CHAPTER 45

835 44 10
                                    

Savannah's Pov:

Naninibago pa rin ako sa lahat ng nangyayari. Parang kailan lang kaharap ko pa ang mga magulang ko at si Jade na mukhang desperadong pakasalan ako ulit.

"Sir, gusto kong pakasalan ulit si Savannah, sa simbahan, 'yung maraming makaka-alam," diretsong saad niya. Sariling desisyon, ganun? Hindi man lang ako tatanungin? Ang nasa utak ko ay pakikipaghiwalay tapos ngayon magpapakasal ulit?

"Paano ako?" sigaw ni Sabrina. Hindi ko alam ang magiging reaksyon sa nangyayari ngayon. Hindi ko naman kasi alam kung ano talaga ang nararamdaman nila sa isa't isa. Hindi ko alam kung mahal ba talaga nila ang isa't isa or pride na lang ang pinanghahawakan nila.

"Mas kailangan nilang pagtibayin ang meron sila anak, lalo na't magkakababy na sila," saad ni papa.

"Pa, bakit naman ganun? Bakit laging si Savannah ang pinapaboran mo?" tanong niya kay papa.

"Teka lang! Ako pinapaboran ni Papa? Saan? Hindi ko ata alam," tanong ko. May gusto pa akong sabihin pero hinawakan lang ni mama ang mga kamay ko.

"Kahit alam niyang mahal ko si Jade pero ibinigay niya pa rin siya sa'yo," sigaw niya sabay turo sa pagmumukha ko.

"Mahal ko rin 'yung tao, anong magagawa mo?" sagot ko rin sa kanya na ikinatahimik ng buong bahay. Sa sobrang hiya ko ay naglakad na ako palabas. Nlingon ko naman si Jade na tulalang nakatingin sa akin. Nagpipigil pa ng mga ngiti.

Nung mga panahon na 'yun ay gusto ko na lang hilingin na bumuka ang lupa at kainin ako
Tapos ngayon kailangan kong magising ng umaga hindi para magtrabaho, kundi para magplano para sa kasal namin. Si Sabrina naman ay ilang buwan na ring hindi nagpaparamdam. Pero sigurado akong alam ni papa kung nasaan ang babaeng 'yun. Hindi niya naman pwedeng pabayaan ang prinsesa niya.

"Good morning," bati ng katabi kong kagigising lang at hindi ko alam na katabi ko pala. Biglang yakap sa akin at sumiksik sa may kilikili ko. Napapadalas na talaga ang lalaking 'to.

"Good morining," bati ko pabalik. Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Where's my good morning kiss?" nagpapacute niyang turan.

"Mama mo kiss," saad ko.

"Gusto ko 'yung kiss ng magiging mama ng anak ko," natatawa niyang turan sabay hawak sa tiyan ko at binati rin ang anak niyang nandun.

"Bahala ka nga sa buhay mo, kay aga-aga pa," sabi ko sabay tapik sa kamay niya.

Tawa lang siya nang tawa. Ako naman ay pumunta sa banyo para makapag-ayos ng sarili. Tinititigan ko ang sarili ko sa salamin. Nagtataka ako sa tiyan ko. Medyo malaki na siya para sa 2 months. Hinahawakan ko 'to hanggang sa may nakihawak na rin.

"Gusto ko ng lumabas 'yung baby natin," sabi niya.

"Nagmamadali? Parang ikaw 'yung manganganak ah," saad ko.

"Ikaw talaga, hindi ka man lang nagbago, napaka-kj," sabi niya sabay hila sa akin ng marahan at niyakap ako.

"Love, we're getting married," sabi niya habang nakayakap sa akin. Alam ko naman na ikakasal kami, ulit. Bakit kailangang sabihin pa?

"Are you happy?" tanong niya. Hindi ko siya magawang sagutin.

"Dahil ako sobrang saya ko, sobra," he said while hugging me more tightly.

"Jade," sabi ko sabay bitaw sa yakap niya. Hinawakan ko ang mga pisngi niya at tinitigan ang buong mukha niya. Parang pakiramdam ko kailangan kong kabisaduhin ang mga parte ng mukha niya, kasi kung hindi parang pakiramdam ko hindi na naman makikita ang pagmumukhang 'yun. Naluluha akong nakatitig sa kanya kaya naman kitang-kita ko ang pagkabalisa niya. Nalilito siya kung anong dapit gawin.

"Hey chill lang," natatawa kong turan siya nia naman ay napahawak na lang sa noo niya at tumingin sa akin.

"H'wag mo naman kasi akong takutin, ano may masakit ba sayo?" sabi sa akin sabay tingin mula ulo hanggang paa.

"Wala," natatawang saad ko sabay pitik sa noo niya. Nakatingin lang siya sa akin at hindi kumukilos.

"Sige na, maligo ka na," natatawa ko pa rin na turan at pinagtutulakan siya sa banyo.

Nagmatigas pa siya at siniguradong okay lang ba talaga ako. Natatawa na lang akong tumango. Napagdesisyunan kong pumunta sa kusina. Naabutan kong nagluluto si Joy.

"Goodmorning Ate," bati niya sa akin na may malaking ngiti sa labi, nakakahawa ang pagkabibo ng  babaeng 'to.

"Goodmorning" bati ko rin sa kanya pabalik.

"Ma'am excited ka rin po ba sa kasal niyo?" tanong niya bigla sa akin.

"Bakit mo naman natanong?" tanong ko naman.

" 'Yan talaga ang mahirap eh, nagtatanong ka sasagutin ka naman ng isa pang tanong," saad niya. Ewan ko talaga sa babaeng 'to, mukhang hindi marunong matakot kahit amo niya pa ang kausap niya. Pero hindi naman big deal sa akin 'yun, ganyan din ako eh.

"Hindi ko alam," sagot ko na lang sa tanong niya. Baka naman kasi barahin pa ako ulit.

"Ay, bakit naman ganun? Si Sir Jade nga napaka-excited. Dapat ikaw rin ate, para the feeling is mutual," sabi niya pa na mukhang kinikilig habang nakatingin sa akin at nag-tataas-baba pa ang mga kilay.

"The feelings is mutual naman talaga," sabi ko na ikinatili niya.

"Oh my gaaddd!," nagsisigaw niyang turan na siyang ikinatakbo ni Jade pababa. Gulat na gulat kaming dalawa ni Joy sa itsura niya. Nakatapis lang siya sa baba at may shampoo pa sa buhok na konti na lang ang mapupunta na sa mga mata niya. Hindi nga nagtagal ay pumikit na siya at kinukusot na ang mata niya. Nilapiytan ko naman siya at inalalayan paakyat.

"Ano ba kasing nangyari?" nakapikit niyang turan nang makapasok na kami sa kwarto.

"Wala, maligo ka na nga ulit, kanina ka pa dyan sa banyo ah, akala mo naman babae sa tagal makaligo," turan ko.

Dahan-dahan naman siyang pumunta sa banyo, at ako naman ay bumaba ulit dahil narinig kong tinatawag ako ng gwardiya. Pagpunta ko sa labas ay nakita ko siyang may kaharap na delivery boy yata.

"Ano raw 'yan kuya?" tanong ko sa guard. Sinabi niya lang na para sa ak8n kaya lumapot ako sa delivery boy.

"Sigurado ka bang para sa akin 'yan? Wala akong naaalalang nagpadeliver ako," sabi ko sa kanya. Tumango-tango lang naman siya, at mukhang wala naman siyang masamang balak kaya tinanggap ko.

Pumasok ako sa loob dala-dala ang kahon. Dumiretso ako sa kusina kung nasaan si Joy.

"Joy, pakitapon naman oh," sabi ko sa kanya. Mukhang gusto niyang magtanong pero sinunod niya naman ako. Marahil napansin niyang seryoso ako ngayon.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now