CHAPTER 19 • Paranoid

890 42 6
                                    

Sabrina's Pov:

Naiinis ako sa kadahilanang parang affected si Jade sa nakikita niya ngayon. Naglalandian sa harap namin si Savannah at ang kaibigan niyang si Cooper. Kaya nilingon ko si Jade at mukhang hindi na nga maganda ang timpla ng mukha niya. Nakumpirma ko ang duda ko kay Jade nang umalis siya ng walang pasabi. Nakita ko rin na nakatingin sa kanya si Savannah. So anong meron? Narealized na ba nila ang feeling nila sa isa't isa? Hindi naman maaari 'yun. Sinundan ko si Jade hanggang sa opisina niya. Walang reaksyon niya akong tiningnan. As if hindi niya ako kilala.

"So ano 'yun Jade? Sabihin mong mali ang iniisip ko sa paraan ng kinikos mo kanina," inis na sabi ko sa kanya.

"Ano bang pinagsasabi mo?" kunot-noo niyang tanong din sa akin.

"Hindi ba sabi ko sayo, bawal ka sa opisina ko, just wait me outside if you want to talk to me?" sabi niya na ikinainis ko. So ano ngayon? Iniiba niya ang usapan?

"Matanong nga kita, nagseselos ka ba? Nagseselos ka ba kay Cooper at Savannah?" tanong ko ulit na ikinatigil niya.

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, and bakit ganyan ang reaksyon mo? Hindi kita girlfriend Sabrina, alam mo yan," sabi niya sa akin na siyang naging dahilan para ako ang matigilan ngayon.

"I'm sorry!" saad niya nang marealize niya ang nasabi niya.

"Yes, hindi mo nga ako girlfriend. Pero akala ko ba Jade na mahal natin ang isa't isa, na mas mahal mo ako sa kahit na sino man? Kaya kahit wala na tayo, kahit pagpapanggap lang 'to para matakpan ang relasyon niyo ni Savannah. Pero Jade naman, nangako ka, nangako ka sa akin na hihiwalayan mo si Savannah at bumalik ka sa akin, nangako ka Jade," sabi ko.

"Alam kong nangako ako Sabrina. Alam mo rin na mahal kita, kaya utang na loob, wag mo naman pagdudahan ang nararamdaman ko sayo, kung iba ang pagkakaintindi mo kanina sa ikinilos ko kanina, I'm sorry. Masama lang ang pakiramdam ko, masyadong occupied ang space ng kwartong yun, alam mo naman na ayaw ko sa ganun," saad niya. Kahit ramdam kong sincere siya ay hindi pa rin ako mapakali.

Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako, kahit na ganun ang mga sinabi niya, alam kong nagseselos talaga siya. Hanggang ngayon ba naman si Savannah pa rin? Hindi na siya naaalala ni Savannah, at sana hindi na, kailanman. Bumitaw ako sa yakapan namin at akmang iiwan siya. Pero nakita ko si Savannah na papasok sa opisina ni Jade kaya naman bumalik ako sa gawi ni Jade at hinalikan siya dahil gusto kong makita ang reaction ni Savannah.

Binuksan na ni Savannah ang opisina at nakita niya nga kami. Pero hindi ko taliwas sa inaasahan ko ang naging reaksyon niya.

"Ay jusko, I'm sorry, please get a room,"  sabi niya at tinakpan pa ang mata niya. Hindi yun ang reaksyon na inaasahan ko.

Agad naman bumitaw si Jade sa halik nang marinig ang boses ni Savannah. Kitang-kita sa mukha niya ang kaba. Sabihin mo sa akin Jade na wala kang nararamdaman sa kapatid ko. Ibang-iba anh nakikita ko sa sinabi mo kanina lang.

"Savannah," tawag ni Jade dito. Tinanggal naman ni Savannah ang pagkakatakip sa mata niya.

"Let me explain, I'm," sabi ni Jade pero pinutol ni Savannah ang sasabihin nito. Tama ba ang pagkakaintindi ko? Gustong mag-explain ni Jade sa nangyari? Bakit? Wala siyang dapat i-explain dahil alam naman ng babaeng 'yan kung anong meron kami.

"No need to explain sir, hindi ka dapat nag-eexplain sa empleyado mo," matigas na sabi ni Savannah.

"But gusto kong mag-explain bilang asawa mo," sabi ni Jade na ikinanganga ko.

"Teka lang, 'wag mong gamitin ang salitang 'yan. Feeling ko tuloy may kasalanan ka sa akin," sabi niya at mukhang naiiyak na ano.

"I'm sorry," sabi ni Jade. Anong kalokohan 'to? Nakakalimutan ba nilang nandito pa ako.

"Okay lang naman, may relasyon naman talaga kayo, may nararamdaman kayo sa isa't isa, besides kinasal lang naman tayo dahil sa hindi ko alam na dahilan," natatawang saad ni Savannah. Napakagaling talagang umarte ng babaeng 'to.

Tahimik lang si Jade na nakatingin kay Savannah. Kaya naman nilapitan ko siya. Mukhang nagulat pa siya na nandito pa ako. Sobrang na-offend na ako sa nangyayari pero natitiis ko pa. Ayokong magmukhang masama sa harap ni Jade.

"Pero gusto ko sanang magpaalam, tapos naman na rin po ang mga gawain ko, wala ka rin namang meetings this afternoon," saad ni Savannah. Lumingon pa siya sa akin saglit bago binalik anh tingin kay Jade.

"Nagkayayaan kasi sila Kuya Lawrence, kaya pwede bang  sumama na muna ako kayla Cooper at sa mga kapatid ko? May drag race lang po kaming gustong puntahan,"  dagdag niyang sabi. Drag race? Dyan nga siya nadisgrasya dati, uulit na naman. Sana matuluyan ka na.

"Drag race? Hindi ba't napahamak ka na dahil 'dyan?" sabi ni Jade na ikinakunot ng noo ni Savannah.

"Bakit mo alam? Don't tell me nangalap ka ng informations about me?" plain na tanong ni Savannah. Pero alam ko deep inside ay galit na 'yan.

Hindi sumagot si Jade kaya tumango-tango na lang si Savannah.

"Okay whatever, aalis na ako. Again, please get a room! Nakaglass ang office mo, sir!" sabi niya at pumunta sa table niya na ngayon ko lang napansin na nasa loob din ng office ni Jade.

Akmang pupunta si Jade sa gawi niya kaya pinigilan ko siya.

"Jade, let her, matagal niya na yang hilig. Baka hindi na yan babalik dito kapag pinigilan mo yan, besides nandyan naman sila kuya eh, and yung cooper na 'yun," sabi ko. Tiningnan lang ako ni Jade.

"Okay, sige, mag-ingat ka, kayo!" sabi ni Jade sa kanya. Tumango naman si Savannah at ngumiti.

Tatalikod na sana si Savannah nang tawagin ko. Kita ko ang inis sa mukha niya nang lingunin ako. Kahit kailan talaga pikon.

"By the way, Savannah, boyfriend mo si Cooper? Nice catch sis," sabi ko rito.

"H'wag mong lagyan ng malisya ang pagkakaibigan namin, mas mabuti pang pagtuunan mo ng pansin kung anong meron kayo,"  sabi niya at tinalikuran kami.

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now