CHAPTER 20 • Hurt

1K 53 13
                                    

Savannah's Pov:

Ilang beses na akong nalilito sa ikinikilos ni Jade. Alam kong hindi siya natuwa sa nakita niya kanina. Kaya naman sinundan ko, nagbabakasakaling tama ang nasa isip ko. Pero iba naman naabutan ko. Naabutan ko silang naghahalikan dalawa. Nabigla naman ako kaya hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

Natawa naman ako sa reaksyon ni Jade nang makita ako. Nagulat din ako ng sabihin niyang gusto niyang magpaliwang. Sa hindi malamang dahilan ay parang nasaktan ako. Kaya nag-isip ako ng mairarason para maka-alis sa lugar na 'yun.

"Saan tayo?" tanong sa akin ni Kuya habang hinihila ko siya.

Si Cooper naman at Gun ay nakasunod lang.

"Somewhere," sabi ko at sumakay na sa sasakyan ni Kuya. Naisip kong ako na lang ang mag-drive.

Pagkadating na pagkadating namin sa lugar na 'yun at kitang kita ko anh pagkakakunot ng mga noo nila habang nakatingin sa akin.

"Kakarera ka?" tanong sa akin ni Kuya.

Umiling naman ako na ikinahinga niya ata ng maluwag, ganun din ang dalaaa.

"So anong ginagawa natin dito?" tanong ni Cooper.

"Hindi ko alam, yun ang lumabas sa bibig ko kanina habang nag-explain ako, nung nag-aano sila Jade and Sabrina sa office," sabi ko.

"What's nag-aano ate?" biglang singit ni Gun. Nangati naman ang tenga ko bigla.

"Pwede ba, wag kang mag-english, nangangati ang tenga ko sayo, ' what's nag-aano ate?' Ang arte Baril, ang arte," sabi ko na ikinasimangot niya. Natawa naman sina Kuya ang Cooper. Marunong naman talagang magtagalog 'yan. Pero magiging bata kapag ako ang kasama. Mukha ba akong babysitter?

"Alis na lang kaya tayo? You guys know tha~ oo na, magtatagalog na," sabi niya nang tingnan ko siya ng masama.

"Alam niyo naman na hindi ko gustong manood ng Drag Race simula nung naaksidente si Ate," sabi ni Gun na ikinatahimik namin.

"Kung makapagsalita ka naman, parang alam mo talaga nangyari noon? Puro kwento lang naman nila narinig mo," natatawang sabi ko na ikinatahimik nilang tatlo.

"Savannah," biglang tawag sa akin ni Kuya.

"Please, h'wag mong gawing joke ang nangyari sa'yo. Simula noong naaksidente ka, parang hindi na ikaw ang kilala konh Savannah, gusto kong bumalik ka sa dati, na parang ayaw ko rin, kasi kitang-kita ko ang pagdurusa mo dati dahil sa taong 'yun," biglang sabi niya. Gusto niya bang mag-drama?

"Taong 'yun?" takang tanong ko.

"Mas mabuting hindi mo na lang talaga siya matandaan," sabi niya.

"Ano bang usapan 'to? Kahit anong pilit ko, wala akong matandaan kaya h'wag niyo na kasing pag-usapan ang nangyari sa akin noon," sabi ko at nilingon si Gun na nakayuko.

"Sorry sa inasal ko kanina. Samahan niyo na lang ako," sabi ko at hinawakan ang kamay ni Gun.

"Saan na naman 'yan?" tanong ni Kuya Lawrence.

"Kay Mama, miss ko na siya," sabi ko.

Walang imik naman silang sumunod sa akin. As if naman makakahindi sila.

"Ikaw Cooper, sama ka?" tanong ko.

"Yes naman babe," sabi niya na ikinatango ko.

He's really like calling me babe. Hinyaan ko na lang.

Nandito na kami sa bahay ng salubungin kami ni Aling Theresa sa may gate.

"Ay ma'am, mabuti naman at napadalaw kayo, nandito po ang nanay nila sir Lawrence at sir Gun," kinakabahang sabi nito kaya naman napatakbo ako.

"Si Mom? Anong ginagawa niya dito?" gulat na tanong ni Kuya.

"Don't tell me nag-aaway na naman sila?" inis na tanong ko.

"Sorry po, hindi po namin kayang pigilan ang nanay niyo Sir," sabi ni aling Theresa habang nakatingin kay Kuya at Gun.

"Pasensya ka na, mukhang magulo ang araw ko ngayon," sabi ko kay Cooper. Umiling lang siya at ngumiti.

"Don't worry, para saan pa at naging kaibigan mo ako?" sabi niya na ikinatango ko na lang.

Nauna na akong pumasok sa loob. Narinig ko namang nagkakasagutan sina mama at aunt Cecil.  Pinaka-ayaw ko talaga 'to sa lahat.

"Ano bang pumasok dyan sa utak mo at sinusugod mo na naman ako dito?" sigaw ni Mama, kay Aunt Cecil, nanay nila Kuya Lawrence at Gun.

"Sinabi ko naman sayo dati pa, wag na kayong manghimasok sa pamilya namin," sigaw ni Aunt Cecil kay Mama, aba! Hindi naman pwede yan.

"Aunt Cecil, matanda ka na, hinay-hinay lang , ang puso," sumingit ako sa bangayan nila at agad naman silang patingin sa amin. Gulat namang napatingin si Aunt Cecil sa mga anak niya na nakatingin lang sa kanya na walang emosyon.

"Excuse me lang po ah, gusto ko lang pong sabihin na, kahit kailan, hindi namin hinangad na manghimasok sa pamilya niyo, pero pasensya na, umiikot lang ang mga dugo natin sa isa't isa. Nakakapangilabot nga at naging kadugo pa kita. Nasusuka ako sa dugong mayroon ako," sabi ko kay Aunt Cecil at agad naman akong nakatanggap ng malakas na sampal galing sa Nanay ko.

"Aunt Cindy," sabay na sabi ni Kuya Lawrence and Gun.

"Babe," tawag naman ni Cooper sa akin.

"Ma?" naiiyak kong turan habang hawak ang pisngi ko.

"Savannah? Ano ba? Hindi ganyan ang pagpapalaki ko sa'yo!" sabi niya sa akin. Kitang-kita ang dismaya sa mata nito.

"Ma, hindi naman ako papayag na ganyanin ka lang ng babaeng yan, nanahimik naman na tayo dito eh, si Papa lang naman ang balik nang balik. Alam niyong dati pa ako hindi sang-ayon sa pagpunta niya rito. Ang mas lalo pang nakakainis, hindi naman ako isa sa mga legal niyang anak, pero bakit ako ang mas kontrolado? Nakaka-tang-ina naman ata 'to," galit na saad ko.

"Lawrence, Gun, iuwi niyo ang nanay niyo. Umalis kayo sa pamamahay namin," sabi ko.

Sinenyasan ko naman si Cooper. Alam niya na yun, nag-paalam na siya at lumabas. Hindi naman sa bastos ako, pero alam kong naiintindihan ako ng kaibigan ko.

"Pamamahay niyo? Hambog ka talagang tunay Savannah," inis na sabi ni Ante Cecil sa akin.

"Tama na Aunt Cecil, kahit saang angulo umabot man tayo sa korte, tresspassing ka pa rin," sabi ko rito at pinilit naman nung dalawa na isabay paalis ang nanay nila.

Nang makaalis na sila, walang lingon-lingon ko ring nilisan ang bahay kahit na tinatawag pa ako ng nanay ko. Ayokong maiwan ako dito kasama ang nanay ko lalo na't galit ako. Ayoko sa sarili ko kapag galit. Takot akong masaktan ang nanay ko dahil masakit akong magsalita.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now