CHAPTER 35

699 37 6
                                    

Gun's POV:

Kanina pa ako rito sa bahay nila Ate Savannah tumambay lang ako sa sala nila buong magdamag hanggang sa narinig ko na lang na may sasakyang huminto sa harap ng bahay nila. Nakita ko pang naiiyak at nauunang maglakad si ate papasok sa bahay. Sa pagmamadali niya ay hindi niya na ako pinansin. Si kuya Jade naman na nakasunod sa kanya ay hindi man lang din ako pinansin. Hindi ko na napigilang makisali nang nagsimulang sumigaw si Kuya Jade sa labas ng kwarto. Sinubukan kong katukin si ate, sumagot naman siya pero mukhang ayaw niyang makausap si Kuya Jade.

"Kuya alis ka na muna, sa pagkakataong 'to mukhang hindi ka niya kailangan, sorry if I'm rude," sabi ni Gun sa akin.

Umalis naman si Kuya at pinagbuksan ako ni ate.

"Okay ka lang?" tanong ko agad. Nakangiti lang siyang tumango.

"Ang creepy ng smile mo 'te," natatawa kong turan.

"Ewan ko sayo, bakit ka pala nandito?" tanong niya sa akin.

"Wag na nga madaming tanong, halika nga po," sabi ko sabay hila at yakap sa kanya.

Naramdaman kong umiiyak na siya kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap niya naman ako pabalik. 'Nung naramdaman kong tumahan na siya ay dahan-dahan ko siyang binitawan.

"Ate matanong ko lang, may gusto ka na ba kay Kuya Jade?" tanong ko sa kanya.

"Siguro," natatawang sagot niya sa akin.

"Ate naman eh, maniniwala ba ako dyan o hindi?" tanong ko sa kanya. Tinitigan niya naman ako at biglang tumawa.

"Pero ate kung gusto mo nga siya, wala naman sigurong problema, besides kasal kayo," sabi niya ko at tinitigan niya ako na para bang ngayon lang ako nakapagsabi ng may sense sa buong buhay ko.

"Kasal nga, iba naman mahal niya," sabi niya.

"Mahal? May girlfriend si Kuya Jade?" gulat na tanong ko.

"Hindi ko sure if sila pa, pero oo, si Sabrina," sabi ko. Mas lalo namang lumaki ang pagnganga ko dahil sa gulat. Si Ate Sab? No way!

"Hindi mo alam? Wala ba talaga kayong alam?" tanong niya.

"Hindi, ang pagkaka-alam ko lang magkaibigan sila, kayo daw tatlo, pero dahil nga bumalik ka na sa nanay mo at naaksidente ka kaya hindi na kayo naging ganoon ka close," sabi ko at umiling lang siya.

"And diba, nagpapanggap lang sila na in relationship para pagtakpan ang ugnayan niyo ni kuya Jade?" dagdag ko.

"Teka nga, about dyan. Sino nagsuggest niyan kay Papa?" tanong niya sa akin.

"Si Ate Sab," sabi ko at napangisi na lang siya.

"Pumayag naman si Jade agad-agad?" tanong niya.

"Oo, total magkaibigan naman daw sila, " sagot ko. Alam ko ang mga 'to dahil narinig ko 'yun ng hindi sinasadya.

"Magkaibigan? No! Pumayag si Jade kasi may relasyon sila, at nagmukha pa talaga akong relationship wrecker dahil sa katangahan nila," sabi niya. Hindi pa rin ako makapaniwala, kasi kung may relasyon nga sila, bakit kailangan pang itago? Nagulat na lang ako ng makitang nakatingin si ate sa akin. Marahil halata sa mukha ko na hindi ako naniniwala.

"Ikaw bahala kung maniniwala ka o hindi, basta ako matutulog ako," sabi niya sabay talikod.

Mahimbing na ang tulog ni ate nang mapagdisisyunan kong puntahan si Kuya Jade. Balak ko sanang kumatok sa kwarto niya pero nauna niya nang buksan ang pinto. Kita naman ang dissapointment sa mukha niya nang makita ako. Nag-aasume ba siya na kakatok si ate? Impossible 'yun.

"Kuya, pwede ba kitang maka-usap?" seryosong tanong ko. Tumango naman siya.

Binuksan niya ang pinto ng kwarto nila at nagtungo siya sa may veranda.

"Nasabi sa akin ni Ate ang tungkol sa inyo ni Ate Sab," sabi ko. Tumingin naman siya sa akin.

"I'm sorry about that," sabi niya.

"Kuya, bakit naman ganon? May relasyon naman pala kayo, bakit hindi na lang kayo ang nagpakasal diba? Bakit hindi niyo na lang sinabi sa amin na may relasyon kayong dalawa, para hindi na naipit ni Dad si Ate Savannah sa sitwayon niyo," sabi ko.

"'Yun nga rin ang tinatanong ko sa sarili ko. Kung bakit ako pumayag sa kasalan na ito. But there's a rare feeling na nagpush sa akin na pumayag sa kasalan na 'yon, dati hindi ko alam kung ano, pero ngayon parang alam ko na," sabi niya pa habang nakatitig sa wedding ring nila.

"What do you mean by that? So you like Ate Savannah? How about ate Sabrina?" tanong ko na ikinatahimik niya.

"Si Ate Savannah, she looks so strong, but deep inside she's broke, kaya please naman habang maaga pa kung si Ate Sabrina pa rin, si Ate Sabrina na lang, ako na bahala magconvince kay Dad," dagdag kong saad.

Natahimik lang kami ng ilang minuto nang may tumatawag sa akin mula sa labas. Si Ate Savannah ata. Nagkatinginan naman kami ni Kuya Jade at sabay na tumayo.

"Ate bakit?" tanong ko nang makita ko siya. Nagliwanag naman ang mukha niya.

"Pwede mo ba bilhan si ate mo ng peach?" nakangiti niyang sabi. Napatingin naman ako sa malaking wall clock na nasa sala nila. It's already 11 pm, hindi naman problem ang paghahanap, pero bakit ngayon siya nanghingi?

"Vannah, hindi pwedeng umalis ang kapatid mo, baka nakakalimutan mong bata pa rin siya kahit ganyan ka higante yan," sabi ni Kuya Jade na nasa may likuran ko.

"Eh gusto ko," nagmamaktol na turan ni Ate, anong nangyayare? Is she possessed?

"Ganito na lang, samahan ko na lang siya," suggest ni Kuya. Tinitigan naman kami ni ate, at nakangiting tumango.

Weird.

Nagmamadali kami ni Kuya maghanap ng peach dahil gabi na nga. Hindi naman kami nagtagal kaya nakabalik agad sa bahay, pero pagdating namin naabutan namin si Ate Vannah na nanonood ng drama pero tumatawa siya. Andami pang pagkain sa harap niya.

"Yan kasi! Hindi porket pinakasalan ka mahal ka, iiyak-iyak ka tuloy," tatawa-tawa niyang turan habang nakaturo doon sa babaeng umiiyak na nasa TV.

Napalingon naman ako saglit kay kuya Jade. Nag-iba ang expression ng mukha niya.

"Ate," tawag ko sa pansin nito. Nagulat naman ako ng paglingon niya ay lumuluha na siya. Pero natatawa pa rin. Ang weird naman nitong babaeng 'to.

"Oh?" tanong niya.

"Ito na ang peach," sabi ko. Iaabot ko sana kaso tinanggihan niya.

"Ayoko na niyan," sabi niya sabay iling-iling na parang bata.

"Vannah, gabi na masyado, matulog na tayo?" kalmadong sabi ni Kuya Jade.

Lumingon naman si Ate sa kanya at yun na nga, bumalik naman ang pagkapoker-face niya.

"Mauna ka na, mag-liligpit lang ako," sabi nito at tumayo na.

Pataray-taray susunod din naman.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now