CHAPTER 55

492 14 0
                                    

Savannah's Pov:

Kasalukuyang nagtatago si Ashley sa likod ni Cooper para hindi malapitan ng tatay niya.

"Ashley," tawag ni Jade sa kanya. Pero tiningnan lang siya ng anak ko. Lumapit naman si Ashton sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Dahan-dahan ang hakbang ni Jade palapit kina Cooper and Ashley, pero todo tago at layo pa rin ito sa kanya. Hindi rin tumigil si Jade sa paglapit kahit maging si Cooper ay nakaharang na rin.

"Anak, ayaw mo ba sa akin?" madamdaming tanong ni Jade. Alam ko sa paningin ng iba ay nakaka-awa siya, pero hindi sa paningin ko.

"Ikaw po, ikaw po ang may ayaw sa akin, sinabi mo kanina na ayaw mo kong makita," naluluhang turan ni Ashley na ngayon ay matapang nang hinarap ang tatay niya.

"That's not true, that's not true, God knows how much I want to see you two," paulit-ulit na turan ni Jade at hinawakan ang maliliit na kamay ni Ashley.

Nakangiti siya habang lumuluha sabay halik sa mga kamay nito. Hinila pabalik ni Ashley ang kamay niya habang nakatingin g Asama sa sariling ama. Tumingin naman sa akin si Jade at mukhang humihingi ng tulong. Sa pagkakataong 'to, hindi ko alam ang gagawin ko.

"Ash, hindi alam ni dad na meron tayo, na may baby si mommy," sabi ni Ashton sa kambal niya. Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon sa mukha ni Ashley pero agad din naman bumalik sa dati. Muling tiningnan ang amang lumuluha at nakaluhod sa harap niya.

"And? Wala akong pake, hindi niya alam na meron tayo, kasi nga sinaktan niya si Mom, kaya hindi Tayo buo, kasi hindi niya mahal si Mom, at hindi ko rin siya mahal," matigas na sabi ni Ashley sa mukha ni Jade.

Napalunok naman ang anak ko ng makitang umiiyak ng tahimik si Jade. Gusto ko na ring umiiyak ng makitang lumuluha na rin ang anak ko. Kitang-kita kong nahihirapan siya at hindi sigurado sa nararamdaman niya.

"Umalis ka na po," nakayukong saad ni Ashley. Gulat na napatingin si Jade sa kanya bago tumingin sa akin. Hindi ko siya pinakitaan ng kahit anong emosyon, kahit halata namang tumutulo na rin ang mga luha ko.

Tumatango-tangong tumayo si Jade at nilapitan si Ashton na nakatingin sa kanya. Kinarga niya si Ashton at niyakap ng mahigpit. Napansin kong may ibinulong siya rito at dahan-dahan namang tumango si Ashton, ngumiti siya tsaka ito binitawan at tumingin sa gawi namin. Lalo na kay Ashley na nakakapit na rin sa akin ngayon. Lumapit siya at hinawakan ang ulo ni Ashley at ginulo ang buhok nito na ikinagulat ng anak ko.

"I'm sorry anak, h'wag kang umiyak ng dahil sa akin," sabi nito at pinunasan ang mga luha ni Ashley sabay tayo at tinalikuran kami.

"Dad," mahinang tawag ni Ashton sa kanya pero hindi magawang sumunod dahil mukhang mas nag-aalala siya a sitwasyon ng kambal niya na ngayon ay nakayakap sa bewang ko't doon na umiyak. Sinubukan ko siyang patahanin pero mas lalo siyang umiyak.

"Mommy, I'm a liar. I'm a liar, I want to meet him, I love him mom, I'm a liar. I love my Dad mom," saad niya habang umiiyak. Nagulat ako dahil hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman ng anak ko. Niyakap ko naman agad siya.

Nilingon niya si Jade na ngayon ay pasakay na sa kotse niya. Agad na napatakbo si Ashley sa direksyon ni Jade ngunit nadapa siya at huli na dahil nakasakay na si Jade at napatakbo na nito ang sasakyan.

"Dad!" sigaw niya habang nakadapa pa rin. Bilang nanay niya ay parang tinusok ng ilang ulit ang puso ko. Kay bata pa ng anak ko para makaramdam ng ganito.

"Anak," "Ashley!" sabay na sigaw namin ni Ashton.

" Mommy, mommy, mommy!" paulit-ulit niyang sabi sa pangalan ko at umiyak na umiyak sa bisig ko hanggang sa makatulog ito.

Lumapit si Cooper sa amin at inaya kaming pumasok. Nahiya ako ng sinalubong ako ng yakap Nina Tito and Tita.

"Savannah, it's nice to see you again," napakamagiliw na saad ng nanay ni Cooper.

"Ako rin po, pasensya na po talaga at ngayon lang kami nagpakita ulit, " nahihiya kong turan pero nakangiti lang itong tumango.

"Mom, ihatid muna namin si Ashley sa guestroom," saad ni Cooper at sumunod naman ako sa kanya paakyat.

Tahimik lang kaming apat sa kwarto. Si Ashton naman ay kumuha ng tissue at dahan-dahang pinupunasan ang nanunuyong luha ng kanyang kambal. Habang pinapunasan niya ay siya namang pagtulo ng sa kanya. Kaya naman agad ko siyang nilapitan at tinanong kung anong problema.

"Mom? Hindi na po ba tayo mabubuo?" naluluha niyang turan. Napatingin naman ako kay Cooper at tumango lang siya at lumabas.

"Gusto mo ba talaga?" nag-dadalawang isip kong tanong. Tumango naman siya at ngumiti, pero bigla rin naman nawala ng mga 'yun.

"Pero mom, if you don't want to, h'wag na lang po. Gusto rin naman po namin na masaya ka," sabi niya. Talagang anak ko pa ang nagsabi nito sa'kin.

"Ashton anak," pagtawag ko ng pansin niya. Tumingin naman siya sa akin.

"I'm sorry pero hindi ako mahal ng daddy mo, hindi ako ng mahal niya, na-iintindihan mo naman si mommy diba?" saad ko pero umiling siya.

" Daddy said that he loves you, he really do. He show me the engagement ring that he supposed to give to you, but he said, a bad thing suddenly happen," saad ng anak ko na parang na-iintindihan niya lahat ng salitang binitawan niya.
Inaya ko na lang siyang magpahinga dahil sa bigat ng emosyon na nilabas namin kanina.

"Mom I want to have a happy family of four, but I can't have that, if I don't have a happy parents," sabi niya ulit bago pumikit.

Tinitigan ko muna ang mga anak ko bago lumabas at hinanap si Cooper. Nang makita ko siya sa may garden ay agad ko siyang nilapitan.

"Savannah, please! Help your self first, we know Jade loves you, or let me say I know, because I like you too," biglang sabi niya bago ako lingunin.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now