CHAPTER 15 • His Secretary

1K 44 6
                                    

Savannah's Pov:

Inaantay kong umalis muna si Jade bago ko kausapin itong mga kaibigan ko na kanina pa ako tinitingnan mula ulo hanggang paa.  Akala mo naman may ginawa akong kasalanan bukod sa hindi ko pagsabi na may asawa na ako.

"Alis na muna ako, bye," sabi ni Jade na nakasout na ng kanyang bussiness suit. Lumapit siya sa akin hinalikan ako sa noo. Ang galing talagang umakting ng isang to.

Sabay namin siyang tiningnan na makalabas ng main door. Nagtitigan kaming magkakaibigan. Nang tumunog na ang sasakyan ni Jade ay tsaka na sila nagsimulang magsalita.

"So anong kwento? Ganun-ganun na lang? Kung hindi pa kita napilit na sabihin sa akin ang address niyo ay mukhang hindi ka na naman magpaparamdam sa amin," sabi ni Ellyssa. Ganito rin kaya ang bunganga nito habang kausap si Jade?

"Anong walang balak magparamdam? Matagal lang akong nagising, naka-off pa cellphone ko, nakatulog ako ng maaga kagabi kaya hindi ko na naisip na icharge," pagrarason ko.

"Maagang natulog, matagal nagising? Sinong inuuto mo? Naghoneymoon siguro kayo 'no?" walang kabuhay-buhay na saad ni Angel.

"Hindi ah," depensa ko. Naikinailing nilang tatlo.

"Hindi daw, how can you explain the hickeys on your neck? Hindi nakatulong ang sweatshirt mo,"" saad bigla ni Cooper at nginuso ang leeg ko.

"Okay, siya may gawa niyan. Pero walang nangyari," sabi ko. Wala naman talaga.

Pero masakit pa rin. Alam ko sa sarili kong nanghinayang ako nang hindi namin naituloy, pero masakit talaga eh.

"Huh? How?" nalilitong tanong ni Ellyssa.

"Kailangan ko talagang i-explain in details?" sarcastic kong tanong. Napangiti naman siya at umiling.

"Mahal mo?" tanong bigla ni Cooper na ikinatahimik namin lahat.

Nagkatinginan kami bago ako makasagot.

"Hindi! Hindi pa" sabi ko.

"Hindi? Pero bakit mo pinakasalan? Hindi pa? So posible?" tanong niya ulit.

"Ayoko lang magsalita ng tapos, dahil hindi naman ako sigurado sa mangyayari bukas, o sa mararamdaman ko bukas, ganun lang 'yun," sabi ko naman.

"Pero bes, what if si Jade? What if mapabago ka ni Jade?" seryosong tanong ni Angel.

"Anong kailangang magbago sa akin? Kailangan ko bang magbago?" inis na tanong ko.

"Hindi yan ang ibig niyang sabihin. Pero Savannah, paano nga diba? Isa pa sa malaking tanong namin ay bakit ka naikasal ng hindi namin alam, ang pinaka-shocking pa ay ikinasal ka sa tanong hindi mo na nga mahal, hindi mo pa kilala, at higit sa lahat crush ko pa," mahabang sabi ni Ellyssa.

"Pero okay lang, crush lang naman eh," dagdag niya.

"Jade and Sabrina. They are in relationship. Sabrina knows about the arrange marriage but he doesn't know who will be the groom. So she rejected it because of Jade. But she didn't know that Jade is the groom. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak ni Jade at pumayag siya sa kasalan na yun, at mas lalong hindi ko alam kung bakit pumayag ako, maybe dahil gusto kong pikunin si Sabrina, or maybe may ibang dahilan na hindi ko alam," I explained.

"Ay nabuang!" sabi ni Ellyssa at iling ng iling.

Tiningnan lang nila akong tatlo na parang nakakita sila ng pinakatangang tao.

"So anong plano mo? Matatali ka na lang sa kanya habang buhay? Kahit alam mong mahal ni Jade si Sabrina, at hindi ko sure if mahal ng malanding Sabrina na yun si Jade,"  biglang sabi ni Angel. Simula nung nagbreak sila ng boyfriend niya, parang naging katulad ko siya. Ilag na rin sa lalaki.

"Malamang hindi, sinabi ko na rin kay Papa ang tungkol dito, pero lagi niyang inirarason na bakit hindi ko na lang daw mahalin si Jade, besides he's one of a kind daw, ano naman magagawa ko 'dun?" sabi ko at nag-inat at naiangat pala ang sout ko kaya naman napanganga silang tatlo.

"Huy akala ko ba walang nangyari? Umabot sa puson mo ang mga kiss mark bes," tila kinikilig na turan ni Ellyssa. Nahihiya naman akong naibaba yun.

"Wala talaga," depensa ko.

My phone suddenly rang. My father's name appeard on screen.

I answered it, without saying hi or hello.

"Pumunta ka sa opisina ni Jade, wear something that appropriate as his secretary, got it?"sabi niya at magrereklamo sana ako pero binaba niya.

Alam kong wala akong trabaho pero bakit namin maging secretary niya pa?

"Bwesit! Bakit naman ako susunod?" inis na sabi ko habang nakatingin sa screen ng cellphone ko.

"Anyare?" tanong ni Ellyssa.

"Gusto ni Papa na pumunta ako sa opisina ni Jade na hindi ko alam kung saan. Gagawin pa ata ako na secretary," sabi ko na ikinatawa niya. Si Angel naman ay nakangiti lang, si Cooper naman at kanina pa tahimik.

"Anong alam mo as secretary?" natatawa pa ring tanong ni Ellyssa.

"Mas madali pa nga yun, ang problema ko lang, kahit bali-baliktarin mo pa yung laman ng closet ko, wala kang makikitang office attire," sabi ko ng marealized ko ang bagay na yun.

"Problema ba yun? Ako bahala sayo," sabi niya while showing her evil smirk. Naku naman. Kinakabahan ako sa ngiting yan.

Kasalukuyan kaming nasa condo ni Ellyssa. Hindi na sumama sa amin si Cooper, masama daw pakiramdam niya. Nakita ko ang sandamakmak na office attire sa higaan niya. Expected sa accountant ng barkada. Tiningnan lang namin ang bawat reaction niya sa pag-pair ng mga damit. Hanggang sa narealize ko na ang naiwan na lang sa higaan niya ay isang blouse na sobrang baba ng pagka-V, sigurado akong makikitaan ako niyan eh, blazer, at ramdam kong maikli sa akin yang skirt na yan, dahil sa aming tatlo akong pinaka-matangkad, si Ellyssa naman ang pinaka-maliit.

"Huy Ellyssa! Baka nakakalimutan mong may hickeys yang si Savannah," simpleng sabi ni Angel na parang hindi big deal ang hickeys sa kanya.

"Uso make-up, tatabunan natin yan, ako nga bahala diba?" confident naman na sabi ni Ellyssa.

"Perfect, soutin mo na dali," saad ni Ellyssa na may kasama pang tili.

Nandito na kami sa harap ng company ni Jade. Hindi ba sabi ko hindi ko alam? Pero baka nakakalimutan mong may number 1 fan si Jade sa barkada. Pumasok na ako at dumiretso na ako sa front desk.

"I'm Ms. Dela Torre, may I know kung saan ang opisina ni Mr. Jade Tolentino?" tanong ko sa babae.

Wala siyang sinabi na kung ano, tinuro turo niya lang ang kisame at elevator. May pasenyas pa na akyat. Hindi naman to mute ah? Nakita ko pa nga siyang may kausap kanina. Ayokong aksayahin ang oras ko sa kanya kaya naman dumiretso ako sa elevator. Sa mga kasabay ko na lang ako magtatanong.

Inaantay ko lang na magbukas ang elevator ngunit pagbukas naman nito ay niluwa si Sabrina at Jade.

Oh common' bangayan na naman ba?

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now