CHAPTER 27 • Jade's Jealousy

812 37 5
                                    

Savannah's Pov:

Sumama ata ang araw ko ng makita ang babaeng 'yun. Kahit kailan napakapraning. Kung ano-anong mga konklusyon ang pumapasok sa utak. Ako sinusundan sila? Aba! Malay ko bang dito kami pupunta?

"Hindi talaga kayo magkasundo ng kapatid mo 'no?" biglang tanong ni Jeff. Tiningnan ko naman siya sabay lingon sa kuya kong nakatingin din sa amin habang papalayo kami.

"Ganoon yata talaga ang mga inggit," natatawang sabi ko. Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Nakalimutan mo atang may sugat ka," sabi niya sabay sundot sa sugat ko. Napadaing naman ako sabay kunot ng tagiliran niya.

"Thank you sa t-shirt," sabi ko. Ngumiti naman siya. Gwapo rin ang isang 'to pero mas gwapo ang si Lawrence.

"Pero huy! Serysoso? Gusto mo ang kuya Lawrence ko? Akala ko naman dati sa akin ka may gusto, hindi pala," sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya nang tumawa, hindi ako nagbibiro. Sunod ba naman nang sunod sa akin 'to. Sino ang hindi maghihinala?

"Akala ko rin naman si Sabrina lang ang gandang-ganda sa sarili, pati rin pala ikaw. Magkapatid nga kayo," sabi niya sa akin habang nakatingin sa akin. Sobrang laki ng pagkakangiti ng isang 'to. Aakalain mo talagang inlove sa akin.

"Maganda naman talaga ako, pero seryoso. Muntikan na nga kitang hindi pansinin kasi akala ko may gusto ka sa akin, ayoko pa naman sa ganun, kasi lahat nang nagkakagusto sa akin na hindi ko kilala, sa hospital ang bagsak," panakot ko.

"Sinusundan kita kasi mas mahirap lapitan yung malandi mong kapatid, andaming lalaking kasama, maswerte na nga siya kay Jade," sabi niya nagpatahimik sa akin.

Talaga namang maswerte siya, ramdam kong mahal siya ni Jade, lalo na nooong panahong iyak siya nang iyak habang umiiyak na nakayakap sa akin. Ilang ulit niyang binabanggit kung gaano kahalaga si Sabrina sa kanya. Nakakangilo nga pakinggan.

"Bakla ka ba talaga?" tanong ko sa kanya, pag-iba ko ng usapan. Pero mas okay na yung sigurado.

"Hindi, ay ewan. Paano mo ba kasi masasabing bakla ang isang tao? Kapag nagkakagusto sa mga lalaki? Eh kasi 'yung akin, yung kuya mo lang ang gusto ko, siya lang, hindi ako nagkakagusto o na-aattract sa ibang lalaki, bakla ba ako?" seryosong sabi niya. Napakahirap naman 'nun. Ang complicated naman yata.

"No comment! Pero hindi ko alam kung anong magiging reaction ni Lawrence kapag nalaman niya 'to," sabi ko na ikinakunot ng noo niya.

"Bakit? Sasabihin mo sa kanya?" may halong gulat niyang tanong. Malamang hindi , anong mapapala ko?

Tumawa lang ako at hindi siya pinansin. Hiahayaan oo lang siyang mag-ingay at kinukulit akong magsalita. Hanggang sa mukhang nagsawa at tahimik lang na nakaupo sa tabi ko at nakatingin sa may dagat. Hanggang sa lumubog na ang araw. Ilang saglit pa, nakangiting nagpa-alam sa akin si Jeff habang nakatingin sa isang direksyon.

"Mauna na ako, gusto na ata ng katawan kong matulog," sabi niya.

"Napakaaga pa naman," takang tanong ko.

"Ayoko ng magtagal dito, baka habang buhay na nga akong makatulog kapag hindi pa ako umalis ngayon," makahulugan niyang turan.
Tinanguan ko na lang siya kahit hindi ko siya maintindihan, mamaya na ako aalis dito. Nag-eenjoy ako sa katahimikan eh. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Bumalik siguro si Jeff. Pero nagulat na lang ako nang may naglagay nang damit sa mismong braso ko na nakapatong sa mga tuhod ko.

"Aanhin ko 'to?" tanong ko sa taong tumabi sa akin. Pagkalingon ko, nakita ko si Jade na may pikon na expression sa mukha. Ano na naman ba problema ng lalaking 'to?

"Bakit ka nandito?" sabi ko, ssbay balik sa kanya ng damit na ibinigay niya sa akin. Hindi niya ako sinagot pero nakikita ko pa rin ang ekspresyon na 'yun sa pagmumukha niya.

Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako. Huminga muna ako ng malalim bago ko siya lingunin.

"Problema mo?" inis na tanong ko. Umiling lang naman siya. Sa style ng pag-iling niya, nagmukha pang kinakawawa ko siya. Minsan talaga ang sarap bigwasan ng isang 'to.

"Baka hinahanap na ako nila Mama, sumabay ka na lang din, baka kumakain na ang mga 'yun," simpleng saad ko. Ayaw ko naman magmukhang iniiwasan siya. Baka rin hindi pa 'to nakain.

"Magbihis ka na muna," sabi niya sabay bigay ulit sa akin nung damit.

"Bakit pa? May suot na ako!" sabi ko sabay turo ko sa t-shirt na sout ko.

"Sige na kasi!" pagpupumilit niya.

"Nakakatamad, ano bang problema mo sa damit na'to?" inis kong tanong. Nagulat na lang akong nakatingin na siya sa akin, at sigurado akong galit na rin siya.

"Just wear my shirt, hubarin mo yang sout mo ngayon, nag-iinit ulo ko," sabi niya. Tinitigan ko siya, pakiramdam ko hindi niya ako titigilan kapag hindi ko susundin ang gusto niya. Tumalikod naman ako sa kanya at hinubad ang sout kong t-shirt. Sinipat ko muna ang bigay niyang t-shirt. Talagang may apelyido pa. Pagkatapos kong magbihis lumingon ako sa kanya. Nakita ko naman siyang tulala.

"Anyare sayo? Bakit natulala ka 'dyan? tanong ko sa kanya. Napatakip naman ako agad sa katawan ko kahit mah damit akong sout.

Hindi niya ako sinagot. Hinila niya nalang ako bigla. Nagulat na lang akong ipasok niya ako sa isang kwarto. Inupo niya ako sa kama, at umupo siya sa may likod ko. Pilit niyang itinataas ang damit na sout ko. Nagmatigas naman ako, ano na naman ang nasa isip nito?

"Ano ba! Sisigaw talaga ako dito Axel, isa!" pagbabanta ko sa kanya. Napaka-manyak talaga kahit kailan.

"Wala akong gagawin sayo, let me see your wound please," malumanay niyang sabi.

"Ayoko nga, napakawirdo mo naman!" sabi ko pero nang tingnan ko ang mga mata niya. Parang nagmamakaawa siya sa akin na bigyan ko siya ng pahintulot. Kaya wala akong nagawa at hinayaan ko na lang siya.

Tahimik siyang nakatingin sa may likuran ko, mukhang nagdadalawang isip pa nga kung hahawakan niya ba o hindi. Masakit pa kaya, subukan niya lang hawakan. Malilintikan talaga siya sa akin.

"I'm sorry," sabi niya sabay hawak sa may sugat ko. Nakaramdam naman ako ng sakit at kiliti mula sa haplos niyang mga 'yon.

"I'm really sorry. Sorry if nasaktan kita," saad niya. Mukhang naiiyak na naman.

"Don't worry, atleast safe si Sabrina diba?" saad ko at ikinatahimik niya.

Then I'm right. Sabrina's safety matters.

Ceo's Hidden WifeМесто, где живут истории. Откройте их для себя