CHAPTER 28 • Guilty

786 37 4
                                    

Jade's Pov:

Kanina ko pa sinusundan si Savannah. Nakakainis lang kung paano niya ako tingnan kanina. 'Yung parang nakita niya lang ako pero hindi ganoon kakilala. Ngayon ay ngiting-ngiti siya habang kausap si Jeff. Matagal din bago sila naghiwalay. Natatawa pang nakatingin sa akin si Jeff bago umalis. Agad ko namang nilapitan si Savannah na kasalukuyang naiwan ngayon sa may dalampasigan. Binigay ko sa kanya ang t-shirt na dala-dala ko. Noong una ay umayaw siya hanggang sa sinout niya naman kaya nakita ko ang sugat niya. That's why I badly want to hurt myself right now. Hindi ko inakalang nakaya kong saktan si Savannah. Hindi ko man direktang nasaktan pero ganoon pa rin ang dating 'nun sa akin. Noong narinig kong sinabi ni Jeff na may sugat si Savannah 'nung gabing 'yun ay sobrang kinabahan ako pero hindi ko naman pwedeng pabayaan lang si Sabrina. She's so important to me.

Habang tinitingnan ko ang sugat niya ay parang gusto ko na lang din saktan ang sarili ko. Gusto kong hawakan ang sugat niya para siguraduhing totoo pero parang ang tanga ko naman yata kung gagawin ko 'yun. Kitang-kita ko ang dugo sa t-shirt niya 'nung gabing 'yun.

"I'm sorry," sabi ko sabay haplos ng sugat niya. Ramdam ko naman na nagulat siya dahil doon.

"I'm really sorry. Sorry if nasaktan kita," dagdag kong sabi. Tumingin naman siya sa akin at napangisi ng ilang segundo.

"Don't worry, atleast safe si Sabrina diba?" saad niya kaya natahimik ako. Inaasahan kong may pait sa tono ng boses niya pero wala. Mukhang wala lang talaga siyang pakialam.

Lumayo naman muna ako sa kanya at umupo ako sa may bintana. Pilit kong iniisip ang bagay na hindi ko na kontrolado, hindi ko na kontrolado pati rin 'tong nararamdaman ko. Tahimik lang din siya hanggang sa ilang saglit pa ay tumabi siya sa akin. Tinitigan niya ako bago nagsalita na ikinatahimik ko na lalo.

"Mahal mo talaga ang kapatid ko 'no?" tila curious niyang tanong. Mahal? Ofcourse, I love her, but I don't know now. I'm confused.

"Sa totoo lang, hindi ko alam. Hindi ko na alam," sabi ko na ikinalingon niya sa akin. Sobrang kunot ng noo niya. Para namang may nagawa akong kasalanan dahil sa tingin niyang yun.

"Kahit hindi kami magkasundo'nun. Hindi naman pwedeng saktan mo ng basta-basta 'yun," seryosong turan niya.

"Pwede ba akong mag-explain? Tingin mo pa lang mukhang ikakamatay ko na ata rito ngayon," sabi ko na ikinatawa at ikinailing niya. Mukhang first time 'yun ah. It's my first time na mapatawa siya, 'yung walang halong pagkasarkastiko at isang tawa ng taong talagang natutuwa.

"You know what, sobrang importante sa akin si Savannah," sabi ko.

"Hmm? Halata nga," sabi niya. Hindi ko alam if sarkastiko ba 'yun o hindi. Dahil mukhang wala naman iyong pinagkaiba sa kung paano talaga siya magsalita.

"Kasi dati, lahat ng mga batang kaedad ko, nilalayuan ako, ayaw akong kalaro. Dahil nga bulag ako, ano ba naman kasi ang kayang laruin ng batang bulag na tulad ko?" dagdag ko.

Tiningnan ko naman siya, gusto kong siguraduhin if nakikinig nga siya. Seryoso lang naman siyang nakatingin sa labas ng bintana. Napabuntong-hininga naman ako.

"Si Sabrina lang ang kaisa-isang bata na lumapit sa akin, naging magkaibigan kami. Naging magbestfriend, sobrang lapit na namin sa isa't isa, sabay na nagdalaga't nagbinata. May pagkakataon pa nga na nagpropose ako sa kanya, nakakatawa nga eh, ambata pa namin noong mga panahong yun," sabi ko. Natawa naman siya, pero halatang hindi masaya.

"Mas lumalim ang pagpapahalaga ko sa kanya noong panahon na nakidnap ako, gumawa siya ng paraan para maitakas ako. Naconfine ako noon, pagkagising ko, 'yun na ata ang isa sa nga pinakamasayang araw sa buhay ko na makita sa unang pagkakataon ang babaeng pinangakuan kong pakasalan, ang ganda niya pala, 'yun din ang araw na una kitang nakita sa may pintuan ng kwarto ko sa hospital na umiiyak, 'yun din ang huling araw na nakita kita," sabi ko na ikinakunot ng noo niya.

"Nagkita na tayo noon? I mean, nakita mo na ako noon?" tanong nito sa akin. Tumango naman ako.

"At umiiyak ako?" natatawang tanong niya. Taka naman akong tumango.

"Umiiyak pala ang dating ako," manghang turan niya.

"Nagulat nga ako kung bakit nandoon ka at umiiyak pa, baka crush mo ako?" pabiro kong turan na ikinatahimik niya. Pumikit naman siya at umiling bago natawa.

"Mabuti na lang at hindi mo ako nilapitan at tinanong?" natatawa niyang turan.

Gusto ko naman talaga siyang lapitan ng panahong 'yun. Ang kaso lang ay hindi ako pwedeng gumalaw nang gumalaw. Nagulat ako ng makita siyang lumuluhang nakatingin sa amin. Nais kong tanungin siya 'nung panahon na 'yun kung ano ang problema niya at kung bakit siya umiiyak. Pero bigla rin naman siyang tumakbo ng makitang nakatingin ako sa kanya. Halos hindi ko na nga siya matandaan, kung hindi ko lang talaga siya nakita ulit.

"Talaga? Wala akong matandaan, and sa sitwasyon ko ngayon, impossibleng may matandaan ako," makahulugan niyang sabi.

"Ahm, to be honest, nasabi sa akin ni Cooper na may amnesia ka, so possible nga na hindi mo 'yun naaalala," sabi ko.

"Alam ko, gising ako 'nun," natatawa niyang turan.

"Alam ko rin na gising ka," sabi ko kahit hindi ko naman talaga alam. Mukhang nahiya naman siya.

"Ahm, Axel. Kung maghiwalay na lang kaya tayo? Mukhang mahirap naman kayong paghiwalayin dalawa. Nagmukha pa akong anay sa relasyon 'nyong dalawa," sabi niya. Agad naman akong napailing dahil ayokong mangyari 'yun. Hinawakan ko ang kamay niya nagpupumilit siyang hilahin 'yun pero nagmatigas ako.

"Wala na kami ni Sabrina, at never akong nagregret na pinakasalan kita," wala sa sarili kong saad habang nakatingin sa mga mata niya.

"Nakuha mo pang magpatawa sa lagay na 'to ah? Posible nga na wala na kayo ni Sabrina, but you love her, and yeah, kasalanan ko ata kung bakit walang kayo ngayon," sabi niya sabay tingin sa akin. Tumayo naman siya at tinalikuran ako. Gusto ko siyang habulin pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Hindi ko alam, pero nasasaktan ako.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now