CHAPTER 37

648 33 5
                                    

Jade's Pov:

Nakita kong nag-collapse si Savannah sa may sala. Nakaramdam ako ng kaba pero agad din napalitan ng galit nang makita kong tumatakbong pumunta sa gawi niya si Jeff. Hindi pa pala naka-alis ang isang 'to? Mukhang may relasyon nga ang dalawang 'to. Pero kahit ganon man ay bumaba pa rin ako. Kailangan kong maglagi sa tabi niya lalo na't kasal pa rin kami. Gusto ko siyang kargahin pero tinapunan ako ng masasamang tingin ni Jeff.

"Okay, let me drive your car instead," sabi ko at nauna pa sa kotse niya.

Ano namang magagawa ko sa relasyong meron sila? Hindi naman namin mahal ang isa't isa kaya malamang walang problema 'don. Tumatakbo na ang sasakyan at sinisilip ko lang sila sa may rear mirror. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Jeff. May relasyon nga ata talaga. Naiinis ako sa naiisip ko.

"Are you guys in a relationship?" tanong ko kay Jeff.

"Hindi ito ang panahon para itanong mo ang mga 'yan, mas mabuti siguro na bilisan mo na lang ang pagpapatakbo mo ng sasakyan, hindi mo ba na-sense ang sitwasyon tol? Emergency 'to," galit na saad niya.

Parang natauhan naman ako at pinatakbo ng medyo mabilis ang sasakyan. Hindi naman nagtagal ay dumating na kami. Hindi na ako magtataka kung ilang minuto man ay kaharap ko na si Cooper. Isa sa mga lalaki niya.

"What happened to the patient?" tanong ng isang doktor habang nakatingin kay Savannah na karga-karga ni Jeff.

"Nahimatay po siya dok," sagot naman ni Jeff.

Sumenyas naman ang doktor sa nurse at kinuha nila si Savannah mula sa bisig ni Jeff. Nakahinga naman ako nang maluwag sa hindi malamang dahilan.

May kung ano-ano silang ginagawa kay Savannah. Tahimik lang kaming nakatingin sa kanila.

"Anong nangyari sa 'yo?" biglang salita ni Jeff. Hindi man siya tinitingnan pero alam kong ako ang tinatanong niya.

"Akala ko naman mahal mo siya," sabi niya na ikinalingon ko. Umiiling-iling pa siya habang nakangising nakatingin sa akin.

"Ayaw mo 'nun? Sayong sayo na siya," walang ganang sabi ko.

Tumawa siya nang tumawa. Hanggang sa masita na siya ng nurse. Tumahimik naman siya pero natatawa pa rin.

"Hindi ko siya gusto, pero cool nga naman si Savannah, pwede rin, pero baka hindi pa ngayon," sabi niya habang natatawa pa rin.

Tumayo ako para iwan na sana siya 'dun pero nakita kong naglalakad si Cooper papunta sa gawi namin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko agad pagkalapit niya sa akin.

"May duty ako, ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong niya pabalik.

"Duty naman pala Jade," biglang singit ni Jeff.

"I'm Jeff, kaibigan ako ni Savannah at nitong si Jade," sabi ni Jeff sabay lahad ng kamay niya sa harap ni Cooper.

Tinitigan naman siya nang mariin ni Cooper, tila kinikilatis kung totoo ba ang pinagsasabi nito.

"Kaibigan? Wala siyang nasabi sa amin," sabi pa ni Cooper.

"Hindi naman kasi lahat dapat alam mo, hindi mo nga alam na nandito kami kasi nahimatay si Savannah eh," sabi pa ni Jeff kay Cooper na ikinagulat nito.

Agad niya naman akong tinapunan nang masamang tingin. Kasalanan ko ba? Wala naman akong ginawa sa kanya.

"Alam mo Jade, kung hindi lang ako doctor, at kung hindi ka lang niya mahal, matagal na kitang nilumpo," bulong bago kami tinalikuran.

Mahal? Impossible 'yun.

Umupo ako ulit habang nakatingin kay Cooper at Savannah. Titig na titig naman itong si Cooper sa babaeng 'yan. Akala niya naman napakalinis nang budhi.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi ko nilingon.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong mahal ka ni Savannah?" biglang tanong ng katabi ko.

Paglingon ko, nakita ko ang walang kabuhay-buhay na mata ng kaibigan ni Savannah, si Angel.

Hindi ako umimik.

"Pero sana hindi nga, hindi karapat-dapat," sabi nito na ikinakunot ng noo ko.

"Sinong karapat-dapat? Ang kaibigan niyong 'yan?" matigas na tanong ko habang nakaturo kay Cooper.

"Wala pa akong sinabi," saad nito sabay tayo at pinuntahan ang kaibigan.

Nakatungo lang ako nang dumating ang doctor na tumingin kay Savannah kanina.

"Who is the nearest kin?" tanong agad nito. Malala ba siya?

Tumayo ako para lumapit sa gawi nila. Magsasalita sana ako nang may narinig akong pamilyar na boses.

"Me, I'm her sister, halata naman kahit ayaw ko!" biglang sabi ni Sabrina. Bakit nandito siya?

Inilibot niya ang tingin niya at himinto ito sa akin. Lumapit naman ito at humalik sa pisngi ko.

Kita ko namang napangiwi ang mga kaibigan ni Savannah. Napansin ko lang na wala si Jeff. Nasaan naman kaya 'yun?

"Maitanong ko lang, may kasintahan o asawa ba itong kapatid mo iha?" tanong ng doctor kay Sabrina.

Namawis naman ako bigla. Gusto kong magsalita pero parang nalunok ko ang dila ko. Nakatingin naman sa akin ang mga kaibigan ni Savannah.

"Opo," sabi ni Sabrina habang may napakalaking ngisi sa labi.

"Nandito ba siya? Kung wala maaari mo ba siyang tawagan?" sabi ng doctor.

Magsasalita na sana ako nang naunahan na naman ako ni Sabrina.

"Siya po," sabi nito sabay turo kay Cooper na napakasama na nang tingin sa akin.

"Dr. Alejandrino, sorry hindi kita napansin agad, ikaw ba ang kasintahan ni Ms. Dela Torre?" tanong ng doctor sa kanya.

Ms. Dela Torre?

Oh yeah! I forgot, private wedding.

"Yes, doc!" matigas niyang sabi habang nakatingin pa rin sa akin.

Pero agad naman itong lumingon sa doctor.

"Okay lang ba ang girlfriend ko doc? Ano pong results?." tanong nito.

Girlfriend? Nice!

"She's fine, marahil ay stress lang siya. Besides normal lang naman iyon sa mga," naputol ang sasabihin ng doctor nang magsalita si Cooper.

"Wait doc, pwede po bang pag-usapan natin ito in private? Total hindi rin naman nila kailangang malaman," sabi ni Cooper. Kita ko ang pamamamawis ng noo niya.

Bakas ang pagkalito sa mukha ng doctor, pero tumango pa rin ito at inaya si Cooper para makalayo sa amin ng ilang metro.

"Mukhang malala ang kapatid ko," nakangising turan ni Sabrina habang nakatingin kay Vannah na nakahiga ngayon.

"Ikaw din malala na, malala na ang pagkahigad mo, mahiya ka naman," matigas na sabi ni Ellyssa.

"Shut up!" sita ko dito.

"Ito ba yung bulag?" tanong ni Ellyssa kay Angel na ikinagulat ko.

Tumango naman si Angel.

"Nagamot na diba?" tanong ulit ni Ellyssa.

Tumango naman ulit si Angel bilang sagot.

"Bakit mukhang bulag pa rin?" galit na turan nito sabay turo sa pagmumukha ko.

"Umalis ka Jade, at ikaw higad ka, umalis nga kayo, hindi ako bulag pero mukhang nandidilim ang paningin ko," sabi na naman nito.

Ramdam ko ang galit niya sa paraan nang pagkakatingin niya sa akin.

~~~~~~~~~~~

Ceo's Hidden WifeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu