14: Confused

20.4K 865 511
                                    

| Confused |

CHAOS' P. O. V

GUSTO kong sapakin si Deth pero alam kong hindi magandang tingnan kaya pinigilan ko ang sarili ko. Nasa likod kami ng school at medyo malayo sa room namin. Kasama namin sina Wolf at Storm na halatang naguguluhan din sa kinikilos ni Deth.

"Deth, what was that? Why did you want to stop that man from getting Luna?" Nagtatakang tanong ni Wolf na ikinasang-ayon ni Storm. "Oo nga. Akala namin gusto mo na siyang umalis dito kaya na'tin siya hinayaang makita tayong parang mga hayop kung makipaglaban-"

"Na hindi nagtagumpay. Marunong din siyang lumaban at gaya niya tayo. Nakita niyo naman yata ang mga galawan niya, hindi ba? Hindi naman kayo bulag. Malamang hindi siya matatakot sa atin kung ganun din pala siya," sabi ko at tumango naman sina Storm at Wolf habang si Deth ay nanatiling madilim ang mukha at nakakuyom ang kamao.

"Ano ba'ng nangyayari sa'yo, Deth? Kung gusto mo naman pala mag stay sa section na'tin si Luna dapat sinabi mo sa kaniya na tinulungan na'tin siya-mo! Tinulungan mo! Kinausap mo pa si Blaze na huwag sabihin kay Luna. Kating-kati ka ba talagang kamuhian niya tayo?"

"Shut up or I will kill you!" puno ng pagbabanta niya saka kinuha ang kutsilyo nito sa likod at ibinato sa puno na tumama naman sa gitnang parte nito. "Hangga't weeks pa lang ang tinatagal niya rito, p'wede pa siyang umalis. Sila. Ang pinirmahan nilang kontrata ay maaaring sunugin o ipagpawalang-bisa ni tanda. Isang malaking kalokohan lang ang kontrata na 'yun pero kapag nagtagal pa sila at nagsimula na ang hindi normal na gawain na'tin, maiipit na sila nina Eunice at Stella. Mas matigas ang ulo ni Luna kaya kimailangan pa na'ting magplano ng ganito. Hindi na'tin pwedeng sabihin sa kanila ang tungkol sa Dark Section hangga't hindi pa siya opisyal na kabilang sa atin at alam ko namang alam niyo 'yan."

Naguguluhan na ako sa inaakto ni Deth! Alam kong dati na siyang magulo pero hindi ko inaasahang mas may igugulo pa siya lalo na ang nangyari kagabi na lahat kami ay napatanga.

Flashback...

Nang bumagsak si Luna, umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko at tumakbo para habulin ang lalaki na sumaksak kay Luna pero hindi ko na ito naabutan nang biglang may dumating na isang lalaki at sumakay sila sa motor.

"C-Cedric." tawag ni Luna sa kung sino at bigla nalang nawalan ng malay.

"Luna! Luna! Wake up please!" sigaw ni Steven na humahagulgol na ng iyak habang nakahawak sa tiyan ni Luna, kung saan patuloy na lumalabas ang dugo habang si Leo ay pinipilit siyang patayuin. "Stand up, Steven."

"No! No! I won't leave her here! No, Leo! Please help her!" sigaw ni Steven saka dahan-dahang pinaiga si Luna sa sahig saka kumaripas ng takbo papunta kay Deth na sobrang dilim ng mukhang nakatingin kay Luna. "Deth! Deth! I'm begging! Please! Hindi naman ito ang plano, hindi ba? Ang plano niyo lang naman ay ipakita na hindi tayo normal na mga estudyante para matakot siya at umalis sa section natin pero hindi naman ganito, hindi ba? You won't let her die, right? Please! Deth! Help her!" Puno ng pagsusumamo na sabi ni Steven na nanghihinang napaupo sa sahig at humagulgol. Dinaluhan naman siya ni Leo at pinakakalma.

"Steven, she'll be fine." Pagpapakalma sa kaniya ni Leo.

Gago! She'll be fine e, wala nga ni isang kumikilos sa inyo. Ano 'yan? Kusang gagaling si Luna habang nakahiga sa lupa?

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon