37: Ride

14K 690 323
                                    

| RIDE |

LUNA'S P. O. V

NASA loob na kami lahat ng classroom namin dahil dito kami iniwan ni Deth matapos siyang ipatawag ni Mr. PPP sa office nito. Kasama niya sina Storm, Wolf, at Chaos. Halos mag-iisang oras na rin ang nakakalipas matapos ang pagsabog kung saan.

"Nandyan na si Deth!" Sigaw ni Vincent kaya pumasok na ang lahat.

Nang makapasok si Deth, ang sama ng mukha niya at parang may dala siyang masamang balita.

"The storage room exploded." Imporma niya na ikinakunot ng noo namin.

Napahilot sa sintido si Storm. "Sino nagpasabog?"

"Blackwing men."

Shit.

"The fuck?!" Sigaw ng ilan.

"This is insane! Hindi lang ang papa mo, papa ko, at mga nasa gobyerno ang kalaban natin, pati na rin ang gang sa labas," naiinis na sabi ni Vincent kasabay ng pagsipa niya sa upuang nasa harap niya. "Fuck it!"

"They mess with us, much better if they start to prepare themselves," kalmadong sabi ni Chaos na ikinatango ni Deth. "We will kill all of them. No one will be left breathing."

"Yeah, for Elisse and Kian," pabulong na sabi ni Leo.

"Sino 'yung Elisse?" Tanong ko kay Zairus na nasa gilid ko lang kahit na naalala ko naman kung sino si Elisse at Kian. Sila 'yung dalawang pinabugbog ni Blue ayon kay Alexus.

"Hindi mo ba siya kila-Ay oo nga pala! Transferee ka! Si Elisse-"

"Girls, leave for a moment. May pag-uusapan lang kami." Putol ni Deth sa iba pang sasabihin ni Zairus.

Nagtinginan naman kami nina Stella at Eunice. Inirapan nila akong dalawa bago nagmartsa papalabas ng kwarto. Sinundan ko rin naman agad sila papalabas.

STEVEN'S P. O. V

"Bakit mo sila pinaalis? It looks serious, so we need to work together and that include girls. Don't tell me hindi niyo pa sila ina-acknowledge na kabilang sa section na 'to?" Pagtatakang tanong ni Rance kina Chaos at Deth na nasa unahan.

Nilingon kami ni Chaos. "We already acknowledged them but they are too weak for-"

"Maiintindihan ko sina Stella at Eunice but Luna?" Protesta ni Rance na tulad din sa iniisip ko.

"Luna has different case," seryosong sabi ni Deth kaya napatayo ako. "What do you mean by that?"

"She was a former gang member before she entered this section. The Blood Gang."

"Teka, teka, ito ba 'yung kanina na sinasabi ni Knoxx?" naguguluhang tanong ni Vincent.

My jaw clenched. "Pero hindi naman siya miyembro ng Blackwing. So, how did it become an issue now para paalisin din siya?"

Napahawak sa baba si Wolf. "Tama lang ang hinala natin dahil kilala niya ang ilan sa mga tauhan sa Fallen Angel at Blackwing Gang."

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon