CHAPTER 1 ● The Encounter

4.6K 73 3
                                    

Savannah's Pov:

Nasa harap pa lang ako ng gate namin, hindi na maganda ang pakiramdam ko. Nasagot ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko nang makita ko ang kotse ng tatay ko.

"Nandyan siya? Kanina pa?" tanong ko sa guard namin. Alanganin naman itong tumango.

Napabuntong-hininga naman ako bago ko tinuloy ang pagpasok sa bahay.

"Everleigh!" sigaw ng tatay kong kanina pa ata ako inaantay. Ang sakit niya talaga sa tenga.

I just look at him. Hinihintay ang susunod niya pang sasabihin.

"Ano bang plano mo sa buhay mo?

Pinapahiya mo ang sarili mo, pati na rin ang apelyidong dala-dala mo," galit na sabi niya. Kung makapag-react akala mo naman first time lang nangyari 'to.

Ano nga ulit ang sabi niya? Pinapahiya? Ako pa talaga ang nagpapahiya sa apelyido niya?

"Bakit ka ba nagagalit? Malay ba ng mga tao diyan na ikaw ang tatay ko. Malay ba nila na anak ako ng isang babaerong bussiness man? Ayoko din naman ipagkalat kahit pwede ko namang gawin iyon," inis na saad ko.

"How dare you! Anong karapatan mong lumaban sa akin, anak lang kita," saad niya sabay duro sa mukha ko. Nandyan na naman siya sa paborito niyang linya.

"Whatever Dad! Akyat na ako sa kwarto," walang galang kong sabi at tinalikuran siya.
Dumaan muna ako sa kusina, naabutan ko yung nanay ko na umiiyak.

"Nak, bakit ka naman kasi nakipag-away ulit? Look at your beautiful face, may galos na naman," nag-aalalang saad ng nanay ko.

Hindi ko alam isasagot ko, iba ako kay papa at iba ako kay mama. Tiningnan niya lang ako at nakipagtitigan na lang din ako sa kanya.

Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita ulit.

"Okay, pumunta kana muna sa kwarto. Maligo ka at susunod ako para gamutin yang sugat mo," sabi niya at sinunod ko naman siya.

Pumasok ako sa kwarto ko at didiretso sana sa banyo nang may napansin ako.

"Hi," ngiting-ngiti niyang saad.

"What are you doing here, Baril?" tanong ko sa kanya.

Yung mga nakakapikon niyang ngiti ay bigla namang nawala at nagpout pa talaga. Sipain ko kaya ang batang 'to?

"Ate naman, baril pa rin hanggang ngayon? I'm Gun, don't call me baril, nakakahiya pag may nakarinig na iba," sabi niya habang lumalapit sa akin at niyakap ako.

"Aray!" daing ko nang masagi niya ang isa sa mga sugat ko sa braso.

"Yan kase, walang pinagbago," mapang-asar niyang saad at sinundot-sundot pa ang mga ito.

"Ano ba? Kung sipain kita palabas dito sa kwato ko?" banta ko sa kanya. Lumayo naman siya sa akin at bumalik sa pag-upo sa kama ko.

Hindi ko na muna naituloy ang pagligo dahil sa batang 'to.

"Bakit ka sumama dito?" tanong ko sa kanya.

"Bored ako sa bahay, lagi namang wala sila ate at kuya dun," sabi niya pa at tuluyan nang nahiga sa kama ko.

"Porket wala ang ate at kuya mo, ako ang pinupurwisyo mo?" kunwaring galit na saad ko.
"Ate naman, minsan na nga lang kita makita, magmamaldita ka pa," maktol niya. Natawa naman ako sa inasta niya.

"Okay lang naman na pumunta ka dito. Ang mali mo lang ay, may guest room naman at dito ka pa sa kwarto ko tumambay," saad ko at tumayo na dahil napagdesisyunan ko nang maligo. Feeling ko kasi anytime mahihilo na ako, mabagok pa ako sa banyo, ikamatay ko pa.

"I'm your little brother, bawal na ba ako dito? Dati naman pwede ah," sabi niya.

"Half-brother Gun, half-brother," walang gana kong sabi. Natahimik naman siya kaya tuluyan na akong pumasok sa banyo.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi naman malala ang sugat ko, hindi naman ako gangster kaya mild lang yung sapakan kanina.

"Ate, tumutunog cellphone mo," sigaw ni Gun mula sa labas kaya naman binuksan ko ang pinto ng banyo at kinuha ang cellphone ko na hawak-hawak niya.

"Thank God! Mabuti at sinagot mo na, si Angel umiiyak pa rin. Bar daw," saad ni Ellyssa, isa sa mga kaibigan ko.

"Okay, antay lang. Nangangati ako. Ililigo ko muna to," saad ko bago pinatay ang linya.
Umalis ako ng bahay nang walang paalam. Sigurado naman akong walang papayag.

Nandito na ako sa harap ng bar na sinabi ni Ellyssa. First time namin dito dahil hindi na kami pwede sa bar na madalas naming tamabayan dahil nagkagulo doon dahil sa amin.

"Good Evening Ma'am Sab," sabi nung bouncer sa bar.

"Sab?" tanong ko dun sa bouncer. Tinitigan niya naman yung buong mukha ko.

"Ay sorry po Ma'am, kahawig niyo po si Ma'am Sabrina," sabi niya. Sabrina? Hindi ako 'yon, mukha lang.

Papasok sana ako nang tawagin ako ulit ng bouncer.

"Ma'am kilala niyo po ba 'yun? Kanina pa po kayo sinisipat-sipat," sabi niya.

Don't tell me?

Lumabas naman ako ulit at nandun nga si Gun na ngiting-ngiti sa akin. Akala ko tulog ang isang to nang iwan ko sa kwarto.

"Umuwi ka, bawal ka dito," sabi ko.

Ngumisi lang naman siya. Hindi naman talaga siya minor, besides matangkad siya, kaso nga lang ang bata ng mukha pati ugali.

"Ayoko nga, sumbong kita kay Daddy dyan eh," banta niya, as if naman matatakot ako.

"Natatakot ako Gun," sarkastiko kong turan.

"Ate naman , kakauwi mo nga lang, tapos nandito ka na naman, tapos pag uwi mo later or tomorrow may another bruises ka na naman? " saad niya sabay padyak pa ng paa. Bata pa nga ata.

"Wag kang ngang ano, dadamayan ko lang ang ate Angel mo," sabi ko.

Kahit madilim alam kong nagblush ang loko, don't tell me may crush ang batang to sa kaibigan ko? Hindi sila bagay.

"Umuwi ka na, ako pa talaga ang tatakutin mo, kung ako kaya ang magsumbong kay Papa na nandito ka?" sabi ko. Halata sa mukha niyang natakot siya kaya naman tumango na lang siya.

Sinamahan ko siyang pumara ng taxi.

"Kuya, ihatid mo nang maayos yan ah, kung hindi makakatikim ka sa akin," banta ko dun sa driver na ikinatawa ng kapatid ko.

Bago pa ako makatalikod, nadinig ko pang sinabi ng driver na,

"Katakot naman nung ate mo bata," saad ng driver.

Agad naman akong pumasok ulit at nilapitan ang mga kaibigan ko.

"Ang tagal mo, alam mo yun? Nakita na kita sa entrance tapos bigla ka pang nawala, don't tell me may nakita ka na gwapo tapos hinila mo?" saad ni Ellyssa, isa sa mga kaibigan ko. Hindi pa nga ako nakaupo, ganito agad ang bungad sa akin.

"Gwapo? Ano 'yon?" saad ko at pabagsak na umupo sa tabi nang babaeng mugtong-mugto ang mata.

"Huy, nabugbog ko na nga ang gagong mong ex-boyfriend, umiiyak ka pa rin, sana pala pinasuntok na lang din kita dun sa lalaking yun," sabi ko at nilagok ang beer na nasa harap ko.

"Huy Savannah! Ibahin mo naman kami, maybe masaktan man kami ng taong mahal namin, di naman namin kayang saktan yun ng pisikilan no," saad ni Ellyssa. Ang hilig talagang sumingit.

"No comment. Pero kanina pa kayo dito?" tanong ko kay Ellyssa, siya na lang natirang matino eh, halatang lasing na itong katabi ko.

"Yes sobra, ang tagal mo naman kasi. Kita mo yang si Angel, siya umubos ng mga yan," sabi niya sabay turo dun sa mga boteng nagkatumbatumba na.

"Hindi mo man lang pinigilan, lagot tayo sa parents niyan, iuwi mo na lang yan, uuwi na lang din ako nasa bahay yung magaling kong tatay eh," sabi ko at tinulungan siyang alalayan si Angel na ngayo'y tulog na. Tinanaw ko ang kotse ni Ellyssa bago ako pumunta sa sarili kong kotse.

Malapit ko na sanang mabuksan ang pintuan ng kotse ko , nang may siraulong humila sa braso ko.

"Sabrina, please don't leave me," sabi nitong lalaking to.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now