CHAPTER 43

696 26 0
                                    

Jade's Pov:

Pinilit kong labanan ang antok ko kanina pero hindi ko napigilan kaya nakatulog ako. Matagal-tagal na rin simula 'nung makatulog ako ng maayos, maybe sbrang comfortable ako habang nakayakap sa kanya kaya nagawa kong makaidlip man lanag. Hanggang ngayon ay yakap-yakap ko siya, wala naman siyang reklamo kaya ikinatuwa ko. Ngayon ay siya na naman ang tulog. Napakahimbing nang tulog niya kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong titigan siya nang hindi siya nagrereklamo. Ilang beses nang umiilaw ang cellphone ko, I know that someone's calling me pero mas pinili kong hindi na lang abutin 'yun kasi nasa may side table ni Savannah ang cellphone ko. Ayoko siyang magising, baka mamaya sungitan na naman ako. Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng katok.

"Sir," boses ni Joy mula sa labas.  Nagising naman si Savannah. She's rubbing her eyes like a little kid.

"Good afternoon," bati ko kay Savannah. Tumango lang siya at lumayo ng konti sa akin bago pumikit ulit.

"Ma'am baka tulog po si Sir, hindi po ako nakakuha ng tugon mula sa kwarto po," biglang salita ni Joy. Marahil ay kinakausap niya si Sabrina sa telepono.

"Sinong kausap niyang si Joy? Puntahan mo na lang, baka importante," walang kabuhay-buhay na saad ni Savannah habang nakapikit pa rin.

"Si Sabrina 'yun, pwede ko naman siyang tawagan later," sabi ko at hihiga na sana ulit pero bumangon naman siya.

"Ikaw bahala," sabi niya at pumikit ulit at nagtalukbong ng kumot.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Mukhang kakatok na naman siya pero naunahan ko lang sa pagbukas.

"Ako na lang ang tatawag sa kanya mamaya," sabi ko at tumango naman siya.

Isinara ko ang pinto at lumapit kay Savannah at hihiga sana ulit pero tumayo siya at naglakad papuntang banyo. Hawak-hawak ko naman ang cellphone ko at hinintay siyang matapos manghilamos.

"Anong kailangan mo?" tanong niya habang naghihilamos pa rin at hindi man lang ako nilingon.

"Pwede ko naman siguro siyang tawagan diba?" tanong ko sa kanya. Feeling ko kasi magkakasala ako kahit sa ano mang gawin ko na may koneksyon kay Sabrina. Tumingin naman siya sa akin. Nakangiwi niya akong tiningnan. Kung dati ay naiinsulto ako sa pagngiwi niya, ngayon pakiramdam ko maiihi ako sa hiya at takot.

"Okay ka lang?" tanong niya sa akin. Bakit mukha ba akong hindi okay?

"Oo naman," takang sagot ko.

"Oh, okay ka lang naman pala? Bakit may patanong-tanong ka pa? Tawagan mo if gusto mo," inis na sabi niya.

"Hindi ka magseselos?" tanong ko rito. Gusto ko siyang tuksuhin, malay mo bumigay.

"Huh?" hindi makapaniwalang tugon niya. Napabutonghininga na lang ako nang makitang tumatawag ulit si Sabrina. Napatingin naman siya sa akin pero nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay nilihis niya naman sa iba ang mga tingin niya. Hindi magseselos ah!

"Hello, good afternoon," bati ko kay Sabrina na nasa kabilang linya. I turn the loudspesker para marinig ni Savannah

"Bakit hindi ka pumasok? Nag-enjoy ka ba sa hilaw mong asawa kagabi at mukhang ngayon ko lang nagising," saad niya sa akin. I hate her tone.

Nakatingin naman si Savannah sa cellphone ko na parang nakikita niya si Sabrina 'dun. Nakakunot na rin ang noo niya. Mukhang hindi rin natuwa sa sinabi ng kapatid niya.

"What are you talking about?" inis kong tanong. Nag-init yata ang ulo ko sa sinabi niya.

"Babe, I'm your secretary now. I'm just curious kung nasaan ang boss ko, and as a person who loves you, hindi naman pwedeng kakalma lang ako lalo na't nasa iisang bubong lang kayo ng kapatid ko," malumanay na saad niya, nakita ko namang nakangising umiiling si Savannah.

"Sab, may sasabihin ako but I want to say it personally," sabi ko. Natahimik naman siya bago umimik.

"Call me babe first," saad niya na ikinatawa ng marahan ni Savannah.

"Kala mo naman bata, ang arte," bulong ni Savannah.

"Babe," saad ko na ikinatigil ni Savannah.

"Okay, then pumunta ka sa opisina mo," sabi niya.

"Okay see you," pagsang-ayon ko.

"Mag-aantay ako, love you," sabi niya mula sa kabilang linya na ikinagulat ko.

"Okay, bye. pupunta ako," sabi ko at seryosong tumingin kay Savannah na ngayon ay naglalakad na palabas ng kwarto.

Gusto kong iklaro lahat ng 'to. Itong nararamdaman ko at itong responsibilidad ko. Naabutan ko siyang papasok sa kwarto niya pero pinigilan ko siya. Mahinahon niya naman akong tiningnan.

"Tapos na kayong mag-usap ng babe mo," saad niya habang natatawang tumingin sa kamay ko. Marahil ay tiningnan kung may hawak pa akong cellphone. Umiling lang ako at tiningnan siya sa mga mata niya.

Ang kaninang mga mata na parang galit ay napalitan ng mukhang naiilang.

"Anong kailangan mo?" tanong niya. Nandyan na naman 'yang matigas niyang pagsasalita na hindi naman nababagay sa emosyon na nasa mata niya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko rito. Hindi siya sumagot pero hindi naman siya umalis kaya nagsalita akong muli.

"Gusto kong pag-usapan natin 'yung tungkol sa atin, sa baby natin," saad ko na ikinatawa jiya ng mapait.

"Hindi nga sayo 'to," natatawa niyang turan.

"Hindi ko magawang maniwala dyan," matigas kong saad.

"Then no, hindi ko ipipilit," inis niya nang turan.

"Anak ko man 'yan o hindi aakuin ko!" sabi ko. Napabuntong-hininga naman siya at binuksan ang kwarto niya. Pumasok siya at sumunod naman ako. Nakaupo lang siya sa kama at umupo ako sa lapag. Kaharao ko siya ngayon at hinahawakan ang kamay niya. Tahimik lang kami pareho. Hindi ko rin alam kung paano sisimulan.

"Kung hindi ka magsasalita lumabas ka na lang, dahil magbibihis ako, pupunta ako sa Tatay ng bata," walang kabuhay-buhay niyang turan.

"Remember what I told you before?" tanong ko.

Tiningnan niya naman ako at parang may pilit ina-alala. Umiling naman siya na ikinanganga ko.

"Nevermind, but gusto kong sabihin na gusto kong panagutan ang bata, I will cut all my ties with Sabrina, I want to gave our baby a perfect family," sabi ko.

Natawa naman siya pero seryoso ko siyang tinitigan kaya natigilan siya.

"Kahit hindi sayo, papanagutan mo?" tanong niya.

"Yes," seryosong saad ko. Alam kong akin ang bata. Kahit ilang beses niya pang sabihin na hindi sa akin, alam kong akin 'yun.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now