CHAPTER 30 • The Night

1K 47 8
                                    

Jade's Pov:

Inimbita ako ni Savannah kumain, pero ang ending sa kwarto niya na lang daw kasi hindi na siya comfortable sa sout niya. Approve naman ako sa sinabi niya kasi kulang na lang talaga eh kunin ko isa-isa ang mga mata nung mga lalaking tumitingin sa kanya. Alam ko naman na mahabang shirt ang binigay ko sa kanya, nagmumukhang dress na nga, pero ayoko pa rin, dahil alam mong wala talaga siyang sout na short. Hindi naman bago yun kasi nasa resort nga kami, pero ayoko pa rin.

"Lika," sabi niya sabay bukas ng pintuan ng room niya.

Alam kong hindi maganda sa isang babae ang mag invite nang lalaki sa kwarto, pero kasal kami ni Savannah kaya okay lang naman siguro, atsaka tomboy naman to eh.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" sabi niya. Nailabas ko ba tawa ko?

"Wala," sabi ko na lang.

"Napakawirdo mong tao, tatawa-tawa ka ng walang dahilan, kakadrama mo lang kanina eh," pang-aasar niya.

"Hindi ako nagdrama, nagkwento lang ako," sabi ko naman. Ngumisi naman siya saglit.

"Sabi mo eh," sabi niya.

Natapos na kaming kumain nang mapansin kong sobrang tahimik na namin.

"Bored ka? Gusto mo maglaro?" tanong ko. Tumingin naman siya sa akin na parang sinasabing magpatuloy ako sa sasabihin ko.

"Bato-bato pick, matalo sasagot ng tanong," sabi ko.

Tawa naman siya nang tawa habang nakatingin sa mukha ko. Anong mali sa sinabi ko?

"Sino ka nga ulit?" natatawang tanong niya. Nagtataka man eh sinagot ko pa rin.

"Jade Axel Tolentino, galing sa angkan ng mga bussiness man, and I'm a CEO right now," sabi ko na may halong yabang. Ikinangiwi niya naman yun, at tumawa na naman ulit.

"Ano ba kasing nakakatawa?" tanong ko.

"Natawa lang kasi ako, isang CEO nag-aayang mag bato-bato pick," tawang-tawa niya pa ring turan.

Hindi naman ako nainis, nakatingin lang ako sa kanya habang tawa nang tawa. Napahinto naman siya nang mapansin kong nakatitig ako sa kanya.

"Ano na lang. Magtanong ka then sasagutin ko, magtatanong ako sasagutin mo rin, pero walang pilitan ah," sabi niya. Tumango naman ako. Anong klaseng laro 'yun kung walang pilitan?

"Ako unang magtatanong, first crush mo sino?" tanong ko na ikinatawa niya na naman.

"Ano ba naman yan? Slam book lang? Pero first crush? Di ko sure, wala ako maalala eh," simpleng sagot niya, oo nga pala. Ang lugi ko naman ata dito.

"Ikaw sino first crush mo?" tanong niya pabalik.

"Si Sabrina, gaya nga sa kwento ko," sabi ko. Tiningnan ko naman ang reaction niya, medyo nakakadissapoint na walang kahit anong reaction 'dun.

"Who's your first kiss?" tanong ko. Nagulat ako nang bigla siyang nag-isip. So hindi ako?

"Ikaw ata, hindi ko sure. Ikaw sino first kiss mo?" tanong niya sa akin.

"Kung ano ibabato kong tanong, feeling ko yun din itatanong mo sa akin," sabi ko.

"Edi wag na nating ituloy 'to," sabi niya at niligpit ang kinainan namin. Napakadali talagang mapikon ng babaeng to.

"Ito naman hindi mabiro," sabi ko sabay hila sa kanya. Pero mukhang nasobrahan ako sa paghila dahil bumanga ang katawan niya sa akin at nahiga kami sa kama niya. Agad ko namang iniba ang pwesto namin at nasa ibabaw niya na ako ngayon. She's really damn beautiful and more attractive when she's blushing.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now