CHAPTER 13 • Drunk

986 38 0
                                    

Savannah's Pov:

Hindi na ako natuloy sa pang gigisa nina Ellyssa at Angel nang may tumawag sa akin. Same number nang tumawag sa akin at naghahanap ng asawa niya.

"Sino ba kasi 'to?" napipikon kong tanong habang tinitingnan ang screen ng cellphone ko.

"Hello?" may halong inis niyang turan. Rinig ko namang nagkakagulo sila sa kabilang linya at may taong bumabanggit ng pangalan ko.

"Si Savannah 'to diba, si Jax kasi," sabi 'nung kausap ko. Jax?

"Sino?" tanong ko. Wala akong kilalang Jax.

"I mean si Jade," sabi naman niya.

"Nasaan ba siya? Hindi ba siya makakauwi mag-isa? Tutal nandyan din naman kayo, ihatid niyo na. Wala ako sa bahay," inis kong turan.

"Teka lang naman, lasing kasi siya. Then hinahanap ka, hindi naman namin alam saan ang bahay niyo, puntahan mo naman siya dito sa bahay niya oh," sabi ng nasa kabilang linya. Halatang nagmamakaawa dahil rinig na rinig ko ang pagmamaktol ni Jade.

"Okay, sige! Send me the address, hintayin niyo ako," sabi ko at agad binaba ang tawag. Tumingin naman ako sa mga kaibigan kong nakatingin na rin sa akin.

Nagpaalam ako sa kanila at pumayag naman. Kaya agad akong umalis at pumunta sa address na ibinigay sa akin.

Nandito na ako sa harap ng bahay na sinasabi 'nung kausap ko. Malaking bahay din 'to. Pero halatang wala ng tumitira. Sayang naman, hindi na lang sana sila bumili ng bagong bahay para sa amin. Pwede rin naman 'to.

Ano ba 'tong iniisip ko. Napabuntong hininga na lang ako at walang sabi-sabing pumasok sa bahay.

Nakita ko naman sila sa may sala. Pilit pinapakalma ng tatlong lalaki si Jade.

"Don't touch me, I'm married," paulit-ulit niyang sabi at patuloy na tinataboy ang mga kaibigan niya siguro. Ramdam kong namumula ako sa pinagsasabi niya.

"Ang arte mo Jax, kahit naging babae ka pa, hindi ka namin papatulan," sabi naman ng isa sa kanila kaya natawa ako.

"Excuse me," sabi ko na ikinabaling nilang lahat sa akin.

"Ikaw ba si Savannah?" tanong ng isa sa mga lalaki. Kaboses niya yung kausap ko sa phone. Tinanguan ko naman siya.

"Savannah? Savannah? How dare you call my wife so casual huh?" biglang harang sa akin ni Jade at tinuro pa sa mukha isa-isa ang mga kaibigan niya. Parang bata.

Babatukan ko sana siya pero wala akong natamaan. Natumba na ang loko mabuti na lang nagawa ko pa siyang masalo.

Agad naman lumapit sa amin ang mga kaibigan niya at tinulungan akong alalayan siya.

"Dalhin niyo na lang siya sa kotse niya, ako na lang ang magmamaneho," sabi ko.

Kanina pa ako naiilang sa tingin ng isa sa kaibigan niya.

"Why are you staring at me like that? Wala akong utang sayo, kaya please lang, wag masyadong makatitig, napipikon ako," sabi ko dun sa isa.

"Wag naman kasi titigan Lance, pagmamay-ari na nga ng kaibigan natin," sabi naman ng isa nilang kaibigan.

"Pagmamay-ari? Excuse me?" sabi ko rito na ikinayuko niya.

"Ikaw yun, yung sadistang tomboy na sinasabi ni Jade. Ikaw ang asawa niya?" biglang tanong niya.

Sadistang tomboy?

"Hindi ko alam, pero yes, I'm his wife, for now!" matigas kong sabi at binuksan na ang pinto ng sasakyan para maipasok na nila si Jade.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now