CHAPTER 12 • Cooper's Feelings

938 37 2
                                    

Cooper's Pov:

Mahigit isang buwan na simula noong hindi ko kinakausap si Savannah. Ang sabi niya ba naman ay ihahatid ako pero hindi nangyari yun, hindi siya dumating. Siguro dahil sobrang busy siya sa gaganapin na kasal niya. Pero nakakapagtaka lang na biglaan na lang siyang ikakasal.  Simula ng magcollege kami ay hindi ko man lang napansin yan na nagkaroon ng crush or paghanga sa kahit sino mang lalaki. Nagpapasalamat nga ako na kinakausap niya ako. Pauwi na ako ng Pinas ngayon, may medical project kami sa ibang bansa nitong mga nakaraang buwan. Kaya gusto ko siyang makita agad-agad. Pagkadating ko ng airport ay hindi na ako nag-expect na may sasalubong sa akin kaya dire-diretso na ako sa Exit. But someone hug me from behind.

Lumakas bigla ang tibok ng puso ko. I know someone na mahilig mag-ganto lalo na't nagtatampo ako.

"Savannah, hindi na talaga ako magtataka kung isang araw magtapat ka sa akin at sabihin na crush mo ako," biro ko sa kanya.

Bumitaw naman siya agad at binatukan niya pa ako. Napakasadista talaga. Napakamot na lang ako sa may batok ko.

"Wag kang feeling, ikaw na nga lang bestfriend ko, mag-gaganyan ka pa," sabi niya pa. Pilit na ngiti naman ang sinagot ko sa kanya.

Bestfriend! What a wonderful word. But it hurts me.

"Ikaw na nga lang bestfriend ko eh! Ay, wow! Anong tingin mo sa amin ni Angel? Tao-tao? Ganun?" singit ni Ellyssa na katabi ngayon ang patawa-tawa na rin na si Angel. Nandito rin pala ang mga to.

Nagkatinginan naman kami ni Savannah at sabay na natawa sa inasta ni Ellyssa.

"Ito naman, sinusuyo ko lang ang isang to, sumingit ka pa," depensa naman ni Savannah.

"Anong suyo-suyo? Kayo? Kayo? Hala ay wow! Naglilihim na talaga ah," sabi ulit ni Ellyssa. Ang ingay talaga ng bibig nito.
Hinila naman siya bigla ni Angel at may binulong si Angel dito. Lumaki naman ang mata ni Ellyssa at dali-daliang tumango.

"Ah, haha! Oo nga pala, ikaw naman kasi Savannah, hindi sumisipot," awkward niyang sabi.

"Hayaan niyo na, baka busy naman kasi siya sa kasal niya, kaya ganun," sabi ko.

Nagkatinginan naman si Ellyssa at Angel.

"Busy naman pala sa kasal," sabay na saad ng dalawa.

"Kasal?" naisigaw na tanong ni Ellyssa.

Hindi nila alam? Tiningnan ko naman si Savannah na ngayon ay nakayuko na. Hindi nga nila alam, at mukhang ako pa talaga ang nakapagsabi. Lagot ako nito.

"Hindi niyo alam?"  tanong ko sa dalawa na nakatingin na rin kay Savannah.

"Bakit di mo pinaalam?" tanong ko naman kay Savannah.

"Teka nga lang, nanakit na yung legs ko kakatayo, besides nasa gitna tayo ng airport. Uso naman siguro ang umalis dito no?" pagputol ni Angel ng awkwardness na namamagitan sa aming apat.

"Oo nga naman, gutom na rin ako eh. Mamaya na natin yan pag-usapan. Unahin niyo na muna ang pagwelcome sa akin," saad ko at sinakyan na lang ang trip ni Angel.

"Savannah, nakakatampo ka, pero sige unahin na muna natin ang pagwelcome kay Cooper, gutom din ako eh," dagdag naman ni Ellyssa.

Palabas na kami ng airport. Ang tahimik pa rin ni Savannah. Naninibago ako, hindi ganto ang kilala kong Savannah.

"I'm sorry," sabi ko at hinawakan ang kamay niya habang naglalakad kami. Hinayaan niya naman ako. Ibig sabihin hindi siya galit sa akin, o wala lang talaga siya sa saili niya.

"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya kumibo at tiningnan lang sina Ellyssa at Angel na nauna sa aming maglakad.

Pumunta kami sa isang restaurant at pareho pa rin silang tahimik. Kasi kapag tahimik ang isa, tatahimik na 'yan lahat.

"Wala kang balak mag-kwento bes?" tanong ni Ellyssa. Hindi nga nakapagpigil.

"Magtanong na lang kayo, mahirap mag-kwento," simpleng sabi ni Savannah. Ganyan naman siya lagi, parang walang pakialam sa mundo.

"Kailan ka ikinasal?" tanong agad ni Angel.

"Nung araw na nakitulog ako sa condo mo," diretsahang sagot ni Savannah.

"Bago lang pala, hindi mo talaga kami nagawang iinvite no?" si Ellyssa naman ngayon ang nagsalita. Mukhang magrereklamo na.
."Bukod sa pari, pamilya niya lang at pamilya ko ang nandun," sagot naman ni Savannah.

"Kasal ba 'yung ganon?" nagtatakang tanong ni Ellyssa.

Tumango lang si Savannah. Kaming tatlo naman ay nagkakatinginan. Nagtuturuan kung sino pa ang magtatanong.

"Sino ang asawa mo?" seryosong tanong ni Angel.

"Ang crush ni Ellyssa," natatawang saad niya habang nakatingin kay Ellyssa.

"Saan 'dun?" nagtatakang tanong ni Ellyssa. Sa dami ba naman ng crush ng babaeng 'yan.

"Si Tolentino," singit ko sa usapan.

Takang tumingin naman sa akin si Savannah. Marahil ay iniisip niya kung bakit ko kilala. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa lalaking 'yun? Kahit nga siguro bata ay kilala 'yun. Ibahin niyo lang si Savannah, dahil baka alam niya lang ang mukha, hindi ang pangalan.

"Si Tolentino? As in, yung si Jade Axel?" manghang tanong ni Ellyssa. Dinikit niya pa talaga ang mukha niya sa mukha ni Savannah.

Tumango lang si Savannah na ikinatili naman agad ni Ellyssa. Kahit kailan talaga ang babaeng 'to walang pinipiling lugar. Pinagtitinginan tuloy kami. Tumayo naman ako at nagsorry sa mga nandun.

Nakakapagtaka at mas lalong umingay.

"Papansin ka talaga 'no? Alam mo namang gwapo ka tatayo-tayo ka pa dyan," natatawang saad ni Savannah na ikinapula ata ng pisngi ko.

"May ganon? Nandito po kami, baka nakakalimutan niyo," saad naman ni Ellyssa na mas lalong ikinahiya ko. Paano na lang kung mapansin ni Savannah na itinutukso siya nina Ellyssa sa akin.

"Manahimik ka nga Lay," sita sa kanya ni Angel.

Mabuti pa ang isang 'to marunong makiramdam.

"You're welcome," bigla niyang sabi sa akin na ikinangisi ko na lang.

Natahimik kami ng ilang minuto dahil nag-kanya-kanyang kain na rin. Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone ni Savannah.

"Sino ba kasi 'to?" kunot-noo niyang tanong habang kaharap ang cellphone. Mukhang badtrip na badtrip siya.

"Hello?" may halong inis niyang turan.

"Sino?" tanong niya sa kung sino mang nasa kabilang linya.

"Nasaan ba siya? Hindi ba siya makakauwi mag-isa? Tutal nandyan din naman kayo, ihatid niyo na. Wala ako sa bahay," inis niya na talagang turan.

Galing sa pagkakakunot ng noo ay biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.

"Okay, sige! Send me the address, hintayin niyo ako," sabi niya at binaba ang tawag.

"I'm sorry pero kailangan ko na munang umalis," nahihiya niyang turan sa amin.

"Bakit? Saan ka?" tanong ko. Kahit mukhang alam ko naman ang sagot.

"Kay Jade, lasing daw. Hinahanap ako," sabi niya sabay tayo.

Tinatanaw lang namin siya hanggang makalabas.

"Okay ka lang?" diretsong tanong sa akin ni Angel.

"Okay lang, kaya ko pa," mahinang sabi ko.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now