niya ng atensyon ko kaya napailing-iling na lang akong tiningnan siya. "Hindi ka talaga makahinga kapag walang tsismis e 'no?"

Kumunot ang noo niya. "Hindi mo ba alam ang kasabihan na-"

"Na ano?" Hoping that her beliefs-

"A tsismis a day, keeps the boringness away," natatawa niyang sabi niya. Hinayaan ko siyang tumawa nang tumawa hanggang matapos siya. She cleared her throat and straightened her back.

"May kapatid ka ba?" Tanong ko sa kaniya dahil ang alam ko ay meron base sa pagkakasabi sa amin ni Chaos. Namatay daw kasi ang parents ni Luna kasama na ang dalawa pa niyang kapatid at tanging ang bunsong kapatid niya na lang ang natira sa kaniya.

Nakangiting tumango siya. "Meron. Si Cedric. Why?"

"Hindi naman siya tulad mo 'no?" Kunot-nuong tanong ko.

"Na ano?"

"Baliw? Kinulang sa bakuna? Makulit? Madaldal? Takaw gulo? Ma-" Nahinto ako nang dumilim ang mukha niya kaya umayos na lang ako ng upo. "Matalino."

"Nahiya ka pa! Anong matalino? Ano 'yung ma? Ano karugtong nun, Warren?" sunod-sunod na tanong niya nang hindi siya maniwala sa huli kong sinabi.

"Mangungulit ka o magku-kwento ako?" Pananakot ko.

Nag-iwas siya ng tingin kasabay ng pagkalma niya. "Magku-kwento ka."

"Now, shut up."

Napapantastikuhan niya akong nilingon saka niya izinip ang bibig niya at umirap.

Kahit kailan talaga ang ugali nito, hindi ko gusto, e.

'But she's in your car and you will tell her your past?' sabi ng kung saang parte ng utak ko.

That's because I can't make her shut her mouth about this so I'd rather tell her my problem! Fuck this!

Napasabunot ako sa buhok ko. This is frustrating as fuck.

"You're worried, aren't you?" Tanong niya saka ako nilingon. Hindi ako sumagot pero nilingon ko siya.

"Worried ka na baka makarating sa iba sakaling sabihin mo sa 'kin?" Wala sa sarili niyang tanong habang nagtutupi ng panyo niya.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko. Hindi kaya mind reader itong si Luna?

Marahan niyang hinampas ang braso ko. "Ano ka ba?! Hula lang 'yan. Ganiyan naman kadalasan ang mga tao, e. They're afraid that if they share their problem with others, it's either they are afraid to be judged, comfortable of living with silent battles, or they are afraid that the person they trusted will share to others the conversation happened between them."

Napatulala na lang ako sa kaniya habang nagsasalita. Kailan kaya mauubusan 'to ng mga sasabihin. Ang daldal, e. "Dami mong sinabi. Oo na, I'll tell you my story."

"Yun!"

"Tsismis lang naman talaga gusto mo."

Umiling-iling siya. "I'm just being reliable friend." Nakangiting sabi niya saka ngumuso at nag-iwas ng tingin. "At makitsismis."

Napailing na lang ako sa babaeng 'to. Paano natatagalan 'to ni Deth?

"It was all my father's doing. I was always at our house. Isolated if that is the right word to describe my situation before. My dad didn't let me socialize with other children. I was always busy playing instruments, painting, taking foreign classes, drawing, attending debates, and many more. I am not talented or perfect. I am just a fast learner and have too many experiences. You are all thinking that I am perfect which I'm really not. Marami lang akong nalalaman kaysa sa inyo pero hanggang dun lang 'yun. Marami akong nalalaman dahil marami akong karanasan at natutunan sa bawat klase na dinadaluhan ko noon. I don't have any childhood memories except of studying very hard inside of my room. I was taking online classes before that's why my socialization sucked."

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon