CHAPTER 17 • The New Secretary

938 39 9
                                    

Jade's Pov:

Pagkatapos naming magkasagutan ni Savannah ay agad ko siyang sinundan papasok ng building. Kanina pa ako nakasunod sa kanya. Naglalakad lang siya sa buong first floor ng building na parang may hinahanap. Sino naman hinahanap nito? Naglilibot lang siya nang naglilibot hanggang sa mapagod siya at naupo.

"Sino ba kasing hinahanap mo?" tanong ko rito. Pero hindi niya ako pinansin. Mukhang nagtatampo ata sa akin.

"Sino nga kasi ang hinahanap mo?" tanong ko ulit pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Kaua naman nilapitan ko siya at kinalabit.

"Ay baklang Axel! Ano ba? Walang gulatan!" inis niyang turan habang hawak ang dibdib. Speaking of dibdib. Kitang-kita ko na ang cleavage ng babaeng to, kaya ako napipikon.

"Kinakausap kita, hindi mo man lang ako pinansin!" inis na sabi ko.

"Ako pala ang kinakausap mo 'nun?" tanong niya. Pambihirang babaeng 'to. Buong akala niya ay hindi siya ang kinakausap ko?

"Kanina pa ako nakasunod sayo, sino ba kasi ang hinahanap mo? Kanina ka pa pinagtitinginan ng mga tao," sabi ko at tinuro ang mga tao na nakatingin sa kanya, or maybe I should say, nakatingin sa aming dalawa.

"H'wag mo kasi akong sundan, ikaw ang pinagtitinginan ng mga 'yan, hindi ako!" sabi niya.

"Sino ba kasi ang hinahanap mo? Pang-apat na tanong ko na 'yan," saad ko.

"Porket may hinahanap. Sino agad? Nagseselos ka lang yata! Huwag kang magselos-selos 'dyan. Patay ka sa girlfriend mo, mag-away pa kayo maging kasalanan ko pa," ttukso niya sa akin na ikinapula ata ng tenga ko. Tiningnan ko siya ng masama para naman maramdaman niyang hindi ako nakikipagbiruan.

"Baka nakakalimutan mong asawa kita?" inis ko ng sabi.

"Okay, chill ka lang. Huwag mong masali-sali 'yan sa usapan. Hinahanap ko lang kasi ang opisina mo, aba hindi mo kaya sinabi kung saan, anong gagawin ko dito?" dagdag niya na ikinangiti ko. Ibang klase ang babaeng 'to. Alam kong alam niyang wala sa floor na'to pero patuloy pa ring nag-iikot..

Babae ba to? Akalain mong parang siga sa kanto.

"Okay, follow me," natatawang sabi ko na ikinainis niya. Parang kagabi lang napakaamong tupa.

"H'wag mo akong ngitian, pikon pa ako sa'yo!" sabi niya sabay pasok sa elevator.

Pumasok ako sa elavator kasunod niya. Kitang kita ko ang reflection niya sa salamin na nagsisilbing haligi ng elevator. Pilit niyang binababa ang palda niya. Siguro naiiksian siya. Bigla niya namang tinabunan ang dibdib niya pero hindi 'yun kaya ng damit at kamay niya. Kaya ang ending ay pikon siyang napabuntong-hininga at tumingin ng masama sa sariling repleksyon.

"Bakit ka naman kasi nagsusuot ng damit na hindi ka naman pala comfortable?" sita ko rito.

Tumingin siya sa akin ng masama bago nagsalita.

"Wala akong choice, nanghiram lang ako kay Ellyssa, kitang-kita naman ang kaibihan ng katawan naming dalawa," sabi niya.

"Hindi ko alam kung anong klaseng katawan mayroon ang kaibigan mo, yung sayo lang ang nakita ko," tukso ko rito. Akmang sisipain niya ako nang hindi niya maitaas ang paa niya dahil naka-skirt nga siya o dahil kagabi?

"Masakit pa rin?" tanong ko.

"Hindi naman, wala namang nangyari," sabi niya. Hindi ko inakalang sasagutin niya yun na parang wala lang.

I badly want to continue last night but hindi ko kayang makitang umiiyak siya. Alam kong normal lang naman talaga sa una ang masaktan pero hindi ko naman alam na wala pang naka-una sa kanya that's why I just used my finger like that. Pero 'nung umiyak talaga siya at parang nagmamakaawang itigil ang ginagawa ko, kaya agad akong napaptigil. Kahit na hindi natuloy ay alam ko sa sarili kong nasiyahan ako dahil kahit papaano nalaman ko  na hindi pa siya nagagalaw ng kahit sino mang lalaki.

"Huy! Anong ngini-ngiti mo dyan, bukas na ang elevator oh, may nakaabang na sa labas," tawag niya sa pansin ko at tinuro ang mga tauhan kong nag-aantay atang makalabas kami ng elevator.

Tumikhim naman ako at nauna nang lumabas. They greet me and I responded them with a smile. Kapag napapatingin sila sa akin ay ang lalapad ng ngiti, kapag napunta ang tingin nila kay Savannah ay parang natatakot sila. Kaya naman napalingon ako, wala man lang kahit anonh emosyon ang mukha niya, kaya mas magmukha siyang galit.

"Ngumiti ka naman," sabi ng isa sa mga babaeng tauhan ko kay Savannah.

"I'm sorry! Pero hindi na parte ng trabaho ko yan," diretsong sabi niya na ikinayuko ng empleyado ko.

"Hayaan niyo na muna siya, masama ang gising," sabi ko sa mga empleyado ko at palihim naman akong kinurot ni Savannah. Napaka-sadista talaga.

Nagsitanguan na lang sila at nagsibalikan sa mga pwesto nila. Kaya naman nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa umabot na kami sa labas ng office kung saan may bakanteng table para sa secretary ko.

"'Yan ang table mo, kitang-kita ko lahat ng kilos mo mula sa loob kaya umayos ka," sabi ko sabay turo rin ng table ko sa loob ng office ko. Pero hindi niya ako pinansin at umupo na lang doon.

Nandito na ako sa loob ng opisina ko at tinatanaw ko lang siya sa ginagawa niyang pagreview ng mga records na hawak ng dati kong secretary. Kita ko naman siya dahil nakasalamin naman itong opisina ko. Kunot na kunot ang noo niya, marahil ay hindi siya sanay o ayaw niya lang talagang magtrabaho sa akin. Nakatitig lang akong sa kanya  hanggang sa mapadpad ang tingin ko sa mga tauhan kong nakatingin sa kanya. Lalo na iyong mga lalaki. Napabuntong-hininga naman ako at lumabas.

"Sinuswelduhan ko ba kayo para titigan ang secretary ko?" sigaw ko na ikinagulat nilang lahat.

"Ay baklang Axel," sigaw naman ni Savannah dahil sa gulat. Napahagikgik naman ang mga tauhan ko. Tiningnan ko sila ng masama at nagsibalikan naman sila sa mga gawain nila.

"Savannah!" tawag ko sa kanya.

"Feeling close!" bulong niya na rinig na rinig ko naman.

"Ano 'yun?" tanong ko.

"Ay wala po, bakit po sir?" nakangiti niyang saad.

"Simula bukas yang table mo nasa loob na ng office ko, maliwanag?" sabi ko sa kanya.

Nagtataka ako ng papalit-palit ang tingin niya sa table niya at sa loob ng office ko.

"Anong gingawa mo?" takang tanong ko.

"Anong gagawin ko? Ako lang ang magdadala dun?" tanong niya. Napanganga ako sa sinabi niya. Pambihira talaga. Hindi ko alam kung dakilang pilosopo ba siya o tanga lang.

"Ewan ko sayo," sabi ko at tinalikuran siya.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now