CHAPTER 4 • The Forgotten Dream

1.2K 43 0
                                    

Savannah's Pov:

Nandito ako sa kwarto ko nagmumukmok dahil pinagbawalan akong gumala. Pwede pa rin naman akonh makagala kunh gugustuhin ko, pero tinatamad ako kaya kunwari nasunurin ako. Umaga na din naman kasi akong nakauwi 'nung gabing broken yata lahat ng nakapaligid sa akin. Dahil sa nagabihan na nga at ayaw kong makarinig ng sermon ay doon na ako sa bahay ni Ellyssa nakitulog. Nagmamaktol kasi fake news daw na nasa bar na yun si Jade.nNandoon naman talaga, nakauwi lang ng maaga.

Naalala ko tuloy ang sinabi niya 'nung gabing 'yun.

"Hindi mo na ba talaga ako mahal?' sabi niya sabay yakap sa akin mula sa likod.
Sa gulat ko ay nasiko ko siya at nasuntok pa. Tumaas kasi lahat ng balahibo ko sa gulat.

Nawalan siya ng malay kaya kinabahan ako.
Ilang saglit pa ay nagring ang cellphone ko.

"Hello?" sabi ko. Hindi naman kasi nakasave yung number.

"Hindi mo ako kilala? Nakakatampo naman, nabusy nga lang ako ng ilang week nakalimutan mo na ako, paano na lang kaya pag-aalis ako ng bansa saglit," sabi ng lalaki mula sa kabilang linya.

"Sira ka, bakit naman kasi iba na naman number mo?" sabi ko naman rito.

"Alam mo naman, sobrang mabenta ako sa mga babae kaya laging may tumatawag sa akin at nag-aaya ng date, so nag-change na naman ako," sabi niya na ikinangiwi ko. Kahit kailan hambog.

"Mas mabuti 'yun. Para hindi ka matawag na bakla," sabi ko rito. Tumawa lang siya at biglang natahimik.

"Alam mo naman na may babae na akong gusto," sabi niya na ikinatahimik ko saglit.

"Oo na, oo na, loyal ka nga pala. Pero ibaba mo na muna ang tawag, bawal ako magcellphone," pagsisiningaling ko.

Binaba niya naman ang tawag matapos niyang mag-paalam. Napabuntong hininga na lang akong nakatitig sa screen ng phone ko.

Bago pa ako tuluyang matulala at ma-inlove sa cellphone ko ay may kumatok. Isang tao lang ang pumasok sa isip ko, siya lang naman ang palaging gumagambala sa peaceful kong life.

"Ate inutusan ako, kaya papasukin mo ako," sabi ni Gun mula sa labas ng pintuan.
Napaka-demanding naman ata ang batang 'to. Bahala ka dyan.

"Papasok ako ah," sabi niya. Pipigilan ko sana, pero wala na. Nabuksan niya na.

"Bakit nandito pa kayo? Kailan niyo balak umuwi sa mansyon niyo? Sumisikip ang bahay dahil sa inyo," walang ganang sabi ko.

"Ang rude talaga," bulong niya, Rinig ko naman.

"Ano?" tanong ko.

"Sabi ko I don't know, baka bukas. Pero sabi ni Dad, maligo ka daw, may pupuntahan daw tayo," sabi niya. Nagtaka naman ako.

"Saan daw?" tanong ko.

"Hindi ko alam, pero may mga tao dun sa labas. May dalang mga suit and dresses," sabi niya sabay nguso dun sa baba.

"Suit and dresses? Anong meron?" tanong ko ulit.

"Baka blind date, tomboy ka kasi kaya wala kang jowa. Si Daddy na gumawa ng paraan para sayo," natatawang turan niya.

Alam kong nagbibiro siya, pero ramdam kong ganun nga ang mangyayari.

"Seryoso, ano meron?" inis na tanong ko.

"Hindi ko po alam, sige na ate maliligo na rin ako," sabi niya at lumabas ng pinto.

Ayokong kumilos pero wala akong nagawa nang makita ko ang nanay kong nakangiting naglalakad papunta sa akin. Nakaayos na siya. Mukhang tama nga ang kapatid ko, pero mukhang mas malala pa sa blind date ito. Naiiyak ang nanay ko, ipamimigay na ata ako.

"Nak," tawag niya sa akin.

"Po?" sabi ko na lang.

"I'm so happy right now, matutupad na ang pangarap mo 'nung bata ka pa," makahulugan niyang saad. Ano naman ibig niyang sabihin? Bukod sa makapagtrabaho wala na akong ibang pangarap.

I don't want to ruin her mood but wala akong maintindihan. Feeling sobrang lukot na ng kilay ko ngayon.

"Anong pangarap mom? Hindi ba pwedeng may maalala muna ako, baka kasi iba na, baka kasi ayoko na sa pangarap na 'yan," sabi ko na ikinatulala niya.

Tinitigan niya ang buong mukha ko at mapait na ngumiti. Hinawakan niya ang mga pisngi ko.

"We want you to be happy, h'wag na sanang maging matigas pa 'to," sabi niya sabay turo sa kinalalagyan ng puso ko.

"Ma, sa oras na 'to mas gugustuhin kong hilingin na sana ikaw ang sasaya. Ikaw ang nasasaktan sa sitwasyon ng lintik na pamilyang 'to Ma," sabi ko sa kanya at umiiling-iling lang siya.

"Trust me," nakangiti niyang sabi. Parang wala na akong magagawa.

"Maliligo na po ako," sabi ko na lang at tinalikuran siya.

Tulala lang ako sa bath tub, naisipan ko lang tumayo 'nung maramdaman ko na ang lamig. Pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo ay muntikan pa akong madulas sa gulat nang may nakita akong ibang tao sa kwarto ko. Who let them in?

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko at tinakpan ang ibabaw na parte ng dibdib ko na hindi masyadong natatakpan ng towel.

"Ay hello po, good afternoon. Inutusan po kami ng tatay niyo na ayusan kayo," sabi nung isa na ngiting-ngiti.

"Bussiness smile? Peke!" sabi ko na ikinawala ng mga ngiti nila.

"Ayusan? Maayos naman ako ah," dagdag kong sabi.

"Ay ma'am, ' yun talaga ang utos sa amin, hindi po namin pwedeng hindi gawin ang utos ni Mr. Dela Torre," sabi nung isa. Natatakot na ata 'to. Ramdam ko ang pangiginig niya habang nagsasalita.

"Okay, nandun na tayo sa aayusan, pero may guest room naman, alam niyo ba lahat nang nakakapasok sa kwarto ko, hindi na maganda ang takbo nang buhay pagkalabas nila dito?" sabi ko. Pero syempre joke lang yun.

Napayuko naman sila at nagsisikuhan na. Natawa naman ako.

"Sige na po, magtanong na lang po kayo kung saan ang guest room. Susunod ako," nakangiti kong sabi.

Nagliwanag naman ang mga mukha nila at tila nakahinga na nang maluwag.

Nasakalagitnaan na ako nang pag-aayos nang pumasok si Papa.

"Hello, okay na?" tanong niya. Hindi ata ako ang kausap.

"Ay opo sir, less effort na rin naman po. Natural na maganda na po ang anak niyo eh," sabi nung isa. I know right.

"Pwedeng iwan niyo muna kami?" sabi ni Papa at nagsilabasan naman sila.

"Alam kong naguguluhan ka, but I still want to fulfill your dream that you forgot," he said and smile.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now