CHAPTER 47

692 32 6
                                    

Savannah's Pov:

Ilang buwan na ang lumipas at nakakagulat na ang laki ng 'tyan ko. Hindi ko naman magawang umalis sa bahay sa takot na no ng mangyari akin at sa anak ko. Hangga't maari ay ayaw kong makasalamuha ang mga taong hindi ko kilala. Alam kong praning na ang tingin nila sa akin. Takot lang ako sa bantang natanggap ko kahit hindi naman ako sigurado kung kanino galing. May taong hindi tanggap ang pagbubuntis ko pero hindi ko naman pwedeng basta-basta na lang isipin na siya ang nagpadala 'nun lalo na't matagal na rin ang huli naming pagkikita at hindi na siya nagpaparamdam sa amin.

"Uy 'te," biglang sabi ni Joy na mukhang hindi ko napansin na nakatayo na pala sa harapan ko. Tiningnan ko naman siya at ngayon ay iniwan ang niluluto at nakapamewang na sa harapan ko.

"Anong iniisip mo 'dyan?" tanong niya. Umiling lang ako at hinawakan ang 'tyan ko. Dalawang buwan na rin akong hindi nakapagpacheck-up.

"Magpacheck-up ka na po kasi, diba may kaibigan kang doctor, humingi ka po ng tulong 'dun. Malamang po may kakilala 'yung doctor ng mga buntis," sabi niya.

Napaisip naman ako, kasi simula noong napagpasyahan namin ni Jade na magpakasal ulit, hindi na siya masyadong nagpaparamdam sa akin. Hindi naman ko ganun kamanhid para hindi malaman kung bakit. Mas pinili ko na lang din na hindi muna siya kausapin dahil ramdam ko naman na lumalayo talaga siya sa akin. Pero sa pagkakataong 'to mukhang tama si Joy. Wala akong ibang malapitan. Lalo na't naging busy din si Jade nitong nakaraan. Pumunta rin siya sa ibang bansa for his business. Ang pagkaka-alam ko ay next week pa ang balik niya kaya wala nga akong pwede hingan ng request ngayon.

"Sige 'te uy, balikan ko muna ang niluluto ko, " sabi niya sabay balik sa ginagawa niya.

Pumunta ko sa kwarto and I grabbed my phone. Huminga pa ako ng malalim bago dinial ang cellphone number ng kaibigan ko. Nakailang ring na pero hindi niya pa nasasagot. Kinakabahan ako dahil hindi siya ganito dati. Marahil ay iniiwasan niya nga ako. Bago pa ako nawalan ng pag-asa ay nasagot niya na ang tawag.

"Hello," bati niya. Napangiti naman ako. Na-miss ko ang taong 'to.

"Si Savannah 'to," sabi ko. Nahiya naman ako 'nung matawa siya. Bakit nga ba naman ako nagpakilala? Malamang ay alam niyang ako ang tumawag, at malamang ay naka-save 'yung number ko sa cellphone niya.

"I know," natatawa niya pang turan. Mas lalo akong nahiya 'nung mas lumakas pa ang tawa niya. Naririnig ko rin sa kabilang linya ang tawa Nina Ellyssa and Angel, so magkasama ng tatlong 'to.

"Kasama mo 'yung dalawa?" tanong ko kahit obvious naman.

"Oh, madam. Mabuti naman at mukhang naalala mo pa kami," sagot ni Ellyssa.

"Hilig mo talagang makisingit sa usapan na hindi sayo, " sabi ko sa kanya.

""So ano nga?" tanong niya.

" Samahan niyo naman ako magpacheck-up oh, dalhin mo ako ulit sa kaibigan mo Cooper, please, " sabi ko. Narinig ko naman na sumang-ayon siya at susunduin daw nila ako.

Hindi naman nagtagal ay dumating nga sila. Sabay-sabay naman nanlaki ang mga mata nila habang nakatingin sila sa 'tyan ko.

"Anong bomba ba ng gamit ni Jade at ganyan na kalaki 'yan, " gulat na saad ni Ellyssa. Napalo naman ni Angel ng bunganga niya.

"Aray ko naman," daing ni Ellyssa.

"Bunganga mo kasi, hindi na namin alam kung matatawa kami o mandidiri sa mga pinagsasabi mo," pagalit na saad ni Angel, nag-peace sign na lang sa kanya si Ellyssa.

"Ilang months na nga ulit 'to?" tanong ni Cooper at lumapit sa akin. Inilalayan pa akong maupo.

"Mag-aapat na buwan na," sabi ko na ikinagulat na naman nila.

"Mas mabuti nga na magpa-check-up ka, kambal yata dinadala mo," manghang turan ni Angel sabay tingin sa 'tyan ko. Sumang-ayon naman si Cooper.

Habang papunta kami sa kaibigan ni Cooper ay hawak-hawak ko lang ng tiyan ko, sobrang naexcite ako sa sinabi ni Angel, sana nga magdilang-angel siya. Hindi naputol ang excitement ko lalo na 'nung kinumpirma ng doctor na kambal nga.

"Kambal nga, bakit ngayon ka lang bumalik?" tanong ng doctor.

" Personal reason lang po doc," sabi ko na ikinatango niya na lang.

Naglalakad na kami palabas. Inaalalayan pa rin ko ni Cooper.

"Grabe 'yung ngiti ah! Sayang-saya sa resulta ang bakla, " tukso ni Ellyssa sa akin sabay turo sa mukha ko. Hindi na lang ako pagbigyan. Natutuwa lang ako.

"So kailan mo sasabihin sa asawa mo 'yan?" tanong ni Angel sa akin.

"Kapag-nakauwi na siya, gusto ko siyang i-surprise, " nakangiting turan ko na ikinangiti na lang rin nila. Ganyan dapat, support! Hindi 'yung tutuksuhin ka pa.

Habang pabalik kami sa bahay hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako kaya sinabihan ko si Cooper na kung pwede bang bilisan niya ang pagmamaneho pero hindi niya ko sinunod baka kung ano daw mangyari sa mga batang dinadala ko. Wala akong nagawa kundi umupo na lang 'dun habang kinakabahan sa hindi malamang dahilan. 'Nang dumating kami sa bahay ay hindi ko na sila pinapasok pa. Tinalikuran ko na sila at agad na pumasok sa bahay.

Wala namang kung anong weird na nangyari, natatanaw ko si Joy sa likod bahay na may ginagawa. 'Nang napatingin ako sa labas nakita kong nandun ang kotse ni Jade na hindi ko ata napansin sa pagmamadali ko kanina. Kaya pumunta ako sa kwarto, at narinig kong parang may nag-uusap.

"I thought you don't like her? Besides hindi naman totoo ang kasal niyo diba?" rinig kong saad ng sobrang pamilyar na boses.

"Paano mo nalaman na peke ang kasal?" nagulat ako a isinagot ni Jade. Inaasahan kong itatanggi niya ang sinabi ni Sabrina, at sabihing legal ang kasal namin.

"Alam ko lang lalo na't hindi mo naman siya gusto, diba?" tanong ni Sabrina dito na ikinasakit na ng dibdib ko.

"Yes, I don't like her," confident pang saad ni Jade.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, basta ang alam ko lang, nasasaktan ako at mas pinili ng katawan kong humakbang palayo sa kwartong 'yun. Pababa ako ng hagdan ng makita ako ni Joy.

*Uy ate, nandyan ka na pala," sigaw niya mula sa baba at alam kong rinig 'yun sa buong bahay.

Narinig kong may bumukas na pinto, nilingon ko naman 'to at nakita ko ang saya sa mga mata ni Jade, 'yung para bang inaantay niya talaga akong dumating. Naluha naman ako ng makitang nakangiti rin si Sabrina habang hawak-hawak ang kwintas ko na ibibigay sa'kin ni Jade dati. Tinalikuran ko sila at ang alam ko lang ay tumatakbo ako, at nakita kong nakatingin si Jade sa akin na may pag-aalala sa mukha niya, hawak-hawak niya ako. May sinasabi siya pero hindi ko marinig. Mas naririnig ko pa ang mga taong nakapalibot sa amin.

"I love you, but I hate you," saad ko bago pa dumilim ang paningin ko.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now