19: Sky Arc Gang

19K 974 298
                                    

| SKY ARC GANG |

LUNA'S P. O. V

Akma ko siyang susuntukin nang mahawakan niya ang kanang kamay ko at ngumiti. "You're too aggressive. It might kill you."

"Mamatay na kung mamamatay," pagalit kong sabi saka ko inagaw sa kaniya ang kamay ko.

Namulsa siya at tumingin sa malayo. "You are just like your parents."

"Huh?"

"My dad and your parents are best friends." Ibinalik niya ang tingin sa akin.

Matagal akong natahimik dahil sa pagpro-proseso ng sinabi niya. Napakurap-kurap ako bago nakapagsalita muli. "Pinagsasabi mo?"

"If you want to know more, come with me sa rooftop," sabi niya saka umalis. Naguguluhan ako pero pinili kong sundan siya.

Ayoko ng binibitin ako!

Nang makarating ako sa rooftop, nakaupo siya sa may railing at unting galaw lang ay p'wede na siyang mahulog sa baba.

Bakit ba ang hilig nilang maupo riyan at ako pa lagi ang nakakakita?! Baka one day, mapagbintangan akong tumulak ng kaklase!

Ayokong mag-alala pero-"Bumaba ka nga riyan!"

Nakangiting tumayo siya sa mismong railing at ngumiti. "Nag-aalala ka?"

Pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko sa ginawa niya. Napataas pa ang mga kamay ko. "Hindi! Baka ako pa mapagbintangan kaya bumaba kana! Hindi ka si superman!"

Natatawang tumalon naman siya at lumapit sa akin.

Bakit siyang-siya sila kapag naaasar ako?!

"Your Dad and your mom are part of the gang. Not just a part but they are the gang leaders of Sky Arc Gang."

Minsang narinig ko na sa bibig ni Alexus ang tungkol sa gang na nagngangalang Sky Arc. Ayon sa kaniya, ito ang pinakamatagal at pinakamalakas na gang pero nadisband daw ito dahil namatay ang leader nito. Ang mga miyembro nito ay nagkalat sa iba't ibang gang ngayon.

To think na parents ko ang leader no'n? That's ridiculous.

"Siraulo ka ba?! Mukhang nawawala na yata ang turnilyo mo sa utak," sabi ko saka ko siya tinalikuran at naglakad.

"Dad told me that they were the strongest gang of all gangs and Kenji... your dad led them."

Napahinto ako sa paglakad nang marinig ko ang pangalan ni Daddy. Dahan-dahang humarap ako sa kaniya na nakaupo na sa bench. Napakuyom ako ng kamay ko at naiinis na tumabi sa kaniya.

Hindi ako naniniwala sa kaniya pero may parte sa akin na gusto siyang pakinggan.

"When they knew that you were part of the gang, nagalit sila hindi ba?" tanong ni Knoxx na ikinatanga ko.

Alam niya rin na naging parte ako ng isang gang? Paano niya nalaman na nagalit sa akin sina mommy? Shit.

"Black Panthers Gang, right, Light?"

Nagsitayuan ang balahibo ko nang banggitin niya ang gang ni Alexus. Nangingitnig ang mga kamay kong tumayo at umatras. Pakiramdam ko nanlalamig ang buo kong katawan. Tanging ang mga nasa gang lang ang nakakakilala sa akin bilang light kaya paano? "P-Paano mo nalaman?"

"Nagalit sila sa'yo at pinagbawalan ka dahil hindi nila matanggap na ang buhay nila dati ay dadanasin mo," natatawang sabi niya saka isinandal ang likod sa upuan. "Kanang kamay ng ni Tito Kenji si Dad. Kaibigan ng parents mo ang daddy ko. My dad's name is Oggy."

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon