CHAPTER 14 • Annoying Visitors

954 42 10
                                    

Jade's Pov:

Nagising akong katabi si Savannah. Naaalala ko lahat. I remembered all of her reactions everytime I touched her. Aaminin kong nakaramdam ako ng saya nang malaman kong wala pang naka-una sa kanya. Natutulog pa rin siya ng mahimbing ngayon. Gusto kong tumayo na pero I think she's comfortable with our position right now. Nakayakap lang siya sa akin at sobrang himbing ng pagkakatulog. Nakatitig lang ako sa mukha niya, she's really beautiful. Hindi ko itatangi yun. Feeling ko kilala ko na siya dati. Feeling ko matagal na kaming magkakilala. Nilalaro ng mga daliri ko ang labi niya. Kumunot naman ang noo niya, mukhang naiinis siya sa ginagawa ko. Napatingin ako sa orasan at malapit ng magtanghali kaya naman kahit na mahimbing pa ang tulog niya sa bisig ko ay binitawan ko na siya dahil kailangan naming kumain.

Habang nagluluto ako ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Pagkatapos kong magluto ay aakyat sana ako ng may nag-door bell. Mukhang nandito na ang katulong na sinasabi ni Mom. Pero pagkabukas ko ng pinto, gusto ko tuloy na pabagsak itong isarado ulit nang makita ko yung lalaking boy bestfriend daw ni Savannah na nakatayo sa labas ng gate.

Wala sana akong balak na pagbuksan siya nang may sumigaw.

"Hoy, buksan mo. Gusto lang naming makita kaibigan namin," sigaw ng isang babaeng napakaliit pero ang lakas ng boses.

Kaya naman lumapit ako sa gate at pinagbuksan sila. Wala akong choice, magmumukha pa akong bastos. Diretso lang naman silang naglakad papasok ni hindi man lang ako binati. Napakagandang umaga nga naman.

"Wait lang ah, tulog pa kasi si Savannah. Tatawagin ko na muna siya," sabi ko at kinuha muli ang dadalhin ko sanang pagkain.

Sinilip ko naman sila sa living room. Yung isang babae ay nagkakalkal na sa mga CD's dun. Yung isa naman na maingay ang bunganga ay parang may tinatawagan. Yung lalaki naman ay malungkot na nakatingin sa picture naming dalawa ni Savannah na magkasama. Request yun ni Mom, kaya walang nakatanggi. Hindi talaga ako magtataka kapag may gusto ito sa asawa ko. Dahil halatang-halata naman, marahil nga pati si Savannah ay nababasa na siya. Sobrang obvious niya.

"Antagal naman," reklamo 'nung maingay na babae.

Ilang saglit pa ay bigla siyang sumigaw kaya naman pakiramdam ko nabingi ako saglit. Sinita naman siya ng isa pa nilang kaibigan.

"Huy! Manahimik ka nga, hindi mo bahay 'to," sabi niya 'dun sa sumigaw.

Rinig ko naman ang mga bagay na nagkahulog-hulog mula sa second floor at ilang saglit pa ay nakita na namin si Savannah na sout-sout ang t-shirt ko at satingin ko ay boxer ko rin ang sout niya pambaba. Napangisi ako bigla pero agad din naman nawala ng marealize kong wala palang sout na bra 'to, sa laki ba naman ng hinaharap alam kong makikita yun. Kaya naman nang pababa niya ng hagdan ay siya namang pag-akyat ko para harangan siya. Para tuloy kaming naglalaro ng patintero.

"Ano bang ginagawa mo?" galit niyang saad pagkatapos niyang mamula saglit. Cute.

"You're not wearing a bra my wife, I don't want that boy bestfriend of yours see the things I played last night," bulong ko na ikinapula niya at patakbong bumalik sa kwarto namin.

"Huy, hindi mo ba binibilhan ng damit kaibigan namin? Kaya dumating sa puntong pati damit ang nagshare na kayo?" tanong na naman nung maingay. Napangisi na lang ako.

"I'm sorry, but may I know your names?" tiningnan ko naman sila tatlo.

"Ay oo nga pala, I'm Ellyssa, fan mo," sabi niya. Fan ko?

"Angel here," sabi nung isa at patuloy na nagkakalkal ng CD's.

"Owh, you don't mind right?" dagdag niya at nakaturo pa sa mga kinalkal niya. Tumango na lang ako. Hindi na rin naman ako makakahindi kasi nauna na ang pagkalkal niya.

"You are?" tanong ko sa lalaking masama ang tingin sa akin.

"I'm Cooper, Cooper Alejandrino, your wife's soon to be husband," sabi niya at binulong pa ang huling mga sinabi. My wife's soon to be husband? Good luck lang. Magiging kayo kung maghihiwalay kami, pero kunh hindi kami maghihiwalay, you will never be my wife's soon to be husband.

"Really?" nakangising kong saad bago umakyat ng kwarto.

Nakita kong nagkakalkal si Savannah sa closet at kumuha ng mga damit. Sobrang pagmamadali naman ata ang ginagawa niya?

"Okay naman sa'yo yung damit ko, 'wag ka nang magbihis, pero bawal ka ring bumaba," sabi ko habang nakatingin sa kanya.  Gulat naman siyang napalingon sa gawi ko.

"Anong ginagawa mo rito? Lumabas ka nga, kitang nagbibihis ang tao rito," sabi niya habang nakatingin sa akin ng masama.

"Nakita ko na rin naman 'yan kagabi," nakangisi kong sabi.

"Talaga lang ah, subukan mong lumapit sa akin at masusuntok kita," sabi niya sabay hubad ng t-shirt ko. Nakatalikod siya sa akin pero kaharap niya naman ang salamin kaya kitang kita ko ang repleksyon niya. Sinasadya ba 'to ng babaeng 'to?

"What the hell are you doing?" inis na sabi ko na ikinatawa niya.

"Look at my body, napakarami naman ata nito," sabi niya habang hinahawakan ang mga hickeys na inilagay ko kagabi.

"Sinasadya mo ba 'to?" galit kong sabi.

"Sinasadya? Akala ko ba nakita mo na ang mga 'to? Anong kinakagalit mo dyan?" sabi niya.

"May banyo Everleigh," sigaw ko.

"Oo nga 'no?" tumatawa niyang turan at naglakad papunta sa banyo.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Sinubukan kong irelax ang sarili ko dahil may nagising na hindi naman dapat magising lalo na't may bisita sa baba. Napagdesisyunan kong mauna na lang sa baba, dahil baka ano pang magawa ko sa kanya kapag lalabas na naman siyang makahubad.

"Nasaan ang kaibigan namin?" tanong agad ni Ellyssa.

"Maliligo na raw muna siya," lumulunok kong saad.

"Bakit daw? Hindi naman mahilig maligo 'yun," natatawang turan ni Angel kaya natawa rin ang dalawa niya pang kaibigan.

"Joke lang, baka isipin mo naman agad dyan na dugyot ang kaibigan namin," natatawang turan ni Ellyssa.

Ngumiti na lang din ako. Hindi ko alam ang isasagot ko.

"She's here," nakangiting sabi ni Cooper habang nakatingin sa may hagdan.

"Ang gaga, nagsweatshirt pa ang init naman," bulong ni Ellyssa kay Angel.

"Manahimik ka nga," sita niya naman dito.

"Hi babe," biglang bati ni Cooper.

Kumunot naman ang noo ko pero nawala 'yun ng mapansin ko ang tingin ni Angle sa akin at mukhang matatawa na.

"H'wag kang magselos, ganyan lang talaga sila," natatawang sabi niya.

Ako nagseselos? Impossilbe.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now