CHAPTER 34

677 26 3
                                    

Jade's Pov:

Tahimik lang kaming lumabas sa bahay ni Ellyssa. Nagtaka pa ako ng huminto si Savannah sa guard at kinausap pa ito saglit. Tumang-tango naman 'yung guard. Lalapit sana ako pero narinig ko na lang na nagpasalamat siya kaya hindi ko natuloy ang paglapit.

"May naiwan ka?" takang tanong niya sa akin.

"Wala, anong pinag-usapan niyo?" tanong ko.

"Ibinilin ko lang sa kanya ang mga kaibigan ko at kaibigan mo, baka kasi sobrang lasing na at magsisiuwi pa," sabi niya.

"Sinong niloloko mo? Malamang si Cooper lang naman talaga ang pinabantayan mo," pabiro konh turan.

"H'wag mo ng ipilit 'yang mga bagay na umiikot sa utak mo, ikaw din naman ang naapektuhan sa huli," sabi niya at lumapit sa kotse niya.

"Hindi ka sasabay sa akin?" tanong ko rito.

"Malamang sasabay, iisa lang dadaanan natin eh," walang kakwenta-kwenta niyang turan.

"I mean sa akin,'yung dito ka mismo sa loob," sarkastiko kong turan sabay turo sa kotse ko.

Tiningnan niya naman ako na parang sinasabing, bakit naman ako sasabay? Ewan ko talaga sa babaeng 'to. Pumunta na ako sa kotse ko pero ramdam ko na ang hilo kaya naman pumikit muna ako at sumandal sa sasakyan ko. Ramdam ko naman ang paglapit niya. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya kaya umakto akong hilong-hilo na talaga.

"Doon ka na lang muna sa koste, iwan na lang muna natin ang kotse mo sa garage nila Ellyssa," sabi niya.

Tumango na lang ako. Inalalayan niya ako papunta sa kotse niya. Binuksan niya ang back-seat. Bakit sa back seat? Tiningnan ko siya nang masama pero balewala lang sa kanya. Kinuha niya ang susi sa kamay ko at siya na ang nagpasok ng kotse ko sa garage. Walang imik siyang pumasok sa sasakyan niya at nagsimula nang patakbuhin ito.

"Pwede bang dyan ako sa harap? Mas lalo akong nahihilo dito eh," sabi ko. Pero umiling lang siya.

"Bakit naman hindi pwede? Napakadamot mo naman ata," sabi ko.

"Hindi pwede, tapos!" sabi niya pa.

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Hindi man lang nagdalawang isip na sabihing hindi pwede. Anong problema ng babaeng 'to? Napatanong naman ako kung bakit sinabihan ba naman akong nakareserve na daw.

"At kanino naman yun?" tanong ko.

"Secret, baka gulpihin mo pa 'yung tao, seloso ka pa naman," natatawa niya na namang turan. Konti na lang talaga ang pasensyang naiiwan sa akin. So anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya? Sino naman ang taong 'yun? Bago pa ako mapikon ay dali-dali naman akong lumipat sa harapan.

"Ano ba? Ang likot mo, nagmamaneho ang tao, higante ka pa naman," sabi niya na serysong nakatingin sa daan.

"Sabihin mo sa taong 'yun na na hindi na siya ang VIP sa upuang 'to," nakangisi kong sabi sabay upo. Napa-iling naman siya at tiningnan niya ako ng masama na may halong dissapointment. Ganon na ba kaimportante sa kanya ang seat na'to? Talagang ipagkakait pa ah? Paano kung family trip? Magsisiksikan sa likod ganon?

Hindi niya ako pinansin buong byahe. Sinubukan ko naman na kausapin siya pero lagi niyang sinasabi na nahihilo siya kaya manahimik ako. Hindi naman siya uminom kanina bakit naman siya nahihilo? Hanggang sa tumigil siya saglit at may kinuhang kung ano at kinain. Gutom pa siya? Sa dami ng nakain niya kanina?

"Gutom ka pa rin?" tanong ko sa kanya.

"Hindi naman, sadyang kapag kumakain ako nito nawawala ang sama ng pakiramdam ko," sabi niya na kinakunot ng noo ko. Ang weird naman yata 'nun.

Nagsuggest pa ako na ako na ang mag-drive pero humindi siya. Baka raw may balak akong magpakamatay madamay pa siya. Mas weird naman ang takbo ng utak nito. Buong buhay ko, hindi ko naisip na magpakamatay.

"Wala kong balak magpakamatay, lalo na't nandyan ka na," natatawa kong turan na ikinatahimik niya. Isang likuan na lang bahay na namin kaya nagulat na lang ako ng binilisan niya ang pagpapatakbo at pabagsak na inapakan ang brake ng nasa harap na kami ng bahay. Magrereklamo sana ako kaso nalunok ko ata ang sasabihin ko ng makitang nakatingin siya sa akin ng masama.

"Umamin ka nga sa akin, may gusto ka ba sa akin?" tanong niya. Nagulat naman ako, hindi dahil sa tanong niya kundi sa paraan ng pagkakasabi niya. . Hindi ba halata? Nangyari na sa amin 'yun pero hindi niya pa rin halata?

"Hindi mo na gets ang sinabi ko sayo doon sa resort?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Paano ko naman makukuha ang ibig mong sabihin, sabi mo nga kahit ikaw nalilito, aba! Lalo na ako," sabi niya. Wait lang, ganito ba siya kamanhid o loading lang talaga siya?

"I like you Savannah," sabi ko na ikinanganga niya. Hindi ko alam kung nagtatangahan lang siya o hindi niya tanggap na may gusto ako sa kanya.

"Like? Baka naman confused ka lang, hawig kasi kami, tapos ko lagi mong kasama, ganun lang 'yun," sabi niya at lumabas ng sasakyan na ikinailing ko.

Pagkababa nang pagkababa niya ng sasakyan ay walang lingon-lingon niya akong tinalikuran. Sinundan ko naman siya at nakita kong pumasok na naman siya sa guestroom na tinutulugan niya dati. Lumapit naman ako at kumatok doon. Binuksan niya naman yun at nagulat ako ng may makitang luha sa mga pisngi niya. Balak ko sanang hawakan ang pisngi niya pero naunahan niya na ako.

"Matulog ka na muna, susunod na lang ako," she said and shut the door.

"Hey, kausapin mo naman ako, sobrang confuse ako sa kinikilos mo," sigaw ko mula sa labas ng pinto. Bakit siya umiiyak.

"Kuya Jade, just let her, ganyan talaga si ate, ako na muna siguro ang kakausap," biglang saad ni Gun na kakalabas lang sa isa pang guest room.

"Ate, si Gun to, pwede mo ba akong papasukin?" sabi ni Gun sabay katok sa pintuan.

"Si Jade nandyan pa ba?" sabi niya mula sa loob. Nag-crack pa talaga ang boses niya. Ano bang nangyayari?

"Kuya alis ka na muna, sa pagkakataong mukhang hindi ka niya kailangan, sorry if I'm rude," sabi ni Gun sa akin.

"Wala na ate," dagdag niyang sabi habang nakatingin sa akin ng seryoso. Wala akong nagawa kaya umalis na lang ako at pumasok sa kwarto namin.

Ceo's Hidden WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon