CHAPTER 6 • It's a Yes

1K 45 1
                                    

Gun's Pov:

We're having a dinner right now together with Kuya Jade's family. Kinakbahan ako dahil natatakot na ako sa expression ng mukha ni Ate. Kanina ay okay lang naman siya kasi nga sinuhulan lang naman siya ni dad ng bagong sports car kapalit ng pagiging masunurin niya tonight. Hindi nga pinalagpas at sinubukan agad. Kanina 'nung pagpasok na pagpasok pa lang namin ay kitang-kita na ang malalaking ngiti nila except kay kuya Jade na  parang kulang na lang patayin si ate Savannah dahil sa paraan ng pag tingin.

"Good evening," cold na bati ni kuya Lawrence. Okay walang pong bago. Taglamig po siya ipinanganak kaya cold siyang tao.

"Good evening po," magiliw na bati ko. Hindi yan pilit, nagkukusa yan. Dapat maging friendly para laging happy.

Napansin ko naman na nakatingin na sila kay ate  Savannah na ngayon ay nakikipagtitigan na rin kay kuya Jade. Si mommy at mommy ni kiya Jade ay kinikilig na. Ang iba naman ay nakangiti na. Pero sa totoo lang  parang may volt na sa pagitan ng mga tingin nila.

"Ate, greet them, they are waiting,", bulong ko kay Ate, kaya naman tumingin siya sa mga ito at napakabilis napalitan ng ngiti yung kaninang nakakatakot niyang mukha.

"Good evening po, nice to meet you," sabi niya na may napakalaking ngiti sabay lapit sa mga ito at nakipagbeso.

"Napakasweet na bata," sabi naman ni Mrs. Tolentino.

Patago naman akong natawa, pati na rin si Kuya Lawrence. Minsan lang 'yan.

"Bussiness smile, peke!" panggagaya ko sa sinabi ni ate kanina dun sa mga nag-ayos sa kanya. Tiningnan niya naman ako ng masama.

"Why are we still standing? Come, take your seats," sabi nung mommy ni kuya Jade, si Mrs. Tolentino.

Nagsimula na kaming kumain, pero hindi pa rin namin alam kung bakit may paganito.

"Napakatagal ko nang hindi nakita ang batang ito, bakit nga ba ngayon ko lang ulit nakita ang anak mo Arturo, after that accident wala na akong narinig mula sa kanya?" biglang sabi ni Mr. Tolentino na naging dahilan para mabuo ang tensyon sa lamesanh 'yun.

"She stayed somewhere for good," sabi ni Dad. Half truth, half lie.

"In US?" tanong ulit ni Mr. Tolentino, what a nosy old man.

"Yes," simpleng sabi ni Dad.

"US daw!" sabay pang bulong ni Ate Savannah at ni Kuya Jade.

"Talaga ba? Iha kamusta buhay sa US?" tanong ni Mr. Tolentino kay Ate. Si Ate naman nangangapa na ata ng maisasagot.

"Okay lang naman po, sir!" sabi ni Ate.

"Don't call me sir, you can call me dad, soon!" nakangiting turan nito.

Sinita naman ni Kuya Jade ang tatay niya pero natawala lang ito. What's happening?

"Do you had boyfriends before?" tanong naman ni Mrs. Tolentino.

Ramdam ko ang inis ni ate sa tanong na yun.

"None, not interested," tipid na sagot ni Ate,

Mukhang napahiya si Mrs. Toelntino 'dun.

"My son too, iha,".nakangiting turan nito. Mukhang mabait naman siya. Hindi ata siya naoffend kay ate.

"My son too daw, eh napakaiyakin nga niyan kagabi, iniwan pa nga," bulong ni Ate. Sana ako lang ang nakarinig. Pero mukhang narinig ni Kuya Jade.

Magkatabi lang naman silang dalawa. Baka naman sila ang dahilan kung bakit kami nandito? Oo nga, hala!

Biglang nag ring ang cellphone ni ate na ikinatahimik namin lahat.

"Excuse me po," sabi niya at tumayo.

"Savannah Everleigh," tawag sa kanya ni Dad.

"Let her Dad, it's just a call, malay mo importante," sabi naman ni Kuya Lawrence.

Tinatanaw ko si Ate, kita ko na naman ang iba't ibang reaksyon sa mukha niya. Malamang ka.close niya ang kausap niya. Kasi kapag hindi, straight face lang yan. No reaction at all.

"Kuya Lawrence, pustahan tayo, aalis yan ngayon dahil sa?" bulong ko kay Kuya Lawrence, hindi naman pansin ng iba, may sarili silang mundo eh.

"Lalaki," sabay naming sabi. Napatingin naman sa amin si Kuya Jade.

Natawa naman kami pero nahinto lang 'yun dahil sinita kami ni dad. Damn this formalities. Tumahimik na lang ako at pinagmamasdan ang iba pa naming kasama. Tahimik lang naman silang kumakain. Hanggang sa dumapo anh tingin ko kay kuya Jade na sobra ang pagkatitig kay ate Savannah. Tapos si ate Sabrina naman, titig na titig kay Kuya Jade. Ano meron?

Bumalik si ate nang busangot ang mukha. Normal lang pala sa kanya ang ganoonh reaksyon. Kaya hinayaan ko na lang. Ikakain ko na lang itong confusions ko.

"Aalis na po sana ako, kaya kung may sasabihin kayo, pakisabi na lang po ngayon," sabi ni ate at hindi na umupo ulit. Lagot na naman siya kay Dad nito.

"Savannah manners," sita ni Dad sa kanya.

"Sorry, but I really need to go," sabi ni ate at tumitingin-tingin sa cellphone niya.

"You and my son are engaged," diretsong saad ni Mr. Tolentino. Napanganga naman ako,

"What?" biglang sabi ni ate Sabrina. Nagulat naman kami at napatingin sa kanya.

"Is there a problem? My dear sister?" nakangising turan ni ate Savannah kay ate Sabrina.

"Oh, I'm sorry. Nagulat lang, congratulation sis," biglang sabi ni ate Sabrina nang mapansin niyang nakatingin kami sa kanya lahat.

"Payag ka?" tanong ni ate Savannah kay kuya Jade na ngayo ay wala ng kaimik-imik.

Tumingin muna si Kuya Jade kay ate Sabrina. Pero walang reaksyon si ate Sabrina.

"Choose the best answer bro," saad ni kuya Lawrence halatang may halong pagbabanta.

"May magagawa ba ako dad?" seryosong tanong ni Kuya Jade sa tatay niya.

Hindi sumagot ang daddy niya at nagkatitigan lang sila. Mukhang nag-uusap sila through their eyes. Ilang saglit pa ay serysong tumatango-tango si kuya Jade. He took a deep sigh bago niya kami tiningnan isa-isa. Hindi ko alam if guni-guni ko lang ang lahat pero parang may something sa kanila ni ate Sabrina. Dahil kanina pa sila nagkakatinginan. Hindi ko alam if napansin ng iba, o dahil sadyang mapagmatyag lang ako.

"Then it's a yes," sabi niya pa habang nakatingin kay ate Sabrina.

Nakangising pailing-iling na lang si ate Savannah habang nagpapalitan ng tingin kay ate Sabrina at kay Kuya Jade.

Nagulat na lang kami ng biglang tumalikod si ate at tinungo ang exit. But bago oa siya makalabas ay lumingon siya sa amin.

"Then for me, it's a yes, see you soon. Adios!" sabi niya at tuluyan ng umalis.

Ceo's Hidden WifeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin