CHAPTER 21 • Concern

981 44 5
                                    

Jade's Pov:

Kasalukuyan kong nilulunod ang sarili ko sa alak. Nang may biglang kumatok ng sobrang bilis.

"Sir, may race car po sa labas. Bumubisana po dito," sigaw nung taong nasa labas ng pinto.

"Pagbuksan niyo, si Savannah yan, isa niyo pang amo," sigaw ko rito pabalik.

Bago lang ang mga tauhan rito. Muntikan pa nga akong hindi papasukin. Mabuti na lang talaga at nandito pa si Mommy nung umuwi ako.

Lumabas naman ako sa may balkonahe ng bahay. Sinilip ko siya mula rito sa taas. Yun pa rin naman ang suot niya simula kanina, nag race siyang nakapalda? Pumasok siya sa bahay at hindi naman nagtagal ay pumasok siya sa kwarto, tinatanaw ko lang siya dito. Kumunot ang noo niya nang makita ang mga inumin sa mini table namin dito sa kwarto. Akala ko liligpitin niya pero nagulat ako 'nung nakiinom siya 'dun. Pumasok siya sa walk-in closet namin. Pagkalabas niya nakabihis na siya. As usual naka malaking t-shirt na naman. Hindi ko nga alam kung nakashort pa ba siya dahil sa sobrang laki 'nung tshirt. Akala ko lalabas na siya pero siya ang pumalit sa pwesto ko dun. Kaya napagdesisyunan kong lapitan na lang siya.

"Hey, mabuti naman at umuwi ka pa," sabi ko rito at umupo sa tapat niya.

"Bawal na ba ako rito? Sabihan mo lang ako, aalis ako agad," sabi niya na ikinagulat ko.

Akala ko nakita ko na ang mga ugali ni Savannah pero hindi pa pala. Ramdam kong kahit anong bibitawan kong salita ngayon ay babalik sa akin.

"Anong nangyare? Natalo ka?" tanong ko rito. Wala na akong maitanong eh.

"Natalo?" sabi niya pero nakayuko pa rin, busy kakanguya 'nung pulutan ko.

"Sabi mo mag-race ka?" tanong ko rito. Natawa naman siya saglit bago nagsalita.

"Ang sabi ko may pupuntahan kaming Drag Race, hindi ko sinabing kakarera ako," sabi niya at inangat ang mukha niya sa akin. Alam kong may galit sa mata niya, pero ang una kong napansin ay ang namamaga niyang pisngi. Agad naman akong lumabas ng kwarto.  Nang may nakita akong katulong ay agad kong inutusan.

"Pakidala ng first aid kit sa kwarto, wag niyo ring kakalimutan ang pang-cold compress," utos ko at bumalik sa kwarto. Kita ko naman siyang nagpapatuloy lang sa pag-inom.

Tumabi ako sa kanya, hindi naman siya nagreklamo. Hinawakan ko ang pisngi niya. Dumaing naman siya pero hindi pa rin siya nagreklamo.

"Anong nangyari dito?" tanong ko sa kanya.

"Nadapa," sabi niya. Nadapa? Sobrang tanda na ng palusot na yan. Gamit na gamit na.

"Really? Nadapa? Nauna ang mukha? Ano ka bata?" inis na tanong ko.

"Nagtutula ka ba?" natatawa niyang turan.

"H'wag kang tumawa nang tumawa, hindi ako natutuwa sa mukha mo," sabi ko naikinasama ng tingin niya sa akin.
"Bakla!" diin niyang bulong na rinig ko naman.

Hinayaan ko na lang siya at lumabas ulit para kunin ang hinihingi ko, nababagalan ako sa kilos ng mga tao rito. Kaya nang makita ko ang katulong na bitbit ang mga hiningi ko ay agad ko na lang itong kinuha at bumalik sa kwarto. Takang-taka naman si Savannah na nakatingin sa mga hawak ko habang nilalagok ang alak.

"Aanhin ko yan? Hindi ako sugatan. 'Yng ice na lang ang mapakikinabangan ko," sabi niya nang makita ang dala-dala ko. Kahit kailan talaga ang babaeng 'to. Lumapit na lang ako sa kanya at dinikit sa pisngi niya 'yung ice. Pero agad niya rin namang hinablot at siya na ang nag-asikaso sa sarili niya.

Ilang saglit pa ay narinig ko ang phone niya na nagriring. Tinitigan niya lang 'to. Sinilip ko naman at nakita ko ang pangalan ni Cooper sa caller ID kaya agad kong kinuha 'yun at sinagot. Nakatingin lang sa akin si Savannah.

"Bakit? Anong kailangan mo sa asawa ko?" tanong ko agad.

Narinig ko naman siya natawa bago nagsalita.

"Kinakamusta ko lang ang kaibigan ko, pero mukhang nakauwi naman siya ng maayos, pasabi na lang, salamat at nag-enjoy ako sa araw na'to," sabi niya mula sa kabilang linya. Kahit na hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangisi siya ngayon.

"Anong ibig sabihin 'nun?" tanong ko agad kay Savannah?

"Ng ano?" kunot-noo niyang turan.

"Ang sabi niya nag-enjoy siya, anong ginawa niyo?" inis na tanong ko.

" Nagbibiro lang 'yun, mukha ba akong nag-enjoy kung saan kami galing kanina?" walang gana niyang sabi na nakapagpatahimik sa akin.

Ilang saglit pa ay muling nag-ring ang phone niya at ngayon ay si Lawrence naman ang tumatawag.

"Hindi mo sasagutin?" tanong ko.

"Marunong ka pa lang magtanong? Kani-kanina lang sinagot mo ang tawag na hindi para sayo," umiiling niyang turan.

Inilahad niya ang kamay niya kaya naman bnigay ko sa kanya ang cellphone niya, sinagot niya naman ito at nakaloudspeak pa, baka nakakalimutan ng babaeng to na nandito ako?

"Savannah," sabi ni Lawrence mula sa kabilang linya. Pero hindi kumibo si Savannah.

"Savannah, hello?" sabi niya ulit.

"Nakikinig ako," tipid na sabi nito sa Kuya niya.

"Little sis, I know you're mad. You called me Lawrence instead of Kuya Lawrence earlier, I'm sorry sa ginawa ni Mom. I'm sorry if nasaktan ka ng mama mo dahil kay mom, I'm sorry, Kita tayo bukas?" halata ang sinseridad sa boses ni Lawrence pero hindi siya kinibo ni Savannah.
"Magsalita ka naman oh, kinakabahan ang kuya, nakauwi ka na ba?" sabi ni Lawrence pero binitawan ni Savannah ang cellphone.

"She's home," sabi ko na lang at pinatay na ang tawag.

"So magtatanong ka pa kung anong nangyari? Nasabi na ni Lawrence," sabi niya.

"Narinig ko, pero bakit? Anong nangyari? I mean anong dahilan?" tanong ko.

"Hindi ko alam if curious ka, or tsismoso ka lang talaga," sabi niya at kinuha ang cellphone niyang hawak ko.

"Concern lang ako, okay?" sabi ko na ikinatawa niya.

" H'wag kang ganyan, hindi rin naman tayo magtatagal, atsaka kung maputol man ang ugnayan natin, hindi ka rin naman basta makakalapit sa akin, hindi nga tayo magkaibigan eh," sabi niya at dinala ang isang bote ng alak at lumabas ng kwarto, sinundan ko naman siya at nakita ko siyang pumasok sa guest room na madalas niya tulugan. Walang kama dun, pinakuha ko. May mag-asawa bang magkaiba ang kwato? Wala!

Ceo's Hidden WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon