26: Hellcome

17.6K 802 136
                                    

| HELLCOME |

LUNA'S P. O. V

What a great day it is nang magising ako na may nakatapal na naman sa kanang braso ko at nasa harap ko sina Alexus. Nawala ang pag-iisip ko tungkol sa nangyari nang maalala si Kuya Jasper.

"Nasaan si Kuya Jasper?" tanong ko sa kanilang tatlo pero nagtiinginan lang sila. "H-huh?"

Inalis ko ang kumot sa katawan ko at bumangon. "I saw him, Alexus. Siya ang bumuhat sa akin. He is wearing a half-face mask. Nakilala ko ang kalahati ng mukha niya. Nasaan siya?" Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto pero walang bakas niya. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko at nanginginig ang mga kamay ko.

"He's dead, Lu. Ano ba'ng pinagsasabi mo?" kunot-nuong tanong ni Lucas.

Tiningnan ko ang sugat ko sa kanang braso ko. "No, he's alive. I saw him with my two eyes. I can't be wrong. Nakita ko siya bago ako nawalan ng malay." My tears fell. I looked at them with my begging eyes, asking them to let me see my Kuya again. "Please, I need him... I need my brother with me."

"I'm really sorry, Luna, but it's not Jas who saved you. It was Wendel." Humakbang papalapit si Raiven. "Inutusan siya ni Alexus na sunduin ka na dahil maglu-lunch na tayo tapos naabutan ka niya dealing with those bastards."

"I heard two gunshots. Siya rin ba ang may gawa no'n?" I asked, my voice was shaking.

"Yes."

With that answer, my hopes died. Masakit pa rin talaga. Patay na si Kuya Jasper kaya imposible talaga ang nakita ko. Siguro kaya ko siya nakita ay dahil sa birthday niya.

"Nasaan si Ced?" kalmadong tanong ko saka ko tinuyo ang luha ko.

"Nasa labas at kasama si Wendel," sagot ni Alexus.

"Hindi naman malalim ang tinamo mo, Luna kaya bakit ka hinimatay? Hindi ka ganito. Ano'ng sinabi sa'yo nung mga lalaki na binaril ni Wendel at basa ang mga mata mo nang dalhin ka raw niya?" Tanong ni Raiven kaya nagbaba ako ng tingin.

"My parents.... Mukhang may atraso sa kanila sina Mommy at Daddy," wala sa sariling sagot ko at nagbaba ng tingin sa kamay niya na nasa ibabaw pa rin ng kamay ko. "Iniisip ko kung mali ba ako ng pagkakakilala sa kanila."

Hinawakan ni Alexus ang kamay ko. "Hey, don't think that. Kung ano ang pagkakakilala mo sa mga magulang mo, 'yun sila. At kung meron ka mang malalaman na tungkol sa kanila, lawakan mo ang pang-unawa mo."

Bakit gano'n? Parang may laman ang huling mga salitang binibitawan ni Alexus?

Nakangiting nag-angat ako ng tingin. "You're right, Alexus. Hindi ko dapat sila pag-isipan nang masama. Baka nagkamali lang 'yung mga 'yon pero pinatay pa rin nila ang pamilya ko, Alexus. Sila ang pumatay sa-" Natigil ako sa pagsasalita nang yakapin niya ako. "Shhhh... Everything will be fine, Luna. Habang nasa loob ka ng school, kami ang bahala rito sa labas. Sisiguraduhin naming mahahanap namin sila at aalamin ang pakay nila."

Tiningan ko sina Raiven at Lucas na nakatayo lang. "Thank you rin sa inyo."

PAGKATAPOS naming kumain, uminom na ako ng gamot at natulog na dahil maaga ang pasok ko bukas. Katabi ko si Ced na kanina pa nag-aalala sa akin. Mabuti na lang dahil sa pagod ay nakatulog din ito agad.

Sina Lucas naman ay nagpunta sa bahay dahil sila raw ang maghahanda ng mga gamit na dadalhin ko sa school. Hindi ako pumayag no'ng unadahil nakakahiya saka. May mga under garments Silang kukunin! Pero itong Lucas, nagsuggest! Pipikit na lang daw siya at gagamit ng tong pang sungkit.

Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit matulog. Kailangan ko ng lakas bukas at sa mga susunod pang araw.

ALAS singko na nang magising ako at dahil pa 'yon sa pag-alog sa akin ni Ced.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon