4: Second Encounter

24.1K 972 781
                                    

| Second Encounter |

LUNA'S P. O. V

KINABUKASAN, ramdam ko ang bigat ng ulo ko. Isang buwan na rin kasi akong walang maayos na tulog. Tumulong ako sa pag-aasikaso ng burol at libing nina Mommy, Daddy, Ate, at Kuya tapos nagbantay din ako roon. Pagtapos naman no'n, nung nakaraang week naman, si Cedric na ibinalik ko ulit sa hospital dahil sa mataas nitong lagnat.

Hindi ako gaanong nagpapahalata kay Cedric na masama ang pakiramdam ko dahil mag-aalala lang 'yon. Iniwan ko ulit siya kay Ate Jo dahil papasok ulit ako sa school.

PAGKADATING ko sa likod ng school, kung nasaan ang room namin, parang lalong bumigat ang ulo ko nang makita ang nagkalat na mga basura sa tapat ng room namin-na inayos ko kagabi!

"Luna, akala ko itinuloy mo 'yung paglilinis kagabi. Napagod ka ba kaya ka huminto?" bungad na tanong sa akin ni Kairhys.

Nakangiting tumango na lang ako. Hindi ko p'wedeng bigyan ng satisfaction ang mga gunggong na nasa loob.

Huwag ako! Huwag ngayon.

Iniabot ko kay Chaos ang bag ko. "Can you please put this in my seat?"

"Matamlay ka, may sakit ka ba?" may pag-aalalang tanong niya. Akmang hahawakan niya ang noo ko kaya napaatras ako. "Wala, inaantok lang. Sige na, pumasok kana. Excuse mo na lang ako kay Sir."

"Excuse ka naman na niyan since ang utos ay galing kay Deth."

Nako! Narinig ko na naman si Kamatayan! Makita ko lang talaga 'yan, ako ang papatay sa kaniya para ako na ang uupo sa trono niya!

Nang makapasok na siya sa loob, kinuha ko na ang plastic ng mga basura na nakabukas.

In fairness hindi sinira ang plastic. Mabait pa sila sa lagay na 'to.

Sinimulan na ang pamumulot ng basura. Kailangan ko itong matapos agad bago bumigay ang katawan ko. I won't let them see me at my worst.

No fucking way!

Sa isang oras kong pamumulot, ramdam ko na nanunuyot na ang lalamunan ko at bumibigat na rin ang talukap ng mga mata ko. Para pang pinupukpok ang ulo ko. Dagdag pa kasi ng bigat ng pakiramdam ko ang masamang panahon. Umaambon na may kasama pang malakas na hangin.

Ako na yata ang pinakaswerteng tao ngayong araw na ito.

"Luna! Sumilong ka muna!" rinig kong sigaw ni Chaos. Kahit wala na akong lakas para gumalaw pa, nilingon ko siya at ngumiti. "Patapos na ako, itatali ko na lang ang ang mga basura!"

Nasaan na kaya 'yung weirdong gunggong na nagturo sa akin magtali?

Malapit na ako matapos tapos ako na mismo ang pupunta ng clinic para makapa-

Shit! Dumilim ang paningin ko at nabitawan ang hawak-hawak kong plastic. Bago pa man din ako tuluyang mawalan ng balanse at malay, may nakasalo sa akin.

DETH'S P. O. V

NAGLALAKAD ako papunta sa Dark Section. Marami kasing pinagawa at pina-finalize sa akin sa office mula no'ng magsimula ang pasukan.

Eunice and Stella are really official Dark students. Nagdesisyon si Sarmiento na hayaan nalang ang dalawa rito dahil wala namang pake ang mga magulang nito sa kanila at laking kawalan din ang pag-alis ng mga ito kung sakali lalo pa't marami nang umaalis at umaayaw sa West Star High School dahil sa mga kumakalat na balita sa labas tungkol sa section namin.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon