CHAPTER 48

765 41 15
                                    

Jade's Pov:

"I love you but I hate you," saad ni Savannah habang duguan. Pilit ko siyang ginigising pero hindi siya nagigising.

"Daddy, daddy!" saad ng batang boses at ramdam ko ang pagyugyug nito.

Nagising ako sa bangungot ko na sana nga ay naging  bangungot na lang at hindi nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang taon  madalas kong napapanaginipan ang huling sinabi sa akin ni Savannah 'nung huli ko siyang nakausap.

"Daddy?" tawag sa'kin ng batang lagi akong ginugulo simula ng marunong ng magsalita.

"Bakit ka ba daddy nang daddy?" tanong ko rito.

"Gusto ko lang, sa pagkaka-alam ko lonely ka eh, kasi bad ka, " sabi niya sabay labas pa ng dila niyang nagka-color rainbow na, marahil dahil sa kinakain niyang candy. Napaka-aga naman kumain ng candy ang batang 'to.

"Sinong nagsabi sayong bad ako? Kinakain mo nga laman ng ref ko, umuwi ka nga 'dun sa nanay mo," sabi ko sa kanya pero iniripan niya lang ako at lumabas ng kwarto. Napailing na lang ako. Kasing edad niya na sana ang anak ko kung nabubuhay siya ngayon.

Tatay na sana ako ngayon kung hindi lang ko gago. Hindi ko man alam kung ano ang dahilan ng ikinagalit sa akin ni Savannah pero alam kong galit siya sa akin. Kitang-kita ko ang galit sa mata niya ng makita ko siyang nakahiga sa hospital bed 5 years ago. Pagkatapos 'nun hindi niya na ako kinausap at umalis siya ng bansa.

"Kamusta siya?" tanong ko kay Joy na kakalabas lang sa kwarto ni Savannah. Siya lang ang pinayagan ni Savannah na pumasok sa kwarto niya simula 'nang nagising siya.

"Sir, ayoko na sa akin manggaling eh, pero wala na po ang baby niyo, at galit na galit po si ate Savannah sa'yo, " nakayuko niyang sabi.

Agad naman akong pumasok sa kwarto ni Savannah. Hindi na ako nakapagsalita dahil sa talim ng tingin niya sa akin.

"Ang baby na'tin? Totoo ba? Sinong doctor mo?" tarantang tanong ko. Wala kong alam sa mga nangyayari dahil pinipigilan nila akong makalapit sa kanya o kahit man lang sa emergency room kung saan siya ginagamot. Hindi niya ako sinagot àt tumingin na lang sa ibang direksyon.

Lumabas ako sa hospital room at pinagtatanong ang mga nurses na nandun kung sinong doctor ang nagsabing wala na ang mga anak ko. Ngunit walang makapagsabi sa akin. Hanggang sa nakita ko si Cooper na maga ang mga mata at lumapit sa'kin at pinagsusuntok ako. Ang alam ko lang ay nawalan ako ng malay. Nang magkamalày ako ay nabalitaan ko na lang na sabay-sabay nawala si Cooper, Savannah and Joy.

"Huy lonely man, kumain ka na raw, tapos pumasok ka sa trabaho mo," saad na naman ni Mean. 'Yung pangalan niya kapareho ng ugali niya. Bakit ba nandito ang batang 'to? Wala naman 'to kagabi.

"Bumaba ka nga 'ron, 'wag ako ng kulitin mo, maliligo na ako," saad ko. Binelatan niya ako bago tuluyang lumabas.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako. Nandun na naman si Mean kumakain.

"Nay Rose, bakit nandito 'yang apo mo?" tanong ko sa kasama ko sa bahay na nagsisilbing taga-bantay na rin dito kapag hindi ako umuuwi

"Pasensya na sir, may trabaho po kasi sa malayo ang nanay nitong bata," saad naman ni Nay Rose. Tumango na lang ako at tiningnan ang batang ngayon ay hambog na nakatingin akin. Naiinis talaga ako sa batang 'to, pero hindi naman ganun ka inis na kulang na langay masipa ko.

"Ginugulo na naman po ba kayo ng apo ko po?" tanong ni Nay Rose. Tumango na lang ako ulit.

"Naku! Ikaw talagang bata ka! Ang sabi ko sabihan mo lang na kakain na," pinagsabihan niya ang apo niya.

Natawa naman kong tiningnan si Mean, iniripan niya naman ako. Siya naman ngayon ang pikon. Binilisan ko ang pagkain.

"Bilisan mo 'dyan. Samahan mo ako sa mall," sabi ko kay Mean na ngayon ay may malawak na ngiti sa mga labi.

"Talaga ba master?" natutuwang tanong niya. Kita mo? Master na naman ng tawag akin. .

Namamasyal na kami sa mall ng may nakita akong pamilyar na pigura. Agad ko naman kinarga si Mean at tumakbo ko papunta sa taong 'yun. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses ng taong 'yun. Kahit nakatalikod siya ay alam kong siya 'yun.

"Hindi pa kami nagkikita, kahit na kailangan ko siya, ayoko naman makita siya agad-agad, " saad niya habang hawak ang cellphone niya. May kausap yata sa cellphone.

"Okay sige bye, hanapin ko muna sina Joy," sabi niya at binaba ng tawag.

Napalingon siya sa may gawi namin dahil mukhang napansin niya ang presensya namin 'dun. Kita kong nagulat siya pero nawala 'yun ng makita si Mean na hawak-hawak ko.

"Hi," bati niya kay Mean. Nauna niya pang batiin ang batang hindi niya kilala kaysa sa akin.

"Hello po," nakangiting turan naman ni Mean kay Savannah.

"Daddy mo?" tanong niya kay Mean. Daddy? Marahil ko ang tinutukoy niya.

Nakangiti namang tumango-tango si Mean at hinalikan pa ang pisnge ko. Gulat na gulat ko sa sitwasyon. Hindi ko naman pwedeng pagalitan si Mean. Ngumiti naman si Savannah. Magsasalita na sana ako para iklaro ang nangyayari pero nagtanong na naman siya kay Mean.

"How old are you, baby?" tanong ni Savannah.

" 5," sabi ni Mean habang pinapakita ang mga daliri niya apat lang naman ang nakatayo. Natawa na lang si Savannah at nakangiting tumingin sa akin.

"Ang ganda ng anak mo," sabi niya sa akin. Magsasalita sana ako ulit ng may tumawag na naman sa kanya kaya hindi ako nakaimik.

Nagsalita sila saglit at nakangiting tumingin sa akin at nagpaalam. Wala man lang akong nasabi kahit isang salita. Tinatanaw ko na lang siya hanggang sa nawala siya sa paningin ko. Hindi ko na muna siya susundan, basta ang mahalaga ay nakabalik na siya. Madali ko lang siyang mahahanap.

Narinig kong bumuntong hininga si Mean na akala mo galing sa isang marinading pagod.

"Ikaw, bakit ka nagsinungaling 'dun?" tanong ko sa kanya.

" Eh kasi po, nakita ko siya kanina 'dun sa playground, kasama 'yung anak niyang pogi, napansin kong masaya siya kaya 'nung tinanong niyang anak mo ako, edi sinabi kong oo, para hindi ka kawawa," sabi niya. Parang na gets ko ng sinabi niya na parang hindi.

"May anak siya?" tanong ko sa kanya.

"Opo," sabi niya tapos natulala pa siya saglit at titig na titig sa mukha ko.

"Hala! Kamukha mo po 'yung bata master," sabi niya sa akin sabay hawak pa ng mukha ko.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now