CHAPTER 51

762 43 12
                                    

Jade's Pov:

Nandito kami sa hospital at kasalukuyan sinasalinan ng dugo anak ko. Nakahiga kaming pareho at si Savannah naman ay nakatayo sa tabi ni Ashton at kinakausap ang bata para hindi indahin ang sakit ng karayom. Napatingin sa akin si Savannah at ngumiti bigla na ikinabilis yata ng tibok ng puso ko.

"Sir relax lang po, tumataas ang blood pressure niyo," saad ng nurse habang nakatingin sa monitor. Sinubukan kong mag-relax at tumingin na lang sa may kisame.

Nagising akong nasa ibang kwarto na, tulog si Ashton na nasa kabilang higaan na katabi lang din ng sa akin. Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto pero wala akong nakitang Savannah. Hindi naman nagtagal ay bumukas ng pintuan at niluwa 'nun ang taong inaasahan ko.

"Gising ka na pala, gusto mong kumain?" saad niya at inilapag ang dalang supot sa may mini table. Hindi ko siya sinagot at tiningnan lang siya habang hinahanda ang pagkain sa mesa. Nang matapos siya ay kunot-noo niya akong tiningnan.

"Gusto mo bang kumain?" inis na tanong niya. Napangiti na lang ako kasi ngayon ko lang talaga naramdaman na nandito na talaga siya. Hindi lang siya, kundi pati ng anak namin.

"Huy! Bakit ka ba tulala dyan?" sabi niya sabay lapit sa akin.

" Love, I missed you!" saad ko na mas lalong ikanakunot ng noo niya. Bumalik siya sa may mesa at pumwesto na 'dun para kumain.

"Bahala ka nga sa buhay mo, tinatanong ka kung gusto mong kumain pero kung ano-ano naman sinasabi mo 'dyan," sabi niya at nagsimula ng sumubo.
Gutom ako, oo. Pero ayaw kong bumangon sa kinakahigaan ko. Medyo nangangalay pa ang braso kong tinurukan ng karayom kanina.

"Baka naman gusto mong dalhan ako ng pagkain dito, mangangalay pa ang buong braso ko," sabi ko na ikinatigil niya. Tumingin naman siya sa akin at bumuntong-hininga bago tumayo at nagdala ng pagkain papunta sa akin. Ngumanga lang ako para subuan niya.

"Ako pa talaga ang magsusubo sayo? Ano ka bata?" tanong niya sa akin. Wala talagang sweetness ang babaeng 'to. Hindi ko siya sinagot at ngumanga lang. Wala naman siyang nagawa at sinubuan na lang ako. Walang imik lang siyang pinapakain ako.

"Kumain ka rin," sabi ko. Umiling lang siya at sinubuan na naman uli ako.

"Kainin mo muna 'yan, o ako ang magpapakain sa'yo?" sabi ko. Binaba niya naman 'yun at tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ko rito. Tinuro niya naman ng pagkain niya. Gusto niya atang kunin ang kutsara niya.

"Ang arte mo naman, yang akin na lang ng gamitin mo, sige na," sabi ko at wala naman siyang nagawa at sinubo na lang rin ang pagkain na nasa kutsara ko. Napangiti na lang ko at siya naman ay namumula. Halos ayaw niya pang idikit ang mga labi niya sa kutsara.

Habang ngumunguya siya ay ninakawan ko siya ng halik na ikinatigil niya. May narinig naman kaming humagikgik sa gilid namin, at nakita namin ang ngiting-ngiti na si Ashton.

"Ashton," tawag sa kanya ng mommy niya.

" Mom, dad! Gagawa kayo ng younger brother? Magagalit si Ash niyan," sabi niya. Agad naman siyang nilapitan ng nanay niya at inayang kumain. Hindi na ako pinansin ni Savannah, puro kay Ashton na lang ng atensyon niya. Kahit nga 'yung anak ko ay hindi na ako napansin. Kinain ko na lang ang natirang pagkain ko.

Tinitingnan ko lang sila sa ginagawa nila hanggang sa patulugin muli ni Savannah si Ashton. Nang makatulog na tsaka pa ako nilingon ni Savannah.

"Sino si Ash?" tanong ko. Nilingon naman niya si Ashton na ngayon ay tuluyan na talagang nakatulog.

"Ash, Ashton," seryosong sabi niya. Tumango na lang ako kahit hindi ko kumbinsido. Kasi sa pagkakasabi ni Ashton kanina, parang ibang tao ang tinutukoy niya at hindi ang sarili niya. Pero dahil bata, baka ganun lang talaga siya magconstruct ng sentences.

Tahimik lang na nakaupo si Savannah sa couch na nasa hospital room. Tumayo ako at pumunta sa kanya. Isiningit ko ang sarili ko hanngang sa nalapat ko na talaga ang pwet ko sa upuan. Nagmamaktol na siya kasi masikip daw pero hinila ko siya pataas para makandong ko siya.

"Savannah Everleigh Tolentino," sabi ko at halatang nanigas siya sa sinabi ko.

"I'm not a Tolentino, Jade!" nahihikbi niyang turan.

" You are!" saad ko at kinuha ang kwintas sa bulsa ko. Lagi ko 'tong dala simula ng malaman kong siya ang may-ari nito at hindi si Sabrina.

Pinakita ko 'yun sa kanya. Tiningnan niya lang 'yun at inilipat ang tingin sa akin.
"Hindi ko alam if natatandaan mo 'to, pero nangako kang magiging Tolentino ka," sabi ko at inilagay sa palad niya ang kwintas.

"Hindi ko rin alam if natatandaan mo pa ba ang batang ako na laging naka-asa sayo, at umabot sa punto na nangako kang ikaw ang makakasama ko. Makakasama kong bubuo ng pamilya. Natawa nga ako, dahil ang bata pa na'tin 'nung panahon na 'yun," sabi ko at tiningnan ang mukha niya. Nakita kong naluluha na siya.

"What's wrong?" tanong ko at pinupunasan ang luha niya. Tinabig niya ang kamay ko at umalis sa pagkaka-kandong sa akin at umupo sa katapat kong upuan. Sinusuri niya ng kwintas.

"ST? Savannah o Sabrina Tolentino?" saad niya sabay tawa ng mapakla.

" Akin nga pala 'to no? Akala ko kasi binigay mo na kay Sabrina, kaya hindi ko na lang kinuha" sabi niya sabay tingin sa akin. So ibig sabihin may naaalala siya?

"Anong klaseng reaksyon 'yan?" natatawang turan niya abay tingin sa mukha ko.

"Yes, may naaalala na nga ako, hindi naman ako ganun kalala, na wala ng pag-asang magkaalala. Oo, natatandaan ko na magkaibigan kami ng dating ikaw, dating ikaw na laging naka-asa akin dahil hindi ka nga makakita. Nilapitan kita noon kasi naaawa ako sayo, Nilayuan ako ng mga kalaro ko at ng sarili kong kapatid, si Sabrina. Kasi may kaibigan akong weirdo, pero sa panahon na 'yun na-iintindihan ko na ang nararamdaman mo eh! Naging mas malalim ang pagkaka-ibigan natin pero bakit 'nung nakakita ka na at si Sabrina ang nasa harapan mo, siya na lang ang gusto mong makita? Hindi mo ba napansin na magkaiba ang boses namin, na iba ako at iba si Sabrina?" mahaba niyang sabi at kitang-kita ko ang malalaking butil ng luha na lumalabas sa mga mata niya. Gusto kong lumapit sa kanya at yakapin siya, pero gusto kong marinig kung ano ang nangyari at naramdaman niya ng panahon na 'yun kaya nanatili akong nakaupo.

"Magkaiba kami Jade eh, magkaibang-magkaiba! Natatawa na nga lang akong isipin ang dating ako na umiiyak sa labas ng kwarto mo at tinatanong sa magulang ko kung bakit si Sabrina ang nandun sa harap mo at hindi ako? Aba ako rin na gaga umalis ako sa hospital na 'yun na hinang-hina pa at iniinda pa ang sugat ko sa tagiliran, dala-dala ang kotse ng kuya ko at binangga sa poste habang nakikipag-drag race, mabuti na nga lang siguro 'yun. Nalimutan kita eh!" natatawa niyang sabi habang lumuluha. Para naman kong sinaksak dahil sa mga sinasabi niya.

"Pero kahit naalala ko 'yun. Wala na rin palang kwenta, dahil hindi naman mababago ng mga ala-alang 'yun ang katotohanang si Sabrina ng mahal mo at hindi ako!" sabi niya sabay tapon ng kwintas sa basurahan.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now