CHAPTER 33

689 28 0
                                    

Jade's Pov:

Kanina pa ako hindi mapakali kaya nagawa kong sumunod sa bahay ni Ellyssa, pero hindi ako pumasok, hindi naman kasi ako invited. Kasalukuyan akong nakapark sa hindi ganoong kalayuan sa bahay ni Ellyssa nang biglang tumawag si Khairro at ang sabi nasa loob sila. Paano naman napunta ang mga ugok na 'yun 'dun? Ilang saglit pa ay nakita ko ang nakabusangot na si Savannah na papalapit sa kotse ko, sa trip kong inisin siya lalo kaya hindi ko siya binuksan ng bintana hanggang sa makalapit siya. Inaya niya akong pumasok ang kaso nagawa ko pang mahiya sa sout ko hanggang sa nagdecide siyang pahiramin ako. Nag-uusap lang kami hanggang sa may sumabat.

"He's not possessed, he's obsessed," biglang saad ng taong isa sa dahilan kung bakit ako nandito. Pinilit ko ang sarili kong magpigil. Kinausap ko siya pero hindi niya ako pinansin sa halip ay lumapit kay Savannah at niyakap ito.

"Hey babe, long time no see," sabi nito sabay bitaw ng yakap.

"Yeah," nakangiting saad ni Savannah sabay tango dito.

Tatalikuran ko na sana sila ng hawakan ni Vannah ang kamay ko. Nakita ko naman na nakatingin si Cooper sa mga kamay namin bago naunang pumasok. May payakap-yakap pang nalalaman. Hindi na natutong lumugar.

"Hey! Look at me, may gusto ka ata kay Cooper eh, grabe 'yung tingin? Hindi pwedeng putulin?," tukso pa ni Vannah sabay hawak sa mga pisngi ko. Inis na inis ako sa ngising nasa mga labi niya. Iniripan ko naman siya.

"Bakla nga talaga 'to," bulong niyang dinig na dinig ko naman. Hinalikan ko naman siya agad na ikinatigil niya.

"Hindi ako bakla, nakakainis lang kasi," sabi ko.

"Ano ba kasing kinaka-inis mo 'dyan?" natatawa niyang tanong.

"Bakit ba kasi nagpapayakap ka sa lalaking 'yun?" inis kong turan habang nakatingin sa dinaanan ni Cooper kanina.

Natawa lang siya ng natawa. Hanggang sa hinila niya ako. Pero hindi papasok sa bahay ni Ellyssa. Pumunta kami sa ibang direksyon.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya kaya naman nilingon niya ako at binitawan anb kamay ko. Hindi ko na lang sana siya tinanong.

"Papalamigin 'yang ulo mo, napakaseloso mo naman kasi," natatawang sabi niya at naunang naglakad at umupo sa isang swing. Nasa park kami ng subdivision.

Umupo na lang ako sa katabing swing. Nagulat naman ako nang tumayo siya at pumuna sa harap ko. Ngiting-ngiti pa siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ng babaeng 'to ngayon pero feeling ko talaga ay pinagtatawanan niya ako. Hindi nga ako nagkakamali dahil nailabas niya na nga ang tawa niya. Tatayo sana ako ng pigilan niya ako kaya napaupo ako ulit. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Ang seloso mo naman yata," natatawa niyang turan.

"Akin ka savannah, akin ka lang kasi," sabi ko na ikinawala ng mga ngiti niya. Pero nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya ay ngumiti siya ulit.

"Ito lang ang tandaan mo, kahit anong mangyari kaibigan lang ang tingin ko kay Cooper, okay?" sabi niya sa akin sabay titig sa mga mata ko. Tumango na lang ako.

Inaya niya akong bumalik kina Ellyssa baka raw kasi ay hinahanap na siya. Pagkapasok na pagkapasok namin ay mukha ng kaibigan ko ang bumungad sa amin.

"Welcome to the group dude," salubong sa akin ni Jacob. Takang-taka naman ang itong kaibigan ni Vannah na sobrang ingay ng bunganga, si Ellyssa. Mukhang bawal nga ata ako rito.

"Kaibigan niyo yang Jade na 'yan? Crush ko pa naman yan dati," sabi niya pa. Halata naman, pero hindi naman kailangang sabihin sa harap ni Savannah, baka ano pang isipin.

"I need to pee, bitawan mo na kamay ko," bulong sa akin ni Vannah.

"Okay ka lang?" tanong ko. Itong si Ellyssa talaga.

"Huh? Naiihi lang ako, bitaw na kasi,"  Binitawan ko naman ang kamay niya at umupo ako sa tabi ng mga kaibigan ko. Paano naman kaya napunta ang tatlong 'to dito?

Nagsiinuman lang sila, tinatangihan ko ang bawat alok nila. Ayokong uminom, mahina ako sa alak. Kakabalik lang ni Vannah galing sa CR. Ang bakanteng pwesto lang ay ang tabi ni Cooper. Hindi naman yata pwede yun. Tiningnan ko siya at parang naghahanap ng mauupuan. Nang makita niya ako ay lumapit naman siya. Umupo siya sa may sandalan ng couch, sa mismong may likod ko. She's really acting weird right now. Hindi naman sa nagrereklamo ako, natutuwa nga ako eh.

"Ay wow, pasintabi po sa mga mag-asawa dyan, respeto naman sa mga single at broken hearted," sabi ni Ellyssa. Ayan na naman ang nakakarindi niyang boses. Inangat ko naman ang tingin ko at nagtagpo ang tingin naming dalawa ni Savannah.

"Huh?" sabay naming sabi.

"Ang ibig niyang sabihin, h'wag naman kayong ganyan, naiingit daw siya," sabi naman ni Jacob.

"Ay hindi ba dapat?" tanong ni Vannah at umalis sa likuran ko at tuluyan na nga siyang umupo katabi ni Cooper.

Nagsimula na silang magkwentuhan, kung saan-saan na umabot ang usapan, naghahampasan na nga silang magkakaibigan. Kinuha ko ang isang baso ng alak na inalok sa akin kanina.

"Huy, hindi yan tubig. Hinay-hinay lang," sabi ni Vannah na nakatingin na pala sa akin. Mabuti naman at naalala niyang nandito ako.

Hindi ko siya pinakinggan at patuloy na nilalagok ang alak na natira sa baso. Nagulat na lang ako na nasa harapan ko na siya. Nakapamewang pa, parang nanay lang.

"Mauuna na siguro kami, may board meeting pa itong CEO natin, at hindi siya pwedeng magmukhang lantang gulay bukas," sabi niya sa mga kaibigan niya habang kinukuha ang basong hawak ko. Nagmatigas naman ako.

"Ayaw mo? Sige ka, hindi ako uuwi. Uuwi ka ngayong gabi ng mag-isa," bulong niya sa akin kaya naman dali-dali akong napatayo.

"Kita mo yun pre? Under pala itong kaibigan natin eh," tukso ni Khairro, kahit kailan talaga ang mga to.

"Gusto ko lang ng third round, alis na kami," sabi ko sa kanila. Nagsitawanan naman ang mga kaibigan ko. Ang mga kaibigan naman ni Vannah ay seryosong nakatingin lang kay Cooper na ngayon ay nakatingin na kay Vannah. Si Savannah naman ay parang hindi nakuha ang biro ko, dahil kunot-noo niyang tiningnan ang mga kaibigan ko.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now