CHAPTER 23 • Rivalry Between the Sisters

972 41 7
                                    

Savannah's Pov:

Nandito na kami ngayon sa hospital at hanggang ngayon ay mukhang nagkakabangayan pa rin ang dalawa.

"Wala na bang ibang doctor bukod sayo?" rinig kong sabi ni Jade kay Cooper na ngayon ay nakangisi lang sa kanya.

"Meron, pero dahil busy silang lahat, ako na muna ang titingin sa kaibigan ko, total ako naman ang private doctor niya," sabi naman ni Cooper. Tama naman 'yung sinabi niya.

"Private doctor? Hahanap ako ng iba," bulong ni Jade na rinig naman namin kaya nagkatinginan pa kami ni cooper at natawa na lang sa inasta ni Jade. May pagkaisip bata talaga ang isang 'to.

"Tumigil nga kayo," pikon niyang sabi at lumapit sa akin. Tinitigan niya ang mata ko kaya hindi ko alam kung ano na ang naging reaksyon ng mukha ko ngayon.

"Babe? Anong nararamdaman mo?" tanong ni Cooper sa akin.

"Doctor ka diba? Alamin mo," pambabara naman sa kanya ni Jade.

"Doctor ako hindi manghuhula," balik naman sa kanya ni Cooper.

"Huy, pwede ba? Magsitahimik kayo," sabi ko sabay dilat ng mata ko.

"Jade, wag ka nga masyadong mag-alala, nawawala angas mo eh," sabi ko rito. Sumama naman ang tingin niya sa akin.

"Wala naman siguro akong malalang sakit 'no? Doc?" pabiro kung tanong kay Cooper.

"Wala naman, pero 'wag ka kasing magpakastress, mas better if aalis ka sa trabahong ayaw mo," sabi niya at alam kong pinaparinggan niya si Jade. Nakita ko namang sumama ang mukha ni Jade kaya lumabas na muna siya ng room.

"Bakit mo naman sinabi yun? Hindi naman sa ayaw ko sa trabaho ko, nasisiyahan naman ako 'dun, may nga naging kaibigan rin naman ako," sabi ko kay Cooper.

"Siguraduhin mo lang, kasi lagi kang kinakamusta sa akin nina Ellyssa at Angel, hindi pa rin daw sila uuwi, nag-eenjoy pa rin sila sa bakasyon nila. Bakasyon ng mga broken hearted, gusto ko nga ring sumama eh," makahulugan niyang saad.

"Broken ka na naman?" tukso ko rito.

"Hindi ah, gusto ko lang magbakasyon, kaya nga hindi ako sumama kasi bakasyon yun ng mga broken hearted, hindi ako pwede 'dun," sabi niya na ikinatawa ko.

"Oh siya, sige na. Magpahinga ka na muna dyan, pwede ka na rin namang madischarge mamayang gabi, labas na muna ako, may iba pa akong pasyente," sabi niya at lumabas na rin ng pinto.

Pagkalabas niya ay siya namang pagpasok ni Jade. Nandyan na naman ang pag titig niya na para bang kinikilatis ako, at ang buong pagkatao ko. Lumapit siya sa akin at pinausog ako kaya naman umusog na lang ako para makaupo siya sa kama. Hindi ko alam kung bakit pero comfortable naman ako. Muli niyang tinitigan ang mukha ko at mukhang nagdadalawang isip sa gusto niyang sabihin.

"Ayaw mo ba talaga sa trabaho mo?" saad niya habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.

"Napipilitan ka lang bang maging secretary ko?" dagdag niyang tanonh.

Tahimik lang ako at nag-iisip ng magandang maisasagot dahil napakasensitive ng ugok na'to.

"So hindi nga, base sa reaction mo mukhang napilitan ka nga lang, bukas na bukas din pwede ka nang hindi bumalik sa trabaho," sabi niya at tumayo. Agad ko naman hinuli ang kamay niya at pinaupo siya ulit.

"Axel, makinig ka, 'nung una ayaw ko naman talaga maging secretary mo, dahil hindi naman talaga tayo magkasundo. Okay aalis ako bukas hindi dahil ayaw ko talagang maging secretary mo, pero dahil pinapaalis mo na ako. Hindi ko naman tatanggihan yun, kasi hindi bussiness ang umiikot sa utak ko, pero kahit papaano nag-enjoy naman ako sa company mo, madami rin kaya akong mga kaibigan 'dun," sabi ko sa kanya na ikinangiti niya.

"Okay, so babawiin ko ang sasabihin ko, bumalik ka sa trabaho mo as a secretary ko, pero hindi ka pwedeng magpagod para sa baby natin," sabi niya na ikinagulat ko.

"Baby mo mukha mo, kala mo naman may nangyari talaga, takot ka ata sa virgin," natatawang sabi ko. Nahiya naman ako bigla sa sinabi ko nang ngumiti siya.

"Okay my wife, sa susunod na makatyempo ako, itutuloy ko na," bulong niya sa akin. Kaya nagpanggap na lang akong matutulog dahil sa kahihiyan.

Lumipas ang mga araw at hindi pa rin ako pinapapasok ulit ni Jade para daw makapagpahinga ako. Nahilo lang naman ako pero hindi naman ako buntis. Kaya gayong araw ay pupuntahan ko ang Tatay ko tutal wala naman akong ginagawa rito. Hihilingin kong itigil niya na ang kahibangan niya, lalo na't nagkaintindihan na kami ngayon ni Jade. Tinuturing ko na rin siyang isa sa mga kaibigan ko, kaya ayokong magkasiraan pa kami tungkol dito.

"What are you doing here?" tanong ng tatay ko nang pumasok ako sa opisina niyang walang katok-katok.

"Same reasons," sabi ko na ikinakunot ng noo niya.

"Anong same reasons?" tanong niya.

"You know I mean," sigaw ko.

"Hindi mo kailangang sumigaw. Take a seat, pag-usapan natin ito nang maayos," sabi niya. Sinunod ko naman siya. Tumingin naman siya sa akin at parang inaantay na magsalita ako.

"I want to stop this, may nasisisra akong relasyon," diretso kung turan.

"Anong ibig mong sabihin sa nasisira mong relasyon?" tanong niya. Hindi niya alam?

"Dad, may binanggit ka sa akin noon na karelasyon ni Sabrina, tama? Kaya hindi siya ang pinakasal mo kay Jade, pero Pa, si Jade ang tinutukoy ni Sabrina na karelasyon niya. May relasyon si Sabrina and Jade, "saad ko.

Inaasahan kong magugulat siya pero ako ang nagulat sa sinabi niya.

"I know, kaya ipinakasal kita kay Jade bago pa mahuli ang lahat," simpleng sabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" matigas kong tanong.

"Minsan mo nang iniyakan sa akin ang mga 'to noon Savannah, ngayong pinagbigyan kita magrerek~" saad niya, pero natigil siya nung mukhang may narealize siya.

"Tell me frankly Pa, kilala ko ba si Jade? Bago pa man ako magka-amnesia?" tanong ko rito.

Napaisip ako sa tanong ko, kasi kung kilala ko siya, bakit hindi niya ako kilala?

"Pwede mo bang ipatawag ang kapatid ko?" sabi kay papa na pero mukhang hindi na kailangan dahil dahil dumating nga siya.

"Bakit ka pa nagtatanong sa mga bagay na yan Savannah? May naaalala ka na?" biglang sulpot ni Sabrina.

"Kahit na maalala mo si Jade, nothing's special pa rin naman, isa ka lang sa mga babaeng pinaglaruan niya noon," dagdag niyang sabi. Dapat ba akong maniwala? Dahil alam kong napakasinungaling ng babaeng 'to, pero pwede rin namang hindi siya nagsisinungaling dahil siya nga lang ang may alam.

"Dapat ba akong maniwala sayo?" tanong ko rito. Napakurap naman siya nang ilang beses. Nagsisinungaling to.

"Hindi ko alam kung dapat akong maniwala, kasi sa pagkakakilala ko kay Jade kahit na hindi pa kami kami ganun katagal nagkasama, alam kong hindi niya magagawang manloko ng babae. Kaya hindi ako sure kung maniniwala ako sa sinabi mong, isa ako sa mga pinaglaruan niya dati. At ayokong maniwala sa taong mahilig rin manlalaki," sabi ko na ikinagulat niya. Iniwan ko naman siya dun na parang tangang nakatingin sa akin.

Ceo's Hidden WifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora