CHAPTER 53

480 9 1
                                    

Cooper's Pov:

"Tito, ilang oras po tayong babyahe papuntang kaila mommy at Ashton?" tanong sa kin ni Ashley habang naglalakad kami papasok sa eroplanong sasakyan namin papuntang Pilipinas.

"Bakit mo natanong? Excited ka na rin bang makita ang Dad mo?" nakangiting tanong ko na naging dahilan para nagsalubong ang kilay niya at kumikibot-kibot pa ang bibig. Parang may gustong sabihin pero hindi niya masabi. Kaya naman inulit ko ang tanong ko.

"Ashely, are you excited to meet your Dad?" tanong ko. Umiling naman siya.

" Pupunta po ako 'dun to visit my brother and my mom, not to meet that guy," seryoso niyang turan. Seryosong-seryoso siya at ako naman ay nagdalawang isip pa, kung magtatanong pa ba ko o hindi na.

"I thought you want to meet your dad?" tanong ko pa ulit.

" Psh," saad niya na mukhang nainis na, napaka-maldita talaga ng batang 'to kaya  mas pinili ko na lang ang hindi umimik.

Nasa loob na kami ng eroplano at hindi ko maitatanggi na masaya ako pero lamang pa rin ang lungkot, dahil alam kong sa mga sandaling 'to ay magkasama sila ni Jade. Alam kong may kasalanan ako kay Jade. Hindi pa ko nakahingi ng despensa sa kanya ng masaktan ko siya, at talagang umalis pa ko ng bansa dala ang mag-iina niya. Madaming pumapasok sa isip ko ngayon. Pero naputol lang iyon nang kalabitin ako ni Ashley at tinuro ang flight stewardess na may kung ano-ano g sinasabi.

Nang lumapag na ang eroplanong sinasakyan namin ay halata ang excitement sa mata ni Ashley. Ayaw niya pa talagang aminin na gusto niyang makita ang tatay niya. Dumiretso muna ako sa bahay ng pamilya ko, dahil baka magalit pa sa'kin si Savannah, kung dadalhin ko na lang bigla ang anak niya 'dun sa kanila. Baka magkataon pang nandun si Jade at mas lalong gugulo ang sitwasyon. Lalo na't hindi kami nagsabi sa kanya na susunod kami sa kanila. Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ay agad na nagsitinginan ang mga nandun. Mukhang hindi ata inaasahan ang pagdating ko. Sino ba naman ang mag-aakala a bigla na lang kong susulpot 'dun? Ilang taon din akong hindi nakapagparamdam sa pamilya ko. Nawalan ko ng koneksyon sa kanila, simula 'nung lumayo kami.

"My son," naluluhang saad ni Mommy habang lumalapit sa akin at niyakap ako. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya at mukhang ayaw niya akong bitawan.

Naramdaman ko ang paghila ni Ashely sa laylayan ng damit ko kaya naman napunta ang atensyon ng lahat sa kanya. Nagsilapitan naman sila dad and ang kapatid ko.

"Hello po?" patanong niyang bati sa mga nakatingin sa kanya. Salubong ang mga kilay niya habang pinagmamasdan sila isa-isa.

"Hello young one,"  bati ni Dad at binuhat pa si Ashley. Nagulat pa si Ashley at tumingin akin, halata sa mga tingin niya na humihingi siya ng tulong sa akin. Nginitian ko lang siya para malaman niyang safe siya, kumalma naman siya at kumapit na lang may Dad.

"Anak mo?" tanong ni Dad sa akin.

"I'm not, po! But papa rin po ang turing ko sa kanya, po!" sabi niya na muntikan pang malimutan ang 'po'. Napangiti na lang si Dad at kinarga siya papunta sa living room.

"She looks like someone I know," singit naman ng kapatid ko. Nginitian ko siya pero sinimangutan niya lang ako. Hindi niya ba ako na-miss?

"Sino anak?" tanong naman ni Mom kay Nonnie, kapatid ko.

"Ayun oh," sabay nguso sa tv kung saan ay kasalukuyang binabalita nga si Jade.

Titig ba titig lang naman si Ashley sa TV. Seryosong-seryoso siya kaya hindi mo talaga mahuhulaan ang tumatakbo sa isip niya, bakit ba ganito ang batang 'to? Nakuha niya 'yung dating ugali ng nanay niya. Nagulat pa ako ng tumingin siya sa akin.

"Siya po ba, tito?" tanong niya sa akin kaya tumango na lang ako. Grabeng bata 'to!

"So he's rich?" tanong niya ulit sa akin. Tumango na lang ulit ako.

"So why he didn't use his money to find us?" naluluha niyang turan. Nagkatinginan naman kami nila Mom at pare-parehong hindi alam ang gagawin. Lumapit na lang ako sa kanya at kinuha siya sa pagkakandong kay dad at nilipat sa akin.

"Hindi niya ba kami mahal, Tito?" tanong niya naman ulit at talagang naiyak na. Pilit ko siyang pinapatahan pero mas lalo siyang umiyak. Hindi ko alam na may pakialam talaga si Ashley sa daddy niya, akala ko lang kasi noon na kaya niya sinasabing gusto niya itong makita para na rin sa kapatid niya.

"That's not true," nauutal kong saad.

"Tito, I want to talk to mom, please!" nahirapanan niyang turan. Dalidali ko namang kinuha ang phone ko at binigay sa kanya. Kinuha niya 'yun at umalis sa pagkaka-kandong sa akin. Lumabas siya at pumunta sa may garden.

Kasalukuyan niyang kausap ang nanay niya at halata sa kanya na nahihirapan siya sa paghinga dahil humihikbi parin siya.

"I miss you, mom! Kamusta na po si Ashton?" napangiti naman siya ng konti, marahil ay good news ang nasabi ni Savannah sa kanya.

"Really mom? So we can play again, soon?" manghang tanong niya.

"Kasama niyo po ba siya? 'Yung tatay namin?" saad niya at halatang nahihiya sa naitanong.

Nagtaka na lang ako ng bigla siyang natulala saglit at umiyak na naman ulit. Iba ang pagkaka-iyak niya ngayon dahil mas malakas ito kesa kanina. Halatang may halong galit ang iyak niya.

"I don:t want to meet him! I don't want to meet him, Tito!" galit niyang saad sa akin nang maibigay niya na ang cellphone ko.

Tinawagan ko naman agad si Savannah.

"Baby?" halata sa boses nito ang pag-aalala.

" I'ts me," saad ko. Narinig ko naman siyang huminga ng malalim.

"What happened?" tanong ko pa.

"No! What happened? Nasaan siya?" pabalik niya sa tanong ko.

" She's crying and screaming, sinabi niyang ayaw niyang makita siya," sabi ko.

Narinig kong tumatawag ako ni Mom, sinilip ko naman sila at kitang-kita ko ang pag-aalo nila sa bata.

"Cooper? Sinong kasama mo? Nasaan kayo?" tanong niya.

"Don't tell me?" dagdag niyang tanong ng hindi ako nakasagot.

"I'm sorry, but ano bang sinabi mo at nagkaganun ang anak mo?" tanong ko pero hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Maghintay ka 'dyan, pupunta ako!" matigas niyang sabi. Narinig ko pa ang boses ni Jade bago naputol ang tawag.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now