3: Dark Helios Gutierrez (Deth)

24.6K 1.1K 494
                                    

| Dark Helios Gutierrez (Deth) |

LUNA'S P. O. V

Hindi ko alam kung ilang araw o linggo na akong nagtitiis sa section na kinabibilangan ko dahil pare-parehas lang naman ang ganap. Ginagawa nila akong katulong. Ginagawa ko nalang dahil mas naiirita ako sa mga bulungan ng kaklase ko sa tuwing 'di ko pinapansin ang mga ibinababang utos nung Kamatayan. Dagdag pa rito, lulubog lilitaw din ang mga teachers namin kaya pinipili ko nalang din talagang kumilos para naman malibang ako.

Update sa buhay ko? Gusto ko nalang maging patatas. Lagi na lang sama ng loob naattract ko rito.

Katatapos lang ng recess at nagbaon na ako dahil gusto kong makatipid at ayoko na rin bumili sa kabilang room. Mukhang wala na naman kaming teacher ngayon na nakasanayan ko na. Bumalik sa upuan si Chaos at parang kinikilatis ang mukha ko. Ano'ng problema nitong gunggong na'to?

"Problema mo?"

"Wala," sabi niya saka nagsulat na rin.

Hindi ko na siya kinulit pa. We're not that close para kulitin ko siya.

Feeling ko unti nalang sasabog na ang eardrums ko sa sobrang ingay. Hindi ko alam kung maganda ba o masamang nandito sila sa loob, e.

Na-realize ko na hindi naman pala mga tigre ang namamalagi rito. Sadyang may oras lang talaga ang pagiging delikado at mabangis nila.

"Hoy, Leo! Kapag hindi ka bumalik dito, papatayin ko ito!" sigaw ng lalaki na may hawak na kutsilyo at nakatutok sa manika na si Ben sa Ben 10?

"Subukan mo at nakikita mo 'to, Steven!" sigaw ni Leo na may hawak namang gunting at nakahawak sa isang jersey!

Nag-aalalang nakatingin si Steven sa hawak ni Leo at itinutok ang kutsilyo rito. "Hoy! Hoy! Subukan mo lang! May pirma pa 'yan ni Stephen Curry!"

"Mga gago! Mag swap na lang kayo! Mga tangang hostage taker!" awat ng isa pang lalaki.

Pinalibot ko naman ang tingin ko sa likod na nagsisikantahan pero hindi sila magkakatabi. May naggigitarang dalawang lalaki, 'yung isa kumakanta at 'yung isa nagpepen tap.

Sa kanan ko naman, mga busy sa paglalaro sa phone.

"Oh, gago! Level niyo na?!"

"Tangina! Failed amputa!"

"What's that?!" inagaw nung lalaki na panay ang gulong kanina sa sahig ang phone nung lalaki na naglalaro. "Candy crush talaga?! Grabe kayo! Iphone Iphone kayo tapos candy crush lalaruin niyo?!"

Ngayon ko lang napansin na naka-Iphone nga ang mga ito. Bakit kaya sila nandito? Nakagawa ng kalokohan?

"Nandito si Zai dahil scholar. 'Yang phone niya ay bigay sa kaniya ni Wolf na galante. Sa room B 'yan si Wolf pero nadayo rito dahil may babae rito." Paliwanag ni Chaos kaya napatango na lang ako.

"Kahit mayaman 'yong Wolf?" puno ng pagtatakang tanong ko.

"Hindi lang si Wolf ang mayayaman nating kaklase rito. Sadyang wala lang pake sa kanila ang mga magulang nila kaya nagagawa nila ang gusto nila. Eh karamihan sa kanila, tamad. Mas gusto nila rito dahil minsan lang may pinagagawa at lalong minsan lang sila masaway at ma-monitor."

Kaya pala! Napakatalino ng mga ito ha! Samantalang ako, napasok dito dahil mahirap lang ako at sa mga bad records ko.

Sa kanan ko naman ay may dalawang lalaki na nakaupo sa bintana at humihithit ng sigarilyo.

Wow! Feel na feel ang ambiance, ha! Well in fairness, maganda naman ang labas ng bintana dahil diretso ito sa gubat. 'Yung harapan lang naman ang panira dahil sa basura pero kung  malilinisan tapos tatanggalin ang mga nagtataasang damo, magiging maaliwalas ang paligid ng room namin.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon