CHAPTER 22 • The Necklace

936 39 3
                                    

Savannah's Pov:

Ilang araw na akong hindi makatulog ng maayos. Sino ba naman kasi ang makakatulog ng maayos kung may katabi kang lalaki diba? Kahit na asawa ko siya hindi parin kami ganoon ka-close. Isa pa sa dahilan kaya ayaw ko siyang katabi dahil sa nangyarin sa amin ng gabing 'yun. Hindi naman sa iniisip kong may mangyayari ulit pero hindi talaga ako comfortable. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ni Jade at pinatanggal ba naman niya lahat ng mga kama sa guest rooms, paano na lang kung may mga bisitang dadating diba? Wala silang mahihigaan dahil sa pagiging isip bata ng ugok na 'yun.

"Savannah!" sigaw ni Jade na ikinagulat ko. Hindi ko alam na kanina pa pala ako tulala.

Napatingin naman ako sa kanya at kitang-kita sa pagmumukha niya na naiirita na siya. Kasalanan niya rin naman kung bakit ako nagkakaganito. Sinamaan ko siya ng tingin bago nagsalita.

"Yes Sir?" sabi ko ng may pili na ngiti sa labi.

"Sinabi ko naman sayo na wag mo akong tawaging sir kapag tayo lang dalawa," sabi niya.

"Pakialam mo? Bakit ba?" inis na tanong ko

"Tumawag si Mommy, sabi niya sagutin mo daw ang tawag niya," sabi niya.

"Hindi naman tumatawag si Mrs. Tolentino ah?" sabi ko nung tingnan ko ang cellphone ko.

"Yung nanay mo ang tinutukoy ko, hindi yung nanay ko," sabi niya. Hindi ako updated dun na  mommy na rin ang tawag niya sa nanay ko. Pero ayoko na munang makausap si Mama. Hindi naman sa nagmamatigas ako, ayoko lang talaga. Nahihiya ako sa inasta ko nitong nakaraan.

"By the way, may bussiness trip tayong pupuntahan," biglang sabi niya na ikinalingon ko sa gawi niya.

Tiningnan ko lang siya, wala akong maisip na sasabihin eh, kasi kahit na umayaw ako. Hindi naman siya papayag, dahil siya ang masusunod.

"Hindi ka excited? Hindi ka man lang nagreact," dagdag niyang sabi habang nakatitig sa pagmumukha ko.

"Bakit naman ako maeexcite? Ang sabi mo nga, bussiness trip hindi bakasyon. Pero kahit bakasyon 'yan, hindi ko rin naman ikakatuwa," sabi ko at pinagpatuloy ang mga dapat kong gawin.

Medyo bored yata si Jade at naglalakad-lakad siya sa isang sulok ng office niya. Hanggang sa nahinto siya at may kinuhang kahon sa may shelves. Binuksan niya yun at napangiti. Natulala naman ako sa ngiti niyang yun. May kinuha siyang kwintas sa kahon na yun, sobrang pamilyar sa aki ang kwintas na hawak niya. Pilit ko mang isipin kung saan ko nakita yun pero sumasakit lang ang ulo ko. Tumayo ako para kumuha ng tubig pero hindi pa ako nakakakuha ng baso ay natumba na ako dahil sa hilo.

Naradaman ko naman ang paglapit ni Jade ngunit hindi na ako nag-aksaya pa ng lakas para buksan ang mata ko. Sobrang pagkahilo ang naramdaman ko kaya hindi na ako nagmulat pa ng mga mata.

"Wife, gising! Gising!" sabi niya at tinatapik-tapik ang pisngi ko. May malay ako pero hindi ko magawang pansinin pa siya.

Naramdaman ko na lang na umangat ang katawan ko. Alam kong hindi si Jade 'to dahil ibang pabango ang naaamoy ko, pero medyo pamilyar sa akin ang amoy ng taong kasakukuyang kumakarga sa akin.

"Babe, open your eyes, please!" saad ng taong karga-karga ako. Kilala ko nga, si Cooper.

Sa hindi malamang dahilan ay binuksan ko ang mga mata ko at tiningnan si Cooper na mukhang hindi rin naman napansin ang pagmulat ko dahil naka-focus na siya sa nilalakaran niya. Sinilip ko naman Jade na galit na nakasunod sa amin.

"Excuse me!" sigaw niya sa mga kasamahan ko sa trabaho na nakaharang sa dinaraaanan ni Cooper.

"Excuse us," halata ang kaba sa boses ni Cooper ng sabihin niya 'yun.

Patuloy pa rin akong nakapikit hanggang sa maramdaman ko na lang na nasa sasakyan na kami. Minulat ko ang mga mata at kitang kita ko ang pagpapalitan ng masasamang tingin ang dalawa. Ano na naman ba ang problema ng dalawang 'to? Umalis na lang kaya ako dito?

"Anong ginagawa mo rito?" inis na tanong ni Cooper kay Jade.

"Dahil gusto ko," matigas na saad ni Jade na ngayon ay lumapit na sa backseat kung nasaan ako.

Umiling-iling naman si Cooper nagk pumasok ss kotse at umupo sa driver seat. Tahimik lang siyang nagpapatakbo ng sasakyan. Naagulat pa ako ng bigla akong hilahin ni Jade at inihiga ang ulo ko sa may lap niya kaya wala akobg nagawa at pumikit ulit at nagpanghap na walang malay. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ang bagay na'to.

"Anong nangyari?" kalmadong tanong ni Cooper.

"I don't know. Hindi ko talaga alam, pero bigla na lang siyang natumba. Maayos naman siya kanina. Nagkakasagutan pa nga kami, " sabi ni Jade. Pero mukhang nagdalawang isip pa siyang sabihin ang huli niyang nasabi.

"Nagkakasagutan? Kung lagi lang naman pala kayong ganyan, bakit hindi na lang kayo maghiwalay?" saad ni Cooper. Naging tahimik naman ang buong kotse.

"Hindi naman kaya buntis siya? May nangyari na sa inyo diba?" biglang sabi ni Cooper na ikinagulat ko.

"Walang ganong nangyari, at pati ba naman sa bagay na 'yun alam mo? Tibay naman ng friendship niyo" pikon na sabi ni Jade at ramdsm ko ang pagtitig niya sa mukha ko.

"Hindi naman lahat, hindi niya nga tanda lahat ako pa kaya," makahulugang sabi ni Cooper.

"May amnesia siya?" diretsong sabi ni Jade. Nakalimutan kong hindi pala mapurol ang utak ng isang 'to.

"Hindi mo alam?" tanong ni Cooper. Halata ang pagtataka sa boses niya. Malamang hindi niya alam, hindi kami close para ipagsabi ko pa.

"Seriously? Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na 'yan," saad ni Jade sabay hawak sa mukha ko.

Tinapik ko ang kamay ni Jade nasa mukha ko at bumangon. Nahilo naman ako ulit pero hini ko pinahalata. Nang mawala na ang hilo konay tiningnan ko si Jade na nakatitig sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi?" tanong niya.

"Kailangan mo bang malaman?" walang gana kong tanong pabalik sa kanya.

Natahimik naman siya at narinig ko ang paghagikgik ni Cooper na ikinapikon ni Jade. Agad ko naman hinawakan ang kamao niya. Mukhang naguilty pa ako sa nasabi ko.

"Bumalik na lang tayo sa opisina, or iuwi niyo na lang ako," sabi ko at pumikit ulit.

"Hindi pwede," matigas nilang sabi at magkasabay pa talaga.

"Okay, chill. Fine, pero itigil niyo 'yang pagbabangayan niyo, kinikilig ako sa inyo," natatawang sabi ko.

"Tatahimik ka o hahalikan kita?" banta ni Jade kaya natahimik ko, ayoko ng kiss.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now