CHAPTER 5 • Soon to be Husband and Wife

1.1K 43 0
                                    

Jade's Pov:

Nandito kami sa bahay ko kung saan inaantay dumating ang mga kaibigan ko. Gusto kong ilabas sa kanila ang mga dinadamdam ko. May sariling utak naman ako, at matanda na ako para kontrolin pa ng mga magulang ko.

Sabay naman silang pumasok sa main door na may nakakapikon na ngisi.

"Ayan na," sabay bato sa akin ni Lance ng brown envelope.

"Ano 'to?" tanong ko pa.

"Baka nakakalimutan mong may inutos ka sa akin," sabi niya na ikinatango ko na lang.

Binuksan ko naman 'yun at wala akong makitang iba bukod sa mga pictures niya. Para talagang tomboy. Alam kong may half sister si Sabrina, and mukhang siya nga. Pero ng isa sa mga pictures ang atensyon ko. Larawan ito ng sasakyang nabangga.

Agad naman akong tumingin kay Lance and napatingin naman siya sa akin bigla.

"Nanindig balahibo ko sa titig mo, anong iniisip mo 'dyan?" tanong niya sa akin.

"What is this?" tanong ko sa kanya at pinakita ang pictures. Nakitingin naman sa picture ang dalawa ko pang kaibigan.

"Oo nga pala, naaksidente siya, siya ang nagmamaneho, but ilang taon na rin naman ang nakalipas, 'yun lang ang nakalap ko," sabi niya.

Bigla naman akong kinabahan at walang ibang nasabi kaya tumango na lang.

"Wait ang awkward, so bakit mo kami pinapunta? Mr. Sad Boy?" tukso ni Jacob.

"Baka ikakasal," natatawang turan ni Khairro na ikinatahimik ko.

Parang nakuha nila ang ibig-sabihin ng pagiging tahimik ko.

"So ikakasal ka nga? Kaka-break niyo lang ah? Nagkabalikan ba kayo at papakasalan mo na agad para walang takas?" tanong ni Lance.

"No it's not like that. Dad decided it," sabi ko.

Nagsitinginan naman silang tatlo.

"So hindi kay Sabrina?" tanong ni Jacob.

"Hindi, at kahit anong pagtanggi ko sa mga magulang ko hindi ko magawa. Nagplano silang ipakasal ako sa taong hindi ko naman kilala. Kung sino man itong babaeng to sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay niya sa piling ko. Nang maisipan niyang hiwalayan ako," mahabang saad ko.

"That's rude, babae pa rin 'yun, hindi ikaw 'yan Jax" saad ni Lance. Nakahiligan niya na talaga ang Jax.

"Chill ka lang naman bro, aba malay mo rin ayaw sayo nung babae," saad ni Khairo.

"Sa gwapo kong 'to? May aayaw?" mayabang na saad ko.

"Hambog," saad ni Jacob at tumawa ng tumawa.

"Oo bro meron, may kilala ako, dalawa,"  sabat naman ni Lance.

Tiningnan ko naman siya at halata na nagpipigil siya ng tawa. Alam ko  na ang timatakbo sa utak ng isang 'to. Pinipilit naman siya nina Jacob and Khairo. Siya naman at tumawa na lang ng tumawa. Hindi niya na napigilan.

"Si Sabrina," sabi niya pa. Natigilan naman siya sa sinabi niya at tumikhim.

"And yung babaeng may kasalanan niyan, si Savannah," dagdag niya na ikinakunot ng noo 'nung dalawa.

Mukhang hindi rin nila napansin ang pasa sa mukha ko. Anong problema sa mga mata ng mga tao ngayon? Ngumisi na lang ako.

"Ibang usapan ang tomboy na yun," sabi ko sabay tingin sa litrato niyang nasa kamay ko.
Tanong naman ng tanong si Jacob kung sino daw si Savannah, maganda ba daw. Kaya naman itinuro ni Lance ang picture ni Savannah. Hinablot naman agad iyon ni Jacob. Kapag usapan talaga ay mga babae nagiging super active talaga.

Hindi ko alam kung bakit, pero nainis ako sa tanong ni Jacob. Kaya tumayo na muna ako at pumunta sa kusina. Maririnig ko pa rin naman sila mula rito.

"Maganda, sobrang ganda. Pero gaya nga nang sabi ni Jade, mukhang tomboy, pero hottie pa rin naman, parang si Sabrina lang," sabi naman ni Khairo.

"Maganda nga, alam mo address 'tol?"  tanong ni Jacob kay Lance na ikinapikon ko na talaga.

"H'wag na, wala kang pag-asa 'dun," sabi naman ni Lance na ikinangisi ko.

Nilapitan ko naman sila at nagrason na tinawagan ako ng tatay ko at may dinner kami sa labas. Kaya naman nagsialisan na sila. Nang makaalis na sila ay bigla namang tumawag si dad at sinabing may dinner kami together with my soon to be wife. Nagkadilang-anghel pa ako.

Mag-gagabi na kaya naman umalis na ako ng bahay at pupunta sa address na binigay ni dad. My favorite restaurant but hindi na ata ngayon, kasi lagi kami rito ni Sabrina. But she's not with me right now. Hindi naman nagtagal ay nasa sinabing restaurant na ako. I think it's reserved, walang ibang tao bukod sa mga tauhan. Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba. Sakto namang may kakarating lang na sasakyan at nagsibabaan ang mga sakay nito.

Kilala ko ang mga 'to, ang mga Dela Torre. Natuwa ako dahil baka si Sabrina ang papakasalan ko but my expectations ruined when I saw a man standing beside her. They pretty close to each other. How intimate.

Kita ko ang pag-kagulat sa mukha niya ng makita ako, ako nga ay nagulat din.

"Good evening, Arturo," bati ni dad kay Mr. Dela Torre. Hindi ko napansin na nandito na pala sila Dad.

"Good evening," bati rin pabalik ni Mr. Dela Torre.

Nagsiyayaan naman na pumasok kaya nauna na ako sa kanila. Sinong ikakasal sa akin?

"Nasaan si Savannah?" tanong ni dad. After he mentioned that name, pakiramdam ko alam ko na ang mangyayari.

"Kasama siya nina Lawrence and Gun. Sila lang tatlo lang kasi ang nagkakasundo," saad ni Mr. Dela Torre at nababakasan 'yun ng hiya, marahil para sa anak niya.

"Ganun ba? Axel anak, batiin mo naman ang kaibigan mo," saad ni mom at tiningnan si Sabrina na mukhang hindi na alam ang magiging reaksyon.

My family and her family thought that we're just friends. Ayaw ipa-alam ni Sabrina at dahil mahal ko siya, I respect her decision.

Ilang saglit pa ay rinig na rinig namin ang maiingay na sasakyan sa labas ng restaurant.

"Andyan na pala sila," nakangiting saad ni Sabrina. Napatingin naman siya sa akin at nawala ang mga ngiti niyang yun.

Tumingin na lang ako sa labas at tiningnan ang dalawang sasakyan na kakahinto lang. Nagawa pa atang magkarera papunta rito.

Unang pumasok si Lawrence kasunod ang makulit nilang kapatid na si Gun, at si Savannah.

Nag-lock naman ang tingin naming dalawa ni Savannah, kita ko 'dun ang pagkagulat.

Is she my soon to be wife?

Ceo's Hidden WifeWhere stories live. Discover now