CHAPTER 3 • Confused

1.2K 48 0
                                    

Jade Axel Tolentino's Pov:

Papunta ako ngayon sa opisina ko. Hoping na walang kakaharaping problema dahil wala ako sa hulog ngayon.  Bago pa man ako makarating sa huling kalye na dadaanan ko bago ang building namin ay may nakita akong lalaki na nakatayo sa may motor na umuusok. Mukhang nasiraan kaya napagdesisyunan kong huminto at lapitan siya.

"You need help?" tanong ko agad nang makalapit ako.

"Hey, kuya Jade," sabi niya. He knows me.

Tinitigan ko lang siya. Pilit inaalala kung saan ko siya nakita.

"It's me, Gun! Kakauwi ko lang galing States," sabi niya na ikinatanga ko.
Oo nga pala, kapatid 'to ni Sabrina.

"I'm sorry, you look different," sabi ko rito na ikinangisi niya na lang.

Sinamahan ko na lang siya, hanggang sa may dumating at kinuha ang motor niya. Nagtaka pa ako kung bakit nagpa-iwan siya.

"Kuya, hatid mo naman ako sa bahay nila ate," sabi niya na ikinakaba ko.

Wala ako sa sariling nag-drive papunta sa address na ibinigay niya. Hindi ko alam na may bahay pa silang iba. Natanong ko rin kung bakit hindi na lang siya nagpahatid sa kumuha ng motor niya. Sabi niya naman ay baka pagalitan siya ng tatay nila. Kinakabahan ako at the same time excited dahil makikita ko siya. I miss her.

"Do you remember ate Savannah?" tanong naman niya bigla.

Savannah? 'Yung kapatid ni Sabrina? I know her, pero hindi ko pa siya nakakausap simula 'nung araw na 'yon.

Bago pa ako makasagot ay may tinuro siya na babae sa may gate ng isang bahay. Inilapit ko naman ang sasakyan ko 'dun at kitang-kita ko sa mukha niya ang pag-kairita. May problema ba siya sa sasakyan ko?

Bumaba naman agad si Gun at lumapit sa kanya. May pinag-usapan sila at sabay silang tumingin sa sasakyan ko. Tumango-tango naman siya at ngumiti sa nay gawi ko bago pumasok ng bahay.

Nakita ko naman na pumunta sa may gawi ko si Gun.

"Thank you po," sabi niya. Ngumiti na lang ako. Hindi ko kasi maintindihan ang nararamdaman ko.

Napagdisisyunan ko na lang na pumunta na sa opisina. Kaysa matulala na lang ako dito.
Pagkadating na pagkadating ko sa opisina ay pinagtitinginan ako. Nakalimutan kong namamaga ang mukha ko, hindi rin naman kasi pinansin ni Gun.

Seryoso na akong kaharap ang mga papeles ng may biglang kumatok at agad din namang pumasok. Malamang isa sa mga kaibigan ko 'yan. Hindi nga ako nagkakamali.

"Anong klaseng mukha 'yan?" natatawang saad ng kaibigan ko.

Nandito ako sa opisina ko habang hawak-hawak ang panga kong namamaga. Nag-iisip din ako kung paano humantong ang sa ganitong sitwasyon ang oagmumukha ko.

"Nakipag-away kaba kagabi? Bago 'yan ah!" natatawa niya pa ring turan.

"H'wag mo akong bwesitin, napakaaga pa," inis na sabi ko.

"Chill! Baka naman mainit lang yang ulo mo, marami ka ring nainom kagabi, itulog mo na lang 'yan," he suggested.

Walang sabi-sabi naman akong nahiga sa sofa ng opisina ko, aminadong masakit naman talaga ang ulo ko. Hanggang ngayon hilo pa rin ako sa dami nang nainom ko. Ang mas nakakapikon pa, pag-gising ko may pasa na ako sa mukha. Wala akong matandaan, hindi naman talaga ako mahilig sa alak.

"Pero Jax ano ba talaga ang nangyari?" seryoso niyang tanong.

"I don't know, manahimik ka muna," sabi ko at pumikit.

"I'm just asking. Ikaw na bahala kung mapipikon ka o hindi," sabi niya at naupo na rin.

"Pero paanong hindi alam? 'Yan kasi, bigla ka na lang tumayo kagabi tapos lumabas ng bar ng walang pasabi. Baka naman may pinilit kang maghotel," natatawang saad niya.

"Gago, tinulad mo pa ako sayo. Nagising akong nasa bahay na," saad ko. Napaisip talaga ako kung paano nangyari yun.

"Edi yung mga tao mo dun sa bahay ang tanungin mo," sabi niya at tumayo na. Siya naman itong lumabas ngayon nang walang pasabi.

Hindi na ako nag-overtime sa araw na'to.  Maliban sa masama na talaga ang timpla ko ngayon, kailangan kong malaman kung paano ako nakauwi.

Pagkadating na pagkadating ko, itinanong ko agad sa guard ang kanina pang nasa isip ko.

"Sinong naghatid sa akin kagabi?" tanong ko sa guard na ikinakunot ng noo niya.

Natahimik naman siya bigla, nangangapa nang maisasagot.

"Hindi ko po kilala sir eh, akala ko po kilala mo sir. Pero lumabas po siya kagabi nang galit na galit sir," sabi niya.

Galit na galit? Wala naman siguro akong ginawang masama diba?

Pumasok naman sa isipan ko ang sinabi ng kaibigan ko.
Pero impossible na mamilit ako ng ibang tao, loyal ako kay Sab.

"Babae ba?" tanong ko rito.

"Ay opo sir," nagpipigil ngiti niyang turan.

"Naalala mo ba itsura niya?" tanong ko.

"Ay sir, kahawig po siya ni Ma'am Sabrina. Akala ko nga po si Ma'am Sabrina yun. Ngayon ko lang po narealize na magkaibang tao sila kasi astigin yung kagabi sir," singit ng kasambahay kong nagdidilig ng bulaklak sa may gate.

Tinitigan ko siya, napayuko naman siya. Ayoko sa lahat ang sumisingit sa usapan.

"Pero sir, maganda po yung babae, kung ayaw mo 'dun sir, akin na lang," nakangisi niyang turan. Hindi naman ako na-offend dahil medyo close na kami nito ng guard ko.

"Ikaw bahala, pero wala akong matandaan," sabi ko at tinalikuran sila.

Pumunta ako sa kwarto ko to check the CCTV. Kailangan kong makita ang mukha nang sinasabi niyong kamukha ni Sab.

Hawak ko ngayon ang copy ng cctv. Isa lang ang masasabi ko. Hindi sila magkamukha, at kilala ko ang babaeng 'to. Siya yung babaeng sinasabi ni Gun kanina, si Savannah. Anong nagawa ko sa kanya para magawa niya sa akin 'to? Ang sakit ng mukha ko at ramdam ko talaga na namamaga.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang kaibigan ko.

"Lance, I sent something to your email," sabi ko. Alam kong nakuha niya ang ibig kong sabihin.

"Let me check, wow! Ganda nito ah, kapatid ni Sabrina?" manghang sabi niya.

"How did you know?" tanong ko.

Tumawa lang siya at imbes na sagutin ang tanong ko, inuna pa ang paniningil.

"Walang libre ngayon, wag kang kuripot," natatawa niyang turan.

"Oo na, just wait," sabi ko at binaba na ang tawag.

Titig na titig lang ako sa mukha ng babaeng nasa monitor ko ngayon. Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman. Pakiramdam ko nangungulila ako sa hindi malamang dahilan. I think I know her, but not. Hindi naman kami close but I'm excited to meet her again.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now