CHAPTER 52

475 9 1
                                    

Savannah's Pov:

"Te sure ka na talaga? Aalis na tayo? Hindi man lang ba tayo magpapaalam kay Sir?", tanong ni Joy sa akin habang tinutulungan akong mag-impake.

"Wala akong choice, alam kong kukunin niya sa akin ng anak ko kapag hindi ako papayag na bumalik sa kanya," saad ko.

Huli naming pagkikita ay 'yung nagkasagutan kami sa hospital, pinipilit niyang bumalik ako sa kanya at buohin ulit ang pamilya namin. Hindi naman kasi madali, hindi naman pwedeng ganun-ganun lang. Sabihin na nating buo nga kami pero baka masaktan lang ang mga anak namin kung mapansin nilang magkasama nga kami hindi naman maayos ang pakikitungo namin sa isa't isa. Mas mabuti ng mamulat ang mga anak ko a sitwasyon namin.

"Sure ka na talaga ate?" tanong niya ulit.

" Oo nga, pero kung ayaw mong sumama, hindi kita mapipilit, lalo na at nandito ang pamilya mo," sabi ko sa kanya.

" Nandito rin naman ang pamilya mo Everleigh," rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Dahan-dahan akong napalingon sa taong may-ari ng boses na 'yun. Nakita ko ang nanay ko na katabi ni Jade. Mukhang seryoso nga si Jade sa sinabi niyang hindi niya ako hahayaang umalis ng ganun-ganun lang.

"Ma," bulong ko. Nilingon ko muna si Joy.

" Puntahan mo muna si Ashton," sabi ko rito. Umalis naman siya at lumabas ng kwarto ko.

"Anak," sabi ng nanay ko at tuluyang lumapit sa'kin at niyakap ako.

Napaupo ako sa kama at nakayuko lang na tinitingnan ang paa ng nanay ko. Nahihiya akong salubungin ang mga tingin niya. Ilang saglit pa ay nagulat na lang ako na marami ng paa ang nasa harapan ko ngayon, kaya napa-angat ang ulo ko. Nakita ko sina Dad, si Kuya at Gun. Pati na rin si Sabrina na ngayon ay nakadikit na kay Jade.

"Bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila.

"Alam mo 'yung term na reunion?" sagot naman ni Sabrina. Hindi ko siya pinansin at tiningnan lang si Dad.

"Anong ginagawa niyo rito? Kukunin niyo ba ang anak ko sa'kin?" saad ko na ikinagulat nila.

"Anong anak ng pinagsasabi mo, nak? May anak ka na?" tanong ng nanay ko.

" Yes, may anak siya, pero patay na diba?" walang emosyong turan ni Gun. Nagbago na ang kapatid ko. Hindi na nga siya bata.

"Excuse me!" sabi ni Jade at lumabas ng kwarto. Tatayo sana ako pero hinarangan nila ko. Ano bang problema nila? Baka kung anong gawin ni Jade sa anak ko. Ilang saglit pa ay naririnig na namin ang boses ni Ashton.

"Really dad? Pupunta kami sa house mo? Kaming dalawa ni Mommy?" saad ni Ashton at halata ang saya sa boses.

"Yes, but there are some people that I want you to meet," sabi niya sabay pasok sa kwarto.

Naging tahimik ang buong kwarto dahil sa gulat. Nakatitig lang sila sa anak ko na kanina ay na sobrang lawak ng ngiti na ngayon ay unti-unting nawala dahil sa reaksyon ng kaharap niya. Nakita kong mukhang naiiyak na siya sa paraan ng pag titig nila. Lalapit sana ako pero naunahan ako ni Gun.

"Hey there little buddy, laro tayo sa baba," sabi ni Gun at kinuha ang anak ko kay Jade at bumaba ng hagdan.

"Savannah, pwede ka na bang mag-explain? Ano 'yun bakit buhay ang bata? " takang tanong ni Dad.

Nanatili akong tahimik kaya nagsili-iling na lang sila. Bumaba na rin sina Sabrina, kuya at Jade. Naiwan na lang kasama ko si dad and mama.

"Everleigh, hindi ko papayag na maka-alis ka ng hindi man lang nagpapaliwanag, at mas lalo kong sisuguraduhin na hindi ka na talaga makakalabas ng bansa," matigas na sabi sa akin ng tatay ko. Hanggang ngayon ba naman kontrolado at hawak pa rin niya ko a leeg?

Bumaba siya at naiwan na lang kami ni Mama.

"Anak, ano ba talaga ang nangyari?" tanong niya sa akin.

Wala akong nagawa kundi magkwento. Ayoko naman na mas lalong magtampo sa akin ang nanay ko.

Nakahiga lang ako sa hospital bed 'nang pumasok si Cooper na may masamang timpla sa mukha. Kinakabahan ako dahil 'dun. Naramdaman ko lang na parang gumuho ang buong pagkatao ko ng sabihin niya sa akin na wala na ang kambal. Hindi ko magawang maniwala dahil pakiramdam ko kasama ko pa rin sila at nasa loob lang sila ng sinapupunan ko. Gulat na gulat ako pati ang pamilya ko dahil sa nangyari. Narinig kong nagkakasakitan si Cooper and Jade sa labas pero hindi ko magawang makialam, dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nakita ko pa ulit si Jade. Galit ako, nanunuot ang galit ko. Nabalitaan ko na naconfine si Jade dahil sa matinding pagbugbog sa kanya ni Cooper. Nang gabi ring 'yun ay pinuntahan ako ulit ni Cooper.

"Savannah, I'm sorry!" sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Nginitian ko lang siya ng tipid dahil wala na akong ibang maramdaman.

"Ànd also, I'm sorry!" sabi niya sabay hawak ng 'tyan ko.

Takang-taka akong tiningnan siya at tinabig ang kamay niyang nasa 'tyan ko.

"Sino pa bang kinakausap mo 'dyan, wala na ang mga anak ko," sabi ko sa kanya pero umiling lang siya.

"No, Savannah buhay sila," sabi niya sa akin na mas lalong ikinagulo ng utak ko.

"Ano bang pinagsasabi mo?" galit kong tanong.

Sinabi niyang hindi pa patay ang mga anak ko. Sinabi niya lang 'yun para iligtas ako sa pagkakalunod sa relasyon na mayroon kami ni Jade. Dahil sa paliwanag niya ay mukhang natauhan ako at nasabi ko na lang sa sarili ko na mukhang tama ang ginawa niya. Para na rin lubanayan ako ng tuluyan ni Jade. Siya rin ang nagdesisyon na lumabas kami ng bansa para mas lalong malayo ang mga anak ko sa kanya, at maipanganak ko sila ng walang makaka-alam.

Pagkatapos kong magkwento sa nanay ko, kasama na rin 'yung kwento ko kung anong nangyari at narinig ko bago ako nabangga ng sasakyan ng araw na 'yun. Naluluha naman si mama at niyakap ako.

"I'm sorry dahil wala ako sa tabi mo 'nung mga panahon na 'yun," sabi ni Mama. Niyakap ko naman siya pabalik.

"Ma, okay lang naman ako, hindi kami pinabayaan ng Cooper, " sabi ko at bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin.

"Itong si Cooper ay nobyo mo na ba?" tanong niya sa akin.

" Hindi po, alam ni Cooper na hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Malaki nga ang pasasalamat ko na kahit tinanggihan ko siya ay hindi niya kami iniwan ng mga anak ko," saad ko.

" Mga anak?" gulat na tanong ni Mama.

Ceo's Hidden WifeOnde histórias criam vida. Descubra agora