CHAPTER 56

673 19 3
                                    

Jade's Pov:

~KINABUKASAN~

Buong gabi akong hindi makatulog dahil laging pumapasok sa isip ko ang mga luhaang mata ng anak ko na galit na nakatingin sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto, ilang beses ko na ring tinawagan si Savannah pero hindi niya ako sinasagot. I really don't know what to do now.

Ilang saglit pa ay biglang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko naman iyong sinagot ng makita ang pangalan ni Joy sa screen.

"Hello Joy!" excited kong bungad.

"Hello Sir, good morning po. Gusto po kayong kausapin ni Ashton. Pero sir, bilisan niyo po ah, baka mahuli kami ni Ate eh," sabi niya.

"Dad," then I suddenly heard my son's voice.

" Ashton anak," sagot ko naman dito.

Ilang segundo siyang tahimik kaya napaisip ako kung naka-off na ba.

"Who are you talking to?" rinig kong saad ng boses ng batang babae mula sa kabilang linya.

Mas naging tahimik ito bago nagsalita muli si Ashley.

"Are you talking to him? Don't you? Alam ba ni Mom 'to?" tanong ni Ashley.

Nakarinig ako ng mga bulungan at kaluskos.

"Hello," saad ni Ashley at mukhang siya na ang may hawak ng phone.

"Hindi ka po ba magsasalita?" tanong niya ulit. Nagising naman ako bigla sa pagkakatulala dahil sa hindi ko inakalang kakausapin ako ng anak ko kahit sa telepono man lang.

"Hi Ashley, anak!" halos magkandabulol pa ako nang sabihin ang mga katagang 'yan.

Sobrang tagal namin nag-usap at hindi ko akalaing magtatagal 'yun. Nagkasundo rin kaming magkita nang hindi alam ni Savannah. Now, I felt like my energy is back so I decided na lumabas at pumasok sa opisina. Laking gulat ko nang maabutan ko si Savannah sitting and waiting inside my office. Kaya pala ganun na lang ang tinginan ng mga employees ko kanina.

"Mabuti naman naisipan mong pumasok, kulang na lang at ako na ang aattend sa mga nakahelera mong meeting schedules," walang ganang saad niya sa akin at tumayo sa harapan ko.

"What are you doing here?" wala sa sarili kong tanong na ikinakunot ng noo niya. Parang nainsulto siya sa tanong ko at lalakad na sana palabas ng pigilan ko siya.

"Ahm, I'm sorry! It's not like I don't want you to be here. Nagulat lang ako ng makita kita dito," sabi ko sa kanya at marahang hinila ang kamay niya at inupo siya sa sofa na nasa loob lang din ng opisina ko.

"So what brings you here?" sinubukan kong hindi maging masama ang tono ng pagtatanong ko.

Hindi siya sumagot at nakatitig lang siya sa akin. 'Yung titig na parang ako na lang ang mahihiya, dahil lumalakas ang tibok ng puso ko sa titig niyang 'yon. Para ngang naririnig niya na iyon. Biglang nagbago ang expression ng mukha niya nang mahinto ang tingin niya sa may leeg ko. Kinapa ko naman iyon at narealized ko na suot ko nga pala ang kwintas na ibinigay ko sa kanya noon. Parang naluluha na siya pero agad niya ring pinigilan.

"We want to go back," diretso niyang saad habang hindi man lang kumukurap na nakatingin sa akin.

"What?" naguguluhan kong turan. Umiiling-iling siya bago tumayo.

"Aalis na kami ng mga anak mo, hindi sila sanay dito," saad niya. Hindi sanay? Napakababaw naman ata ng rason niya?

"Okay!" sabi ko na ikinagulat niya at lumingon sa akin.

"That's it?" gulat na tanong niya na ikinatawa ko.

"Of course not! I want to see my children first," sabi ko sa kanya na ikinanganga niya. She's so damn cute. I want to pinned her down and kiss her.

Ilang minuto kaming nagkatitigan hanggang sa pumayag siya. I am now driving her back to her condo. Natuwa pa ako nang malaman na nakaCondo lang sila at hindi sila nagstay sa bahay ng lalaking 'yun.

"Why are you driving so slow?" iritado niyang tanong. Napatingin naman ako sa kanya at sa daan, ngayon ko lang narealized na ang bagal nga nang pagpapatakbo ko, pero imbes na bilisan ay mas lalo kong binagalan.

"Ako ba'y pinagloloko mo? Bibilisan mo nang kahit konti man lang, o tatalon ako palabas?" saad niya na ikinatawa ko na lang.

"Gusto lang kitang makasama ng matagal, kapag nandun na tayo sa condo mo, wala na tayong oras para sa isa't isa," pabiro kong saad pero deep inside, seryoso ako.

"Whatever Axel," saad niya at tumingin na lang sa daan. Inabot ko ang kamay niya at hinawakan 'yun, pumalag pa siya 'nung una pero hinayaan niya na lang din nang hindi ko ito binitawan.

Ilang minuto rin ang lumipas ay dumating na kami sa condo na sinasabi niya. Wala siyang imik kanina pa at doon ko lang napagtantong tulog siya. Kaya nagawa kong titigan ang mukha niya, napakaganda pa rin talaga niya. Titig na titig lang ako sa mukha niya hanggang sa magsalita siya.

"Okay na ba? Memorize mo na mukha ko?" nakangiting turan niya kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong mahalikan siya kaya nasampal niya rin ako ng wala sa oras.

"Ano sa tingin mo ang ginawa mo? Lumugar ka naman Axel! Ayusin mo ang sarili mo, aakyat na tayo," may halong inis niyang turan pero ramdam kong hindi naman siya galit talaga.

Tahimik lang akong nakasunod sa kanya hanggang sa nasa harapan na nga kami ng room nila. Kumatok siya at bumungad naman agad ang kambal sa amin. Halata sa mata ni Ashton ang gulat at saya, samantalang kay Ashley naman ay ang gulat na may halong kuryusidad habang nakatingin sa nanay niyang nagmamadaling pumasok at tinalikuran kami.

"What did you do to my mom? Her face is so red, like tomato," nakapamewang na tanong ni Ashley sa akin. Bago pa man ako makasagot ay inunahan ako ni Savannah.

"That is nonsense Ashley, I'm not blushing," sigaw ni Savannah mula sa kung saan.

"Mommy, hindi ko sinabing nag-blush ka," kunot-noong turan ni Ashley.

Tumatawang hinila naman ako ni Ashton at sinara ang pinto. Nasa may pinto pa nga pala ako. Nakaupo lang ako ngayon sa sofa katabi si Ashton habang si Ashley naman ay nasa kabilang couch na pang-isahan lang. Titig na titig lang siya sa akin.

"Ashley, it's rude to stare, say hi to Dad," sabi ni Ashton rito.

"It's okay Ashto~"

"Hi, Dad!" nakayukong turan ni Ashley na ikinatulala ko.

Ceo's Hidden WifeOnde histórias criam vida. Descubra agora