CHAPTER 29 • Mutual Feelings

752 35 1
                                    

Savannah's Pov:

Lumabas na ako sa kwartong yun, pero naabutan ko si Sabrina na nakaupo sa labas. Nang makalapit na ako sa kaniya ay agad niya naman akong sinampal. Ano na naman ba ang problema ng isang 'to?

"Malandi ka talaga," sigaw niya sa akin. Napatingin naman ako sa paligid. Ako ba ang tinatawag niyang malandi, o baka naman ang sarili niya?

"Ano bang pinagsasabi mo? Alam mo kung sino sa ating dalawa ang malandi Sabrina," walang ganang sabi ko habang hawak ang pisngi ko.

Sasampalin niya na naman sana ako nang maunahan ko siyang sampalin. Napakaganda ng timing ni Jade, pagkasampal ko kay Sabrina, 'yun din ang paglabas niya. So ano? Ako na naman ang magiging masama ngayon?

"Savannah," tawag niya sa akin. Buong tapang ko naman siyang tiningnan. So ano? Kasalanan ko na naman?

"Jade," tawag ni Sabrina sa kanya. Naging malambot na naman ang boses para magmukhang siya ang kinakawawa. Napakaarte talaga ng isang 'to. Pinulupot niya pa ang kamay niya sa braso ni Jade, pero itong si Jade nakatingin lang naman sa akin.

"Sab, mauna ka na muna sa loob. Kakausapin ko muna si Savannah," saad na Jade nanhindi man lang inalis ang tingin sa akin.

"But," reklamo ni Sabrina.

"Please," sabi ni Jade. Wala namang nagawa si Sabrina at pumasok ito. Tinapunan pa ako ng masamang tingin bago tuluyang pumasok. Ang arte talaga!

"You okay?" sabi niya sabay hawak sa pisngi ko. Nagulat naman ako.

"I'm fine," sabi ko sabay lihis ng tingin. Naiilang ako sa paraan nang pagtingin niya sa akin.

"You're supposed to be with Sabrina, pumasok ka na," nakangiting sabi ko at tinalikuran siya.

"Pero 'yun ba talaga ang gusto mo?" tanong niya na ikinahinto ko.

"What do you mean?" tanong ko rito na hindi siya nililingon.

Pumunta siya sa harap ko at hinawakan ang mga kamay ko. Nandyan na naman yung mga tingin niyang nakakailang, pero pilit kong nilalabanan ang mga titig na 'yon. Ayaw kong mapansin niyang naapektuhan ako.

"Savannah, please help me. Tulungan mo akong maklaro itong nararamdaman ko, nalilito ako Savannah," seryoso niyang sabi.

"Mas nalilito na ako sayo Jade, nalilito ka saan?" inis na tanong ko. Dahil kahit saang angulo ko tingnan, parang alam ko na saan patungo itong usapang 'to.

"Tell me first, anong nararamdaman mo kapag kasama ko si Sabrina?" tanong niya. Hindi ko alam pero natawa ako.

"Ano bang dapat maramdaman ko?" tanong ko.

"Nararamdaman kong hindi ka natutuwa Savannah, gaya ng nararamdaman ko kapag kasama mo yung Cooper at Jeff na yun," sabi niya na parang may naaalala at mukhang naiinis na.

"So anong ibig sabihin 'nun?" tanong ko ulit. Pero hindi siya sumagot.

"So nagseselos ka?" tanong ko sa kanya. Nung una ay natigilan siya at mukhang walang maisagot. Pero bigla na lang siyang ngumisi.

"So nagseselos ka rin?" saba niya habang may sobrang laking ngiti. Nangangapa naman ako nang maiisagot. Natawa naman siya at hinawakan ako sa mukha.

"Namumula ka, asawa ko. Tama nga ako, may epekto na ako sayo," bulong niya sa akin. Lumayo naman ako at dinuro siya.

"Huy! Assuming, kahit kay Cooper namumula rin naman ako," sabi ko na ikinabusangot niya.

"Bakit naman siya napasok sa usapan?" inis na tanong niya.

"Ang arte, bumalik ka na sa loob. Inaantay ka ng kapatid ko," sabi ko at tinulak-tulak pa siya.

"Mamaya na, hahatid muna kita. Hindi naman pwedeng hayaan kitang maglakad mag-isa nang nakaganyan lang, mukhang t-shirt ko nga lang suot mo," natatawa niyang saad.

"Huwag na!" matigas na saad ko, pero ngiting -ngiti siyang nakasunod pa rin siya sa akin ngayon.

"Total sunod ka naman nang sunod sa akin, sumama ka na lang sa akin, kakain ako," aya ko kay Jade na ngayon at nanlaki pa ang mata. May sinabi ba akong mali?

"Anyare sayo?" tanong ko.

"Hindi ako gutom, pero may gusto akong kainin," sabi niya sabay kindat. Ayoko na talaga. Kanina ang drama nito. Ngayon iba na naman ang takbo ng utak.

"Ewan ko sayo," sabi ko na lang at naunang maglakad sa kanya.

"Ito naman, hindi na mabiro. Sige na kumain na tayo," sabi niya sabay lapit sa akin at umakbay pa.

"Bitawan mo ako, hindi na ako natutuwa sayo," inis na sabi ko. Bumitaw naman siya. Dapat lang.

Pumunta kami sa isang dining, naabutan pa namin sila Mama at ang mga kapatid ko.

"Ma, good evening po," bati ni Jade kay mama na ikinagulat ko.

"Good evening naman iho, nandito ka rin pala?" tanong ni mama rito.

"May bussiness project lang po ako rito, pero hindi ko naman alam na nandito rin pala kayo," sabi niya na ngiting-ngiti. Tatango-tango na lang ako, ayoko makisali sa usapan nila eh.

"Kumain na rin kayo, patapos na kami," biglang sabi ni Lawrence na masama ang tingin kay Jade.

Lumapit naman si Gun sa akin at hinila-hila ako, nagmatigas naman ako kaya sumuko siya. Sobrang clingy talaga ng batang ito sa akin. Kung si Sabrina kaya ang ganituhin niya masisiyahan pa ako. Speaking of Sabrina, napano na kaya yun 'don?

"Huy, balikan mo na yung kapatid ko," bulong ko kay Jade.

"Pinagtutulakan mo talaga ako sa kanya 'no?" bulong niya rin pabalik. Matagal ka nang sa kanya Jade.

"Ate, Kuya. Kumain na po kasi kayo, bakit kailangan niyo pang ipamukha kay Kuya Lawrence na single siya?" biglang biro ni Gun na ikinasama ng tingin ni Kuya Lawrence sa kanya.

"Manahimik ka, ako na naman pinupuntirya mo Gun," inis na sabi ni kuya na ikinatawa namin.

"'Wag kang tumawa, it turns me on," bulong ni Jade. Napaka-manyak talaga kaya naman siniko ko siya.

"Aray, napakasadista talaga, sadistang tomboy," daing niyang dinig na dinig ko.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya, hinila ko siya at dinala sa isa pang table katabi ng table nila mama. Mukhang pinagtitinginan na kasi kami. Nakaupo na ako pero hindi ako comfortable, alam ko kasing hindi pa ako nakakapagbihis simula kaninang umaga. Alam ko namang hindi lang ako ang nakatwo piece dito, pero napaka-uncomfortable na kahit pa may sout akong malaking shirt.

"What's bothering you?" tanong ni Jade sa akin.

"Hindi na ako comfortable sa sout ko, take out na lang kaya natin, doon ko na lang kakainin sa room ko," sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at tumawag ng waiter.

Tumayo na lang din ako at lumapit sa table nila Mama.

"Ma, kuya! Sa room ko na lang kami kakain," sabi ko.

Nagsitayuan naman sila.

"Tapos na rin naman kami, sasabay na lang kami sa inyo," sabi ni mama.

"Hindi na kayo maglilibot?" tanong ko sa kanila.

"Basta ako gagala pa, gusto ko lang maligo," sabi naman ni Gun.

Sabay naman naming siyang tiningnan ni Kuya .

"Anong gagala? Matulog ka ng maaga para tumangkad ka," sabay naming turan ni Kuya Lawrence na ikinatawa naman ni Mama.

"Pumunta nga sa resort para mag-enjoy, kala mo naman nasa bahay pa rin kami," bulong ni Gun at nauna ng maglakad. Minsan talaga, yung mga bulong di ko sure na bulong ba talaga,  kasi naririnig na namin.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now