CHAPTER 18 • Annoyed by their Sweetness

896 32 2
                                    

Savannah's Pov:

Napakabilis lang ng panahon at halos mag-iisang buwan na rin akong nagtratrabaho bilang secretary ni Jade. Marami na rin akong naging kaibigan dito sa company niya. Hindi naman talaga ako nahihirapan, pero napakaweird lang na ang secretary ay nasa loob ng opisina ng amo niya. Ewan ko kung ano ang mga nasabi ng ibang kasamahan ko dito. Pero mukhang wala naman, sana nga. Ilang ulit na rin kaming nagkita ni Sabrina dito. Akala naman niya may epekto sa akin ang kamalditahan niya. Mas maldita naman ako sa kanya.

"Huy, anong iniisip mo? Ngayon ka nga lang sumabay sa amin kumain, tulala ka pa," sabi ni Airene na sinang-ayunan naman ng iba.

"May iniisip lang," sabi ko sabay subo ng pagkain ko.

"Ano naman 'yun?" tanong ng isa sa  kanila, si Ezra. Hindi naman halatang tsismosa ang isang 'to.

"Hindi naman ganoon ka importante pero iniisip ko pa rin ang kamalditahan ni Sabrina kanina," sabi ko at nagtinginan naman sila.

"Diba magkapatid kayo? Bakit napakasosyal 'nun? Tapos ano," panimula ni Kurt. Isa sa mga kasamahan ko rin.

"Tapos ano?" tanong ko.

"Don't get me wrong ah, tapos nandito ka, secretary ka ni Sir, napakalaki rin naman ng company niyo, bakit hindi ka na lang doon magtrabaho?" dagdag niyang sabi. Isa rin 'tong tsismoso.

"Pansamantala lang naman ata to, mukhang naghahanap pa lang si Jade ng maipapalit na secretary, ayoko rin naman 'to," sabi ko sa kanila at nagsitanguan naman sila.

"Akala naman namin katulad ka 'nung mga bida sa drama na kinakawawa ka ng sarili mong pamilya ," saad naman ni Ezra.

Natawa ako sa sinabi niya, kasi parang ganun nga 'yung dating ng buhay ko na parang hindi. Kahit nga ako nalilito sa sariling sitwasyon na pinasukan ko.

"Tigil-tigilan mo yang kakadrama mo, kung ano naiisip mo," natatawa kong turan kaya naman pinagtawanan rin siya ng iba.

Nagulat kami ng biglang may tumili, sa sobrang lakas ay halos nabulunan ng sabay-sabay ang mga kasama ko sa table.

"Ano bang tinitili mo 'dyan? Para kang kinatay na baboy," sita ni Airene sa kanya.

"Mataba ako, pero hindi ako baboy, excuse me!" sabi naman ni Ivy na ikinatawa namin.

"Talaga lang?" tukso naman ni Kurt dito sabay pakita ng pagkain niya. Napaka-bully talaga ng lalaking 'to pero mukhang sanay naman si Ivy. Tumingin naman si Ivy 'dun sa pagkain ni Kurt  at mukhang natempt na pero umiling-iling siya.

"Diet ako, 'wag ka 'dyan!" inis niyang sabi at bigla-bigla na namang ngumiti pagkatapos ay  tumili ulit.

"Ano ba kasing tinitili-tili mo 'dyan?" inis na sabi ni Airene.

"May gwapo kasing lalaki sa first floor," sabi niya pa sabay hawak sa pisngi.

"Tapos?" sabay-sabay naming sabi nina Kurt, Airene at Ezra.

"Ano ba 'yan, kaya.kayo hindi nagkaka-lovelife, hindi kayo marunong tumingin kung ano ang gwapo sa hindi," sabi niya sabay upo.

"Anong konek 'nun? Aanhin ng pagiging lalaki ko ang mga gwapong sinasabi mo?" tanong naman ni Kurt na ikinatawa namin.

Ilang saglit ay natanggap akong text mula sa kapatid kong si Gun.

"Ate! Nandito kami sa companya ni Kuya Jade, I'm with kuya Lawrence and Kuya Cooper. Tapos may isang guy din po rito, sabi niya kilala mo siya. Jeff daw name niya ate, isasama ba namin? Kilala rin naman daw siya ni Kuya Jade kaya wala daw problema," mahabang sabi niya.

Kumunot ang noo ko, sinong Jeff?  May kilala ba akong Jeff?

Nilingon ko ang mga kasama ko. Busy silang nakikinig kung paano ilarawan ni Ivy yung mga nakita niyanh lalaki. Gusto kong matawa dahil sobrang-sobra na ang pagdescribe niya. Akala mo naman nag-lalarawan siya ng wangis ng isang Goddess. Mga tukmol naman 'yung mga kapatid ko. Kaya naman kinalkal ko ang picture ni Kuya Lawrence sa phone ko. Nang makita ko ay agad kong ipinakita sa kanya.

"Huy, Ivy! Isa ba to sa mga lalaking sinasabi mo?" sabay pakita ko sa picture ni Kuya at nanlaki ang mga mata niya at inagaw ang cellphone ko. Wrong move 'yun ah, walang manners!

"Ang gwapo! Pasend!" sabi niya habang pinagpapantasyahan ang kuya ko sa mismong cellphone ko.

"Siya ba?" tanong ko ulit at hinablot ang cellphone ko mula sa pagkakahawak niya.

"Yes," kinikilig niyang turan.

"Saan ang gwapo 'dyan?" sabi ko sabay nguso sa mga kapatid kong kausap ni Jade.

Tulala naman silang nakatingin sa gawing 'yun.

"Huy! Kung makatingin naman. Magsikain na kayo, malapit na ang time," sita ko sa kanila. Nakasimangot naman silang sumunod sa akin.

Kumakain lang kami ng tahimik ng may nag-open na naman ng topic.

"Uy, Sav. Alam mo ba nung una akala namin may pagkabitch. Kasi naman yung suot mo nung first day mo eh kapareho nung mga naging secretary ni Sir dati, pero pagkasecond day mo, parang ibang tao nakita namin, in other words para kang tomboy na hindi," sabi ni Ezra. Napangiti naman ako, tomboy? Mukha ba talaga akong ganun?

"Hindi naman kasi sa akin 'yun, sa kaibigan ko yun, hiniram ko lang, may pagkasiraulo kasi ang babaeng 'yun, kaya ganun ang binigay sa akin, pero wala akong choice nung time na yun kaya sinout ko na lang," sabi ko na ikinatango nila tapos biglang tumawa.

"Parang tomboy talaga," natatawang saad ni Kurt. Hindi naman ako na offend.

Nakitawa naman ako at nakita ko na lang bigla ang tumatakbong si Gun sa direksyon ko. Kasunod niya sila Kuya Lawrence, Cooper, Jade, Sabrina, at yung lalaki nung first day ko. Maybe siya sa Jeff.

"Ate I miss you," sabi ni Gun at niyakap ako.

Tahimik lang ang mga kasamahan kong nakatingin sa amin. Nakita ko namang lumapit si Cooper sa gawi namin ni Gun.

"Hi babe, long time no see," sabi ni Cooper at ginulo ang buhok ko. Siraulo talaga 'to, 'yung buhok ko na naman ang napagdiskitahan. Nasiko.ko tuloy siya ng wala sa oras.

Tinutukso naman ako ng mga kasamahan ko na pakiramdam ko ay ikinapula ng pisngi ko dahil sa hiya. Ano ba 'to? Bakit ba sila nandito?

Hindi ko alam kung bakit napalingon ako sa gawi ni Jade na galit na nakatingin sa akin. Nagkatitigan pa kami bago siya umalis.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now