Treinta

148K 2.8K 50
                                    

Treinta

Kinahapunan ng biyernes habang busy sa pagaayos ng kanyang gamit si Aura dahil pa out na siya ay biglang may kumalabit sa kanya.

"Hmm?" Tinignan niya kung sino ito.

Paglingon niya ay bumungad sa kanya ang isang nakangising Luke.

"Kayo po pala. May kailangan po ba kayo, sir?" Magalang na tanong niya dito. Duh. Nasa loob kaya sila ng ospital kaya dapat lang na tawagin niya itong sir kahit na ayaw ni Luke na tawagin siya nitong ganun. Nagiging professional lang siya.

Nag ito ng kilay. "I told you not to call me sir. And please I'm begging you, drop the po okay? I'm going to punish you if ever I hear the 'po' word."

"Uhm.. O-Okay.." Tanging nasabi nalang ni Aura. Wala siyang ibang choice. Mahirap na
at baga bigla siyang mawalan ng trabaho.

Luke patted her head. "Good. Anyways, I'm here because I would like to invite you to a Charity Event tomorrow. I like you to be my date."

Kumunot ang noo ni Aura sa narinig. Charity Event? Date? Ano nanaman ito? Haru jusko!

Napansin naman ni Luke ang naging reaksyon niya. Natawa ito. "I know, I know. Last minute! But please say yes? Ako ng bahala sa susuotin mo and all. Just say yes."

Bumakas ang bibig ni Aura pero wala ni isang salita ang lumabas doon. Hindi niya kasi alam ang isasagot dito. Nakakaramdam pa rin kasi siya ng pagkaawkward kay Luke.

"Here." May inabot si Luke sa kanya. "Invitation 'yan para doon. Kanina ko lang kasi nareceive 'yan kaya last minute na kitang nainvite. I hope you don't mind."

Nanlaki ang mga mata ni Aura ng makita niya kung ano ito. Ganitong ganito din kasi yung invitation na binigay ni Theo sa kanya. I-Ibig sabihin ba ay parehong event lang ito?

Mas lalong nahirapan si Aura na tanggihan ito. Tatanggihan na naman niya ito bago pa niya pa malaman na sa parehong event lang.  Mabait at gwapo naman talaga si Luke kaso medyo ang creepy ng dating nito para sa kanya. Basta! Hindi niya maipaliwanag ang nararamdam. Sa mga nagdaang buwan at linggo na kasama niya ito sa trabaho ay hindi talaga siya tinatantanan nito. Magugulat nalang siya na may mamahaling regalo ito para sa kanya sa loob ng kanyang locker. Laman na laman na siya ng chismis sa buong ospital. Medyo nakakaramdam na rin siya ng pagkairita sa lalaki which is mali dahil boss niya ito.

"Ah.. eh.." Binalik niya ang invitation dito. "Sorry. Hindi kasi ako pwede bukas. Uuwi kasi ako samin. Sorry." Napayuko siya. Ayaw niyang salubungin ang tingin ng lalaki dahil alam niyang kasinungalingan ang sinabi niya rito. Naka oo na kasi siya kay Theo at saka wala siyang balak na indyanin ito dahil lang ininvite siya ni Luke. Kahit na sabihin nating medyo misteryoso si Theo. Hindi niya alam kung bakit pero mas comportable siya kasama ito.

"Hindi ba pwede i-move 'yun? I can give you a leave if you want, even for a week. Just come with me tomorrow." He coldly said. Napansin ni Aura na biglang dumilim ang aura nito. Tsk! Puro Aura!

Napalunok siya. "Pasensya na talaga, L-Luke. N-Ngayon lang kasi ako makakauwi samin. Miss na miss ko na sila Nanay. Nakapagpaalam na rin po ako ng maayos." Hindi niya maiwasan wag ma-guilty sa mga sinasabi niya dito.

Pero ano bang magagawa niya? Puro kasinungalingan, Aura! Sa totoo lang ay mamaya pa lang niya tatawagan ang kanilang head nurse para makapag sick leave siya bukas tutal day off naman niya sa linggo kaya hindi niya kailangan pumasok agad.

Narinig niya bumuntong hininga si Luke. "Okay. Hindi na kita pipilitin. I know that family comes first. I understand."

Doon nagangat ng tingin si Aura. "Sorry talaga." Nahihiyang aniya.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon