50: Family

12.8K 591 374
                                    

| Family |

STEVEN'S P. O. V

GUSTO kong humingi ng tawad kay Ate dahil hindi ko itinawag sa kaniya na dumating si Deth. Hindi naman dapat nandito si Deth pero nalaman niya siguro kay Chaos na inimbitahan ko si Luna rito kasama ang kapatid niya.

Flashback....

"D-Deth, ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kaniya nang makapasok sila sa bahay.

"Lucky missed you," seryoso niyang sabi saka nagbaba ng tingin kay Lucky na nakangiting tumatango. "Yes, Kuya Steven. Miss na miss po kita."

Natatawang yumuko ako saka hinawakan ang ulo ni Lucky. "Totoo?"

Tumango ito kaya ginulo ko ang buhok niya. "P'wede bang umakyat ka muna sa kwarto ko? You know where's my room, right?"

"Yes po," sagot niya saka naglakad na papunta sa taas.

"Deth, what's your plan? I know you are here because you knew about my-"

Nakapamulsang isinandal niya ang likod niya sa pinto habang pinaglalaruan ang lollipop sa bibig niya. "What plan?"

"Please don't act like you are innocent. Ako 'to, Deth. Hindi ako si ate para paikutin mo at lokohin mo," may diin kong sabi. He should stop acting like he wants to use Luna and get revenge for what happened to Elisse dahil hindi ko talaga nararamdaman na plano pa ang mga inaakto niya kay Luna.

Umayos siya ng tayo at lumapit sa akin. Tinanggal niya sa bibig niya ang lollipop. "Fine. I am here because I want to talk to her."

"Napag-usapan namin ito nila Storm nung nakaraan. We don't think that you are approaching her just because you want to get revenge on Blue. This is all about you... falling for her."

"Falling your foot, Steven," may diin niyang sabi saka ako nilagpasan at pabagsak na naupo sa couch.

"You get jealous."

"No, I'm not." Depensa niya kaagad.

Humarap ako sa kaniya. "Luna is with Alexus."

Kumunot ang noo niya. "How did you know?"

"Luna and her little brother are both living with Alexus."

"Stop," may diin niyang sabi. Kitang-kita ko ang pagkuyom ng kamay niya at halata naman na nagpipigil lang siya ng galit. I know Deth very well when it comes to his gestures. Kung kilala niya kaming mga kaklase niya, kilala rin namin siya.

Kailangan ko pa siyang sagarin para mapaamin. Naupo ako sa tabi niya. "I think Alexus has a crush on Luna but he can't do any move because Luna is a minor. I'm sure if Luna turned to eighteen, he will ask Luna out and you-"

"Shut up!" Sigaw niya saka siya tumayo at hinarap ako. Seryoso akong nakipagtitigan sa kaniya. Tumayo ako."This has to stop, Deth. Pinahihirapan mo lang sarili mo. Wala na kayo ni Elisse."

Pare-parehas kami ng iniisip nina Storm at ng iba pa na hindi niya naman talaga mahal si Elisse. Minahal niya ang dating bata na nakasama niya sa playground at hindi ang Elisse na nakasama niya sa matagal na panahon. Hirap lang siyang i-let go si Elisse dahil sa alaala nila at matagal nilang pinagsamahan kahit wala naman talagang pagmamahal do'n. O kung may pagmamahal man do'n, hindi gano'n kalalim.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon