CHAPTER 26 • Vacation

823 38 7
                                    

Lawrence Pov:

Kasalukuyan na akong nagmamaneho papunta sa resort ng kaibigan ko. Inaasahan kong mag-eenjoy ang mga kapatid ko doon. Gusto kung ayain lahat ang kaso ay mah ibanv lakad si Sabrina. Kaha kami na lang tatlo kasama ang nanay ni Savannah, si Aunt Cindy.

"Saan tayo pupunta?" paulit-ulit na tanong ni Savannah sa akin. Hindi ko naman sinasagot ang tanong niya. Kaya mukhang nainis na at pinikit na lang ang mga mata.

"Kahit kailan talaga, napakasungit!" bulong naman ni Gun na ikinangisi ko.

"Kunwari hindi ko narinig 'yun Baril," nakapikit na turan ni Savannah.

"Tama na 'yan, baka sa kung saan pa mapunta iyan," sita naman sa kanila ni Aunt Cindy.

Pagkadating na pagkadating namin ay sobrang kunot ng mukha ni Savannah. Mukhang hindi na natutuwa ang isang 'to. Akala ko naman masisiyahan.

"Anak, hindi mo ba nagustuhan?" tanong ni Aunt Cindy kay Savannah.

"Hindj naman po sa ganun ma," sagot niya sa mama niya at biglang tumingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya ngayon.

"Bakit dito?" tanong niya.

"Kasi, inaya ako ng kaibigan ko," rason ko.

"Inaya ka pala? Inaya ba ako? Kami?" tanong niya habang nakaturo kay Gun and sa mama niya.

"Sinabuhan ko siyang isasama kayo," diretso kong sagot.

"Okay, nandito na tayo eh," sabi niya at nakapamewang pang nakatingin sa malayo. Tiningnan ko naman 'yun at pamilyar sa akin ang mga taong 'yun.

"Kuya Lawrence, pwede bang nagpahinga muna?" biglang tanong niaya kaya napatingin ako muli sa kanya. Ngumiti na lang ako at tumango.

Hinatid ko siya sa room niya at walang imik lang siyang naupo sa kama hanggang sa mukhang nakatulog nga kaya iniwan na muna namin siya at inihatid na rin si Aunt Cindy sa ibang kwarto. Dahil alam kong ayaw 'nung isa na may kasama kahit nanay niya pa.

"Napakaweird ni ate today," sabi sa akin ni Gun ng kami na lang dalawa naiwan.

"Kailan ba hindi naging weird 'yun?" sabi ko na ikinatawa niya.

"Sabagay," sabi niya.

"Pero mamaya pilitin mo 'yung lumabas, sayang naman ang pagpunta natin dito kung mas gugustuhin niya pang kaharap ang dingding ng kwartong 'yun," sabi ko.

"Seryoso?" kinakabahan niyang turan.

"Yeah, matutulog din ako," saad ko at nakabusangot naman siyang napatango.

Nagising ako dahil sa pagyugyug sa akin ni Gun sabay sabing kahit anong pilit niya kay Savannah pero ayaw lumabas. Pati si Aunt Cindy hindi niya kinakausap. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin. Dahil kapag ayaw niya, ayaw niya talaga. Tumambay na lang muna ako sa may dalampasigan at habang tinatanaw ko lang ang dagat nang may makita akong pamilyar na tao na tumatakbo sa gawi ko. Nandito nga siya, kaya pala pamilyar 'yung kanina.

"Kuya," sigaw ni Sabrina. Kumaway naman ako.

"What are you doing here?" tanong ko nang makalapit siya sa akin.

Hindi pa niya nasasagot pero mukhang alam ko na ang sagot. Nakita kong naglalakad si Jade kasunod niya. Mukhang ito 'yung rason kung bakit ayaw lumabas ni Savannah.

"Hey bro, nandito ka rin pala," nakangiting bati sa akin ni Jade. Tinanguan ko lang siya.

"By the way kuya, ikaw bakit ka nandito? Don't tell me may girlfriend ka na, tapos dito kayo nagdate? Nasaan siya?" sabi ni Sabrina at palinga-linga pa.

"Hindi, kasama ko sina~" sabi ko na itinuloy ni Jade habang nakatingin sa isang direksyon.

"Savannah," sabi niya. Kaya naman nilingon ko ang direksyon na tinitingnan niya.

Savannah's wearing a two piece, but there's a guy following him. Pilit yatang binibigyan ng t-shirt. Mukhang nairita naman si Savannah pero wala siyang nagawa at huminto. Kinuha niya ang t-shirt at sinuot to. Lumapit naman ako sa gawi nila.

"Yan, bakit ka naman kasi lumabas nang nakatwo piece? Nakalimutan mo naman atang may suga~" sabi ni Jeff ata to, nakita ko na siya dati. Naputol ang sasabihin niya nang takpan ni Savannah ang bibig niya.

"Wow sis ha, akala ko ba si Cooper ang boyfriend mo? Mukhang si Frias na naman ang schedule mo ngayon ah," sabat ni Sabrina. Katabi niya ngayon si Jade na hindi ko mahulaan ang expression sa mukha.

"Sabrina," sita ko rito. Yumuko naman siya at nanahimik.

"Mabuti at lumabas ka," sabi ko kay Savannah.

"Mapilit ang isang 'to eh," turo niya kay Frias, Jeff Frias.

"Paano ka niya napilit? Nasa room mo siya?" natatawa kong tanong.

Sinamaan niya naman ako ng tingin. Sabi ko nga wala siya sa room ni Savannah.

"Nagkataon lang talagang pagsilip ko sa bintana, dumaan din siya at nakita ako," paliwanag niya. Tumango na lang ako.

"Ahm, kuya. By the way, nasaan sina Gun?" tanong ni Savannah sa akin.

Tinuro ko naman ang gawi nila Gun kasama si Aunt Cindy. Tumango naman siya at naglakad papunta dun. Pero huminto siya at nilingon ang dalawa.

"Nandito pala kayo, Sabrina, Sir Tolentino," nakangisi niyang turan sa dalawa.

"Yeah," maikling sagot ni Jade.
"Sinadya mo 'to ano?" tanong ni Sabrina kay Savannah.

Mukhang magsisimula na naman sila. Napatingin naman sa akin si Savannah at mukhang sinasabing ako ang mag-explain.

"Ahm, ako ang nag-invite sa kanya Sabrina, nagkataon lang talagang nandito pala kayo, nagulat nga akong makita kayo," sabi ko. Pero mukhang hindi ako pinansin dahil nagkakasukatan pa rin sila ng mga tingin.

"To be honest, hindi na ako nagulat, may idea naman akong nandito si Jade, pero hindi ko lang alam na kasama ka pala," huling sabi ni Savannah bago kami tinalikuran. Tinitigan ko naman ang likod niya, kung hahanginin ang buhok niya ngayon, malamang makikita ang sugat niya.

"Hey, Savannah. Antay naman," sigaw ni Jeff matapos niya akong titigan. Oo, napansin kong tinititigan niya ako.

Huminto naman si Savannah at nilingon siya. Ngumiti naman si Savannah na alam kong ikakapikon nitong dalawang kasama ko.

"Dali na kasi, kailangan mo pang sagutin lahat ng tanong ko, 'yung seryoso ha, walang halong kasinungalingan," ngiting-ngiti na sabi ni Savannah kay Jeff.

"Whore!" biglang sabi ni Sabrina.

"Sabrina, watch your mouth," sita ko dito.

"Whatever, lika na Jade," sabi niya sabay aya kay Jade na wala na sa tabi niya. Nasaan naman 'yun?

"Nagseselos na naman ba siya?" bulong niya na narinig ko.

"Sabrina, pwede bang tumigil ka na? Alam mong masasaktan ka lang sa pinag-gagawa mo, alam mo kung sino ang totoong mahal ni Jade, alam mo rin ang kaibahan nang mahalaga sa mahal Sabrina, please don't hurt yourself," sabi ko. Napayuko naman siya.

"Kuya, matagal na kami ni Jade, impossible naman na hindi niya ako minahal sa mga panahong lumipas, atsaka sinasabi mo lang naman yan, kasi mas mahal mo yung bastardang yun, kesa sa akin," sabi niya at tinalikuran ako.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now