CHAPTER 24 • Savannah is Bleeding

1K 34 1
                                    

Sabrina's Pov:

"Bakit nandito na namn 'yang babaeng 'yan," rinug kong sabi ng isa sa mga tauhan ni Jade.

Malamang ay ako na naman ang tinutukoy nila dahil alam kong mga kaibigan sila ni Savannah. Anong klaseng paninira na naman ang sanabi ni Savannah tungkol ss akin? Tiningnan ko sila ng massma pero hindi sila natinag at nagsukatan pa talaga kami ng mga tingin. Hanggang ss lumabas si Jade sa opisina at nagsibalikan sila sa kani-kanilang gawain.

"What are you doing here?" diretsong tanong niya sakin.

"Papasama lang sana ako, masama kasi ang pakiramdam ko pero pinapunta ako ni Dad sa company niya," sabi ko dahilan para ikinakunot ng noo niya.

"Nagawa ngang pumunta dito, bakit hindi na lang dumiretso doon at hindi na nagpunta pa dito, paraparaan ang gaga," rinig kong ssad ng isa na naman sa kanila. Tiningnan ko si Jade pero mukhang balewala lang sa kanya.

"Sasamahan ko ba ako?" inis na tanong ko. Tinitigan niya muna ako bago tumango.

"Hintayin mo ako dito," sabi niya at tinalikuran ko.

Nakikita ko namang nagpipigil ng tawa ang mga kaibigan ni Savannah dito.

"Anong problema niyo?" diretsong tanong ko. Pero hindi nila ako pinansin at mas nagtawanan pa. How dare they?

"Pinagtatawanan niyo ba ako?" inis na inis ko nang turan. Nagsitahimik naman sila.

"Hindi po Ma'am Dela Torre," pabagsak na turan ng isa sa kanila. Sasagot pa sana ako pero lumabas na si Jade.

Walang imik lang siyang naglakad papunta sa parking lot. Nagmadali naman ako sa paglalakad para lang masabayan siya pero hindi ko magawa.

"Jade ano ba? Mas mabuti pang hindi mo na lang ako sinamahan kung ganyan ka rin naman," inis kong sigaw sa kanya.

Lumapit naman siya sa at paulit-ulit na nagsorry.

"Ano ba kasi ang nasa isip mo?" inis kong tanong. Don't tell me si Savannah na naman?

"I'm really sorry, medyo napagod lang talaga ako sa trabaho," rason niya. Mukhang totoo naman kaya huminga na lang ako ng malalim at tumango.

"Okay, let's go," nakangiti kong hila sa kanya. Nagpahila naman siya sa akin at nginitian ako pabalik.

Malapit na kami sa building ni dad ng matanaw ko si Savannah, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan kaya naman pagkahinto na pagkahinto ni Jade ay bumaba na ako at pinauwi siya.

"Umuwi ka na lang muna para magpahinga," saad ko rito.

"Okay lang, hihintayin na lang kita, nandito na rin naman ako," sabi niya at mukhang magpapark na nga.

"Hindi na talaga, pwede naman na ako sumabay kay dad," pagpupumilit ko.

"Sigurado ka?"  paninigurado niya at tumango na lang ako bilang tugon.

Sa huli ay napapayag ko siya, kaya pagkawala ng sasakyan niya sa paningin ko ay agad na akong pumasok. Rinig ko ang mga pinag-uusapan nila at mas kinakabahan ako kay Dad, mukhanb sasabihin niya nga kay Savannah kung sino si Jade, at kung ano si Jade sa buhay niya. Hindi iyon maaari kaya pumasok na ako ng opisina ni Dad.

"Bakit ka pa nagtatanong sa mga bagay na yan Savannah? May naaalala ka na?" agad kong sabi pagkapasok ko.

"Kahit na maalala mo si Jade, nothing's special pa rin naman, isa ka lang sa mga babaeng pinaglaruan niya noon," dagdag kong sabi. Ngumisi lang siya at umiling pagkatapos ay tinitigan ako sa mata.

"Dapat ba akong maniwala sayo?" tanong niya sa akin. Napakurap naman ako dahil sa pagtitig niya sa akin.

"Hindi ko alam kung dapat akong maniwala, kasi sa pagkakakilala ko kay Jade kahit na hindi pa kami kami ganun katagal nagkasama, alam kong hindi niya magagawang  manloko ng babae. Kaya hindi ako sure kung maniniwala ako sa sinabi mong, isa ako sa mga pinaglaruan niya dati. At ayokong maniwala sa taong mahilig rin manlalaki," sabi niya at tinalikuran kami at lumabas sa opisjna ni Dad.

Paulit-ulit sa utak ko ang sinabing iyon ni Savannah. Ibig sabihin ba nito may natatandaan na siya? Sinundan ko siya at nakita ko siya sa may parking lot. Hindi ako nagdalawang isip na tawagin siya.

"Savannah!" tawag ko sa kanya. Lumingon siya pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa paglalakad, kaya naman hinabol ko siya.

"Savannah ano ba, rumespeto ka naman kahit konti, nauna pa rin akong naipanganak sayo," sabi ko rito nang mahabol ko siya. At huminto naman siya. Sabay lingon sa akin.

"Anong bang problema mo? Ate!" sabi niya sabay diin sa huling sinabi.

"May naaalala ka na?" seryosong tanong ko.

"Paano kung sabihin kong oo? Anong magagawa mo?" seryoso niyang sabi na ikinakaba ko.

"Anong natatandaan mo? Natatandaan mo na  ba lahat? Kailan lang?" tanong ko rito.

Tumawa naman siya.

"Mukhang takot ka ata, Sabrina," sabi niya at lumapit sa akin.

Hindi ko napigilang masampal siya. Pero dahil kilala ko ito si Savannah at alam kong gaganti 'to. Nasa akin ata ang swerte ngayon kaya hinayaan ko siyang saktan ako.

"Sabrina!" sigaw ni Jade at mabilis na tumakbo sa gawi namin at naitulak nang malakas si Savannah at tumama ang likod nito sa side mirror ng sasakyan nito. Dahil hambog siya hindi niya pinakitang nasaktan siya.

Mabuti na lang talaga at agad kong nakita ang kotse ni Jade, kasi kapag nagkataon ay makikita niya kaming nagkakasakitan. Tumingin ako sa gawi ni Savannah at nakatingin siya sa amin ng masama.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Sav? Akala ko ba hindi ka papatol sa babae kahit anong mangyari? Talagang si Sabrina pa ang sinaktan mo!" galit na sabi ni Jade pero as usual makikita mo na naman sa mukha ni Savannah ang reaction na sobrang kinapipikunan ko, ang reaksyon niyang nagsasabing 'wala akong pakialam'.

"Oops! Oops! What's happening here?" biglang sulpot ni Jeff, yung lalaking sunod nang sunod sa akin, kahit saan ako magpunta.

"Sinusundan mo na naman ba ako?" galit na tanong ko.

"Wow, gandang-ganda sa sarili ah, hindi ikaw ang pinunta ko, yung kapatid mong si Lawrence, nagkataon lang talagang nakita ko kayo," makahulugan niyang sabi. Sa tingin ko nakita niya lahat nang pangyayari.

"Huwag kang sumingit dito Jeff, and Savannah, naghihintay pa rin kami sa sorry mo," sabi ni Jade na seryosong nakatingin kay Savannah na ngayon ay sinisilip na ang likuran niyang tumama sa side mirror niya.

"Savannah, you're bleeding," biglang sabi ni Jeff at lumapit kay Savannah.

Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Jade kaya naman kailangan ko siyang pigilan. Lumalabas na naman ang tunay niyang nararamdaman. Nakita ko na siya na mukhang pumupunta sa direction ni Savannah.

"Jade," tawag ko sa kanya at umaktong nahihilo.

Agad niya akong inalalayan at sinakay sa kotse niya pero alam kong nakatingin pa rin siya sa gawi ni Savannah.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now