CHAPTER 11 • Jade's Home

1K 40 5
                                    

Jade's Pov:

I'm with Sabrina today and we saw Savannah. Tumingin siya sa akin saglit at tumingin sa kapatid niya. Balewala lang ba talaga ako sa kanya? Pilit kong binabasa ang mga reaksyon niya, but I'm really dissapointed dahil mukhang kahit konting selos ay hindi niya naramdaman. Wala ako sa sariling nakatingin lang sa kanya, hindi ko nga alam ang mga pinag-uusapan nila dahil sa kanya lang nakatuon ang atensyon ko.

"Babe," tawag sa akin.

"Babe, ano ba? Tulala ka lang 'dyan? Ganun!" inis na sabi ni Sabrina kaya natauhan ako.

Naglakad siya papunta sa parking lot at naghintay sa may kotse ko. Binuksan ko naman agad 'yun para sa kanya.

Pagkahatid na pagkahatid ko kay Sabrina ay bumalik ako sa company ng tatay nila. Hinihintay ko ang asawa ko. I mean gusto kong makita ang reaction niya sa sasabihin ng tatay niya. Nakita ko siyang lumabas ng building na hindi maganda ang timpla ng mukha. Hindi ko alam kung bakit ako natutuwa na makita ang mga galit na yun sa mukha niya.

Natutuwa akong isipin na ayaw niyang magpanggap kami ni Sabrina. Pero nawala ang ngiti ko mang maisip ko na baka kinausap niya na ang tatay niya tungkol sa hiwalayan.

Tulala lang siya saglit hanggang sa pumara na siya ng taxi at sumakay dito.. May kotse naman siya. Saan na naman kaya pupunta ang babaeng 'to?

Plano ko siyang sundan kaya tinawagan ko ang secretary ko.

"Yes sir? Good afternoon po," bati niya ng masagot niya ang tawag.

"Cancel all my schedule this afternoon," sabi ko.

"Okay po sir, got it!" napaghahalataan ko ang landi sa boses niya.

"And can you please contact Mr. Dela Torre, and ask him for my wife's cellphone number," sabi ko pa.

"Wife po?" tanong niya. Bigla namang nag-ingay ang kabilang linya. Malamang may nakikinig sa usapan naming dalawa.

"Yes, and please magligpit ka na, because you are fired!" sabi ko at pinutol ang tawag.

Kasalukuyan kong sinusundan ang taxi. Napansin kong papunta ito ng airport. Don't tell me aalis siya? Biglang tumunog ang phone ko at nakita ko ang cellphone number doon. I dial Savannah's number. Natawa pa ako, hanggang ngayon wala pa pala akong number niya.

"Hello?" mahinahon niyang bati.

Siya ba 'to? Bakit ganyan siya makipagsalita sa iba? How I wish sa akin din.

"I wonder if saan nagpupunta ang asawa ko ngayon?" sabi ko na ikinatahimik niya.

"Baliw ata to," rinig ko pang bulong niya.

"Ay sir! Pasensya na ah, hindi ko po kilala ang asawa niyo, wrong number ka ata, bye!" sabi niya at agad na binaba ang tawag.

What the hell? Wala rin siyang number ko. Mag-asawa ba talaga kami?

Kasalukuyan akong nasa labas ng airport. Kanina pa siya pumasok pero hindi naman lumabas. Marahil ay umalis nga. Wala naman akong balak na pigilan siya. Mas mabuti na nga yun.

Paalis na sana ako ng makita ko siyang lumabas na may kasamang lalaki, magkawak kamay sila. Same guy at that night. Akala ko ba wala silang ganoong relationship bukod sa 'bestfriend relationship' ?

Nakaholding hands pa rin sila hanggang sa makapara na sila ng taxi. Hindi ko alam ang irereact ko basta ang alam ko lang gusto kong sumabog. Bumaba ako para tawagin siya nang mag ring ang cellphone ko.

"Dude, busy ka? Baka naman makapunta ka sa Bar ni Khairo, may paparty ang gago," sabi ni Lance.

"Okay, una na lang ako, sumunod kayo," sabi ko.

"Ngayon agad? Wala kang work dude?" tanong niya.

"Wala, basta sumunod kayo, andaming tanong eh," inis na sabi ko.

"Oo  na, ang init ng ulo, broken ka ulit?" nang-aasar niyang turan.

Kanina pa ako dito, alam kong marami na rin akong nainom. Si Khairo lang ang kaharap ko kanina, at hindi ko pa talaga namalayan na dumating na sina Lance. Nakatingin lang silang tatlo sa akin. Anong meron?

"Jax anong problema mo?" tanong ni Jacob. Habang hinihimas ang legs ng babaeng katabi niya. Kahit kailan talaga babaero.

"Wala naman, kayo ang nag-aya, tapos ako ang nasa hotseat niyo?" simple kong sagot at ininom ang alak na nasa harapan ko.

"Oo nga, pero yang inuman mo, pang heartbroken," biglang sabi ni Lance. Sa kanya pa nanggaling. Anong alam nito sa Love?

"Guni-guni niyo lang 'yan, uminom na rin kayo, napakadaya niyo," sabi ko pa. Nagsitinginan naman sila at sabay na umiling sa isa't isa.

"Jax, alam naming may problema ka, ano nga 'yun?" pagpupumilit ni Khairo.

"Wala nga," sabi ko at hindi na muna sila pinansin. Kanya-kanya rin naman sila ng pag-inom at panlalandi sa babaeng nasa tabi nila.

"Bakit ba sila ganun kadikit kung magkaibigan lang sila? Ako ba pinagloloko nila?" wala sa sarili kong saad kaya napatingin sila sa akin.

"May problema nga ang isang 'to," sabi ni Lance at binitawan ang babae niya. Ganun din naman ang dalawa. Kaya nagsialisan ang mga babaeng kanina pa nakatingin sa akin kahit sa mga kaibigan ko naman nakakapit.

"So? Anong kwento?" tanong ni Jacob sa akin at dahan-dahang lumapit sa akin.

"Yung asawa ko kasi," sabi ko.

"Asawa mo? Naikasal na kayo?" gulat na tanong ni Lance.

Hindi pa ba nila alam?

"Nagpakasal ka tapos hindi mo man lang kami inimbita?" nakangangang tanong ni Khairo.

"Hindi na ako nag-abala pa, nothings special," sabi ko na lang kaya kahit mukhang dissapointed ay nagsitanguan pa rin.

"So anong meron sa asawa mo?" tanong ulit ni Jacob.

"There's a guy na sinsabing bestfriend niya, but parang hindi ganun yung nakikita ko," sabi ko na ikinatawa nila.

"Nothing's special daw," natatawa pa ring turan ni Lance.

"Malay mo magkaibigan lang talaga, tapos ganun lang sila ka-close, ilang buwan pa nga lang kayong nag-kakilala mukhang hulog ka na Jax," sabi ni Khairo. Hulog? Impossible.

Hindi ko na lang sila pinansin at bumalik na lang ako sa pag-inom. Pilit na pumapasok sa isipan ko kanina ang nakita ko. May magkaibigan bang ganun?

"Meron Jax," biglang sabi nilang tatlo.

Nasabi ko ba ang nasa isip ko?

"Wala pero halata sa mukha mo, malamang may mag-kaibigang ganun, kayo nga ni Sabrina dati ay ganun diba? Kahit noong magkaibigan kayo. Ang kaso nga lang, baka yung nararamdaman nila ay wala na sa pagiging magkaibigan," diretsahang sabi ni Jacob.

"Hindi ka nakakatulong," sabi ko at tumayo na pero agad akong nahilo kaya pabagsak akong naupo ulit.

"Iuwi na natin 'to" dinig kong sabi ni Khairo.

Naramdaman kong nagbyahe kami at huminto. Pagkabukas na pagkabukas ko ng mata ko. Nakita ko ang sarili kong bahay. Hindi namin 'to bahay ni Savannah.

"This is not my home!" matigas na sabi ko.

"Jax, lasing ka na ata, bahay mo 'to," inis na sabi ni Lance.

"This is not our home," sigaw ko.
This is not my home. Wala rito si Savannah.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now