CHAPTER 38

636 25 1
                                    

Savannah's Pov:

Nagising ako sa dahil sa ingay ng bunga-nga ni Ellyssa. Kahit nakapikit ako alam ko talagang bunganga niya ang pumuputak ngayon.

"Aba napipikon pa rin ako hanggang ngayon," rinig kong sabi ni Ellyssa.

"Kagabi pa 'yun. Sabi ko naman sayo itulog mo na lang 'yan eh, makakalimutan mo rin. Kaso buong magdamag kang dilat at ang bibigat nang paghinga mo, kulang na lang tumawag ako ng nurse para i-check ang blood pressure mo," sabi rin naman ng isang lalaki. Si Jeff siguro 'to.

"Huy, Mr. Kung sino ka man, wag mo akong kausapin hindi tayo close," mataray na sagot nito.

"Huy, ikaw, kagabi ka pa tulala, ano ba kasing sinabi ng doctor?" tanong ni Ellyssa sa kung sino man.

"Marahil sinabi ng doctor na buntis si Savannah," tumatawang turan ni Jeff.

"Ano!" sigaw niya.

"Gulat na gulat ah, malamang may asawa yang babaeng 'yan, impossible namang hindi mabubuntis 'yan," saad ni Jeff.

"Paano mo nalaman? Nawala ka dito kagabi," tanong ni Cooper. Nandito pala siya.

"Nahalata ko lang ang kilos niya kahapon, bago pa siya madala rito sa hospital," sabi naman ni Jeff.

Dinilat ko na ang mata ko pero hindi pa ako kumilos. Patuloy pa rin sila sa pag-uusap habang ako ay nakatingin lang sa puting kisame.

"Sobrang ingay niyo na, impossible na hindi pa gising ang isang to," saad ni Angel. Naramdaman ko naman ang paglapit niya.

Sinalubong ko ang mga tingin niya. Kaya naman napalingon siya sa iba at sinabing gising na ako.

"Gising na nga," sabi niya sa mga ito.

"Hindi nga?" rinig ko ang takbuhan nila sa may bed ko.

Private room ba 'to? Hindi naman na kailangan. Feeling ko tuloy cancer patient ako.

"Good morning rooster," sarkastikong bati ko kay Ellyssa.

"Rooster?" takang tanong nito. Pero yung iba magsisitawanan na.

May pagka-loading talaga ang isang 'to.

"Kailangan ko ba talagang i-explain? Nagets nga nila oh," sabi ko sabay nguso sa iba.

"Ano nga?" tanong niya.

"Sa ingay ba naman ng bunganga mo, dinaig mo pa ang alagang manok ng lolo ko, napaka-aga ang ingay-ingay," sabi ko. Inis niya naman akong tiningnan.

Nagtagpo ang tingin namin ni Cooper. Nahihiya ako sa mga kaibigan ko. Naramdaman ata nila ang pagka-ilang ko kaya nagsitahimikan sila.

"Alam mo na ba?" diretsong tanong ni Cooper sa akin.

Tumango lang ako na ikinapikit niya.

"Akala ko ba bes, ayaw mo?" tanong naman ni Ellyssa. Pero kitang-kita ko sa mukha niya ang pangtutukso.

"Anong plano mo ngayon? Sasabihin mo ba kay Jade o sa mga kapatid mo?" tanong ni Jeff sa akin.

"Hindi pa, wala pa akong plano, pero wala rin akong balak na sabihin sa kanila ngayon," sabi ko.

"Alam mo bang nandito na si Sabrina?" tanong ni Angela sa akin.

"Oo, alam kong nakabalik na siya. Alam ko ring sinusundan niya ako lagi. Siya rin yung sumusunod sa amin ni Jeff," sabi ko habang nakatingin sa pintuan na ngayon ay pabukas na.

"Pumasok ka, kung sino ka man," sabi ko rito.

Niluwa naman nito si Gun na may napaka-awkward na ngiti sa labi.

"Mag-eexplain na ako, tinawagan ni kuya Jeff si kuya kagabi kaso ayaw ni kuya sagutin kaya ako ang nakasagot, at sinabi niyang nandito ka, sasabihin ko sana kay kuya kaso ayaw niya raw marinig ang mga sasabihin ni kuya Jeff, so hindi pa alam nila dad at kuya, pero buntis ka nga ate?" mahabang lintaya niya.

"Lakasan mo pa, ipaalam mo sa lahat ng taong nandyan sa labas," pikon kong sabi.

"Ay, okay," sabi niya at lalabas sana pero binato ko ng mansanas. Nakakapikon minsan ang pagkamasunurin niya.

"Aray naman, napaka-bad mo talaga sa akin," sabi niya sabay sapo ang ulo niyang tinamaan ng mansanas.

"Pumasok ka nga," inis na sabi ko.

Nakayuko naman siyang pumunta sa gawi ni Cooper. Nagtago pa talaga siya sa likod nito.

"Hayaan mo na ang ate mo, ganyan talaga pagbuntis," sabi ni Cooper dito.

"Talaga ba? So matagal ng buntis si ate?" takang tanong naman nito.

Anong pinagsasabi nito?

"Bakit naman? I mean, paano mo naman nasabi 'yun?" tanong ni Ellyssa dito.

"Ganyan na si ate sa akin dati pa," sabi niya habang nagbibilang sa mga daliri niya.

"So 8 years na siyang pregnant?" dagdag na tanong nito.

Kapatid ko ba talaga 'to? Mukhang hindi. Hindi talaga.

Napuno naman ng tawanan ang buong kwarto dahil sa sinabi niya. Tuwang-tuwa naman talaga sila. Napipikon na ako.

"Oo nga naman Cooper, matagal ng ganyan si Savannah, sure ka na dahil lang sa pagbubuntis niya yan?" natatawang turan ni Ellyssa.

Kahit kailan talaga ang babaeng 'to. Hindi mapreno ang bibig. Kung anong gusto niyang sabihin dapat masabi niya talaga.

"Ate, kuya! Tama na po," halata ang kaba sa boses ni Gun habang pinipigilan ang pagtawa ng apat.

Sabay naman silang napatingin sa akin at tila namatay na machine ang biglaang pagtigil ng mga tawa nila.

"Nakakatuwa?" seryosong tanong ko na ikinayuko nila.

Ako naman ngayon ang natawa.

"Kailan pala ako makakauwi?" tanong ko kay Cooper.

"Pwede naman na talaga ngayon, dahil gising ka na," sabi nito.

"Ikaw Gun, h'wag mo 'tong sabihin kahit kanino, nakuha mo?" sabi ko rito.

"Kahit kina kuya, kay dad, kay tita, kay kuya Jade?" tanong nito.

"Yes bawal kay kuya, lalong-lalo na kay dad at sa mama mo, kay Sabrina, bawal rin kay mom, at kay Jade. Para mas gets mo, bawal mong banggitin kahit kanino, kahit sa akin, okay na? Kuha mo na?" sabi ko na ikinatango niya. Ganyan dapat, masunurin.

"Gun, pwede bang iwan niyo na muna kami? Bili mo ng makakakain si ate mo," sabi ni Cooper dito.

Nakangiting namang tumango si Gun at lumabas ng kwarto.

"So 'yun na nga, wala kang balak sabihin sa kanila na buntis ka, bakit?" tanong ni Cooper.

"Plano kong lumayo, ramdam ko rin naman na makikipaghiwalay na sa akin si Jade," sabi ko.

"Paano kung hindi? Hindi mo matatago ang paglaki ng tiyan mo," si Jeff naman ngayon ang nagsalita. Belong na ba siya sa group?

"Ako na ang bahala," makahulugan kong sabi sa kanila.

Nagsitinginan naman sila sa isa't isa. They sighed.

"Ikaw bahala!" sabay pa nilang sabi.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now